Star Cinema head optimistic Richard Gutierrez may be KC Concepcion's leading man

IMAGE 0


"Sa ngayon, maaliwalas. Maaliwalas ang sikat ng araw. Kaya bakamag-continue maging maaliwalas," replies Star Cinema managing director Malou Santos (left) about the possibility of a KC Concepcion-Richard Gutierrez movie.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angmanaging director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos sa contract signing niKC Concepcion kaninang umaga, April 30, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

More or less, si Malou ang best person to ask kung anotalaga ang status ng possible team-up nina KC at Richard Gutierrez sa bigscreen at ang kauna-unahang produksiyon na pagsasamahan kung saka-sakali ng Star Cinema at GMA Films.

"Namimili pa lang kami ng leading man," sabi ng soft-spoken Star Cinema head. "Kumbaga,isa siya [Richard] sa choices, definitely. Kasi, di ba, marami namang leadingman? So hindi namin inaalis na puwede rin."

Kung gayon, malaki talaga ang posibilidad na matuloy angtamablang KC-Richard sa big screen?

"Depende sa agos ng buhay," matalinhagang sagot ng ladyexecutive. "Sa ngayon, maaliwalas. Maaliwalas ang sikat ng araw. Kaya bakamag-continue maging maaliwalas."

Ano ang initial reaction nila nang dumating ang offer ng GMAFilms na willing silang makipagkasundo sa Star Cinema sa isang proyekto?

"Maraming bagay na puwedeng mag-work together, notnecessarily magsama, di ba? Parang ganun lang ang ibig kong sabihin at thispoint. Kumbaga, positive naman sa lahat, e. There are a lot of business opportunitiesna puwedeng gawin together, not necessarily magsama."

Sa naturang contract signing ay humabol si Joyce Bernal nasiyang magdidirek ng first film ni KC sa Star Cinema. Dito nakita naming magkaabay sila ni Malou.

Matatandaan na nagulat si Direk Joyce nang malaman niya nahindi na pala siya ang magdidirek ng comeback movie ni JosephEstrada, kasama si Ai-Ai delas Alas. Hindi raw siya nasabihan ng Star Cinema napinalitan na siya ni Direk Wenn Deramas for the said movie project.

"Ah, actually, fault ko yun na hindi ko nasabi sa kanya.Pero may understanding kami because meron pa siyang ibang gagawin na pelikula.But now, alam na niya," paliwanag ni Malou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN