Endorsers Marian Rivera and Piolo Pascual deemed hottest showbiz stars

by Ruel J. Mendoza
May 1, 2008
Marian Rivera and Piolo Pascual are touted as the "hottest and number one leading actor and actress" in showbiz today.

Masayang-masaya ang young actress si Marian Rivera dahil nakakuha ng 44.9 percent rating ang pilot episode ng bago niyang fanatserye sa GMA-7 na Dyesebel noong Lunes, April 28, kahit na nagkaroon ng unscheduled power interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila.

"I felt was more than I expected pala. Hindi ko akalain na gano'n karami ang manonood. Kahit nag-brownout pa sa ibang lugar, mataas pa rin ang ratings na nakuha namin.

"Sana ay patuloy pa nilang tutukan ang Dyesebel dahil marami pa kaming maipapakitang mga eksena na ikatutuwa nilang lahat. Kung nagandahan sila sa kabuuan ng Marimar, mas magugustuhan nila itong Dyesebel dahil maraming sorpresa na para sa mga sumusuporta sa amin ni Dingdong [Dantes]," masayang pahayag ni Marian sa launching nila ni Piolo Pascual bilang celebrity endorsers ng Blue Water Day Spa na ginanap sa Crowne Plaza kagabi, April 30.

Sabi ng host ng naturang launch ay sina Marian at Piolo ang "hottest and number one leading actor and actress sa showbiz" ngayon kaya naman karapat-dapat silang kunin na endorsers.

Continue reading below ↓

Matagal na raw kakilala ni Marian si Piolo dahil kay Direk Joyce Bernal, na direktor ng young actress sa Dyesebel at Marimar. Noong asalto nga ng birthday ni Marian last year ay tinawagan ni Direk Joyce si Piolo para batiin si Marian. Iyon ang unang pagkakataon na nagkakilala sila ni Piolo.

"Piolo is very nice at nakakatawa rin pala siya. Akala mo serious na tao, pero kalog siya na tulad ko rin. Kung hindi dahil kay Direk Joyce, hindi kami magiging pamilyar sa isa't isa. Happy ako na kami ang kinuha na mag-endorse dahil kahit short time lang ay nakapag-bonding kami," lahad ni Marian.

Kung ang basehan ng pagiging sikat na leading lady ay ang maipares kay Piolo, narating na nga ni Marian ang estado na iyon. At dahil nagrereyna na si Marian sa primetime, may balitang dalawa raw sa mga ini-endorse ni Angel Locsin noon ay kay Marian na napunta.

Continue reading below ↓
Pero tumangging magbigay ng komento ang kampo ni Marian tungkol dito. Abangan na lang daw kung ano ang mga produktong ito na unang na-identify kay Angel, pero na kay Marian na ngayon.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera and Piolo Pascual are touted as the "hottest and number one leading actor and actress" in showbiz today.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results