KC Concepcion on being compared to Angel Locsin: "Sino naman po ako para i-compare sa kanya?"

by Roldan Castro
May 1, 2008
"Angel Locsin na po siya nung pumasok ako. Actually, parang I have a lot of catching up to do pa po compared sa mga credentials niya," says KC Concepcion (left) on being compared to Angel Locsin (right).

Nag-react si KC Concepcion dahil lagi silang pinagkukumpara ni Angel Locsin. Mas iinit daw ito dahil si Richard Gutierrez, na dating leading man ni Angel, ang hinuhulaang makakatambal ni KC sa unang pelikula na gagawin niya sa Star Cinema simula ngayong third week of May. Intriga tuloy ng iba, lahat na lang daw ba ay aagawin ni KC kay Angel?

"Ha? Ano po yun? Parang ang dami-daming girls para i-set out yung dalawa lang. Bakit hindi po si Anne [Curtis] at si Angel?" balik-tanong ni KC nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang contract signing para sa three-picture deal niya sa Star Cinema last Wednesday, April 30, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN.

Ipinaliwanag kay KC na ang scenario ay hinuhulaang si Angel ang magiging prinsesa ng ABS-CBN nang lumipat ito from GMA-7. Pero naudlot daw ito dahil sa pagdating ni KC sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

"Mas marami naman pong experience si Angel," sabi ni KC. "Sino naman po ako para i-compare sa kanya? Angel Locsin na po siya nung pumasok ako. Actually, parang I have a lot of catching up to do pa po compared sa mga credentials niya."

"The feeling is mutual," sambit naman ng dalagang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa sinabi ni Angel na fan siya nito. "Dati ko pa po naman neme-mention ang pangalan niya sa mga artistang napapanood ko. Nagkita kami sa Cebu, nagkausap kami sa eroplano na parang pinagtagpo kami ni God. At ang bait niya."

BILLY CRAWFORD. Tinanong din namin si KC kung okey na sila ng na-link din sa kanya noon na si Billy Crawford. Nabalita kasi noon na nainis si KC kay Billy dahil sinabi ng binata na "good kisser" si KC sa isang radio show.

"Di ba, Kapamilya na siya?" tanong ng dalaga.

Continue reading below ↓

Sinabi ng PEP kay KC na magiging host si Billy ng Pinoy Dream Academy Season 2 ng ABS-CBN.

"Bagay sa kanya! Yun lang comment ko," bulalas niya, sabay tawa.

"Wala na ako masabi!" tawa niya ulit.

Gusto kaya niyang makasama si Billy sa isang show?

"Saan naman kami magwo-work?" mabilis na sagot ni KC.

May nagsabi na pareho silang magaling sumayaw. Puwede silang maging bagong Nida Blanca at Nestor de Villa.

"It could be okay for me," aniya.

Biro namin, parang pilit ang sagot niya.

"Hindi!" natatawang sabi ni KC. "Hindi ko lang kasi ma-imagine kung anong klaseng project. Parang magge-guest ako sa PDA?"

Umalis ngayong araw, May 1, si KC papuntang Paris at one week siyang mag-stay roon. Gusto raw muna niyang mag-unwind at mag-relax bago niya simulan ang kanyang first movie. Hindi nga raw niya mapapanood bukas, May 2, ang balik-acting ng kanyang ama na si Gabby Concepcion sa Maalaala Mo Kaya. Pero titingnan daw niya ito pag na-upload na sa YouTube.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Angel Locsin na po siya nung pumasok ako. Actually, parang I have a lot of catching up to do pa po compared sa mga credentials niya," says KC Concepcion (left) on being compared to Angel Locsin (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results