Jennylyn Mercado says it's better if Patrick Garcia does not call or text her

May 2, 2008
"Sa ngayon, parang ang bilis, ilang months na lang, hayan na, makikita ko na siya. Kaya sobrang excited na po!" says Jennylyn Mercado about her much anticipated delivery.

Last week ay na-interview ng StarTalk ang pregnant young actress na si Jennylyn Mercado habang naka-confine siya sa hospital due to stress. Kahapon naman, May 1, ay nagkaroon ng pagkakataon ang (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Jennylyn sa telepono.

Ayon sa kanya, may sakit pa rin siya. This time, fever naman. Pero tuluy-tuloy pa rin daw siya sa pagtatrabaho hanggang kaya pa ng katawan niya.

Last time she got sick, lumabas na naman ang isyu about her and ex-boyfriend Patrick Garcia. Ayon kay Jennylyn ay panay ang tawag at pagpapadala sa kanya ni Patrick ng text messages na hindi magaganda ang nilalaman.

Pero mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Patrick ang mga paratang ni Jennylyn.

Nang tanungin ng PEP kay Jennylyn kung tumawag na ba si Patrick since she got hospitalized, mabilis nitong sinabi na hindi raw at walang ganoong move from the father of her child.

"Hindi pa rin po tumatawag or pumupunta si Patrick," sabi ni Jennylyn.

Continue reading below ↓

Dagdag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor, mas gusto na raw niya ang hindi na lang magparamdam ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

"That's okay. Kesa naman mag-text po siya, tapos masasama lang din naman ang sinasabi, so mas okey na hindi na lang," ani Jennylyn.

Nasa six months na raw ang ipinagbubuntis ni Jennylyn ngayon. Napansin nga raw niya ang biglang paglaki na kanyang tiyan. "Malapit na...malapit na siyang lumabas," sabi niya,

Excited na raw siyang makita ang anak, although up to now, hindi pa rin daw niya alam kung ano ang gender ng magiging anak.

"Ayaw pa rin niyang magpakita!" natatawang sabi ng expectant mother. "Pero next week, may check-up ako ulit sa O.B. ko, magkakaroon ulit ako ng another ultrasound. So hopefully, makita na kung ano talaga ang gender niya."

Pero kahit hindi pa raw siya sure sa gender ng anak, halos kumpleto na ang gamit ng baby niya na mostly ay color white para safe, babae or lalaki man daw ang anak niya.

Continue reading below ↓

"Actually, kumpleto na ako halos sa gamit. Nakaka-dalawang baby shower na kasi ako. Tapos, meron pa kong dalawa pang baby shower na upcoming. Sa ngayon, parang ang bilis, ilang months na lang, hayan na, makikita ko na siya. Kaya sobrang excited na po!" pagtatapos ni Jennylyn.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon, parang ang bilis, ilang months na lang, hayan na, makikita ko na siya. Kaya sobrang excited na po!" says Jennylyn Mercado about her much anticipated delivery.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results