Randy Santiago reveals his past showbiz sweethearts

by Ruel J. Mendoza
May 3, 2008
"Hindi ko naman itinatago na marami rin akong dine-date noon. Pero wala naman akong nadisgrasya noon. Alam ko naman siguro kung may naanakan akong ibang babae. So far, wala namang lumalapit sa akin to say na may anak ako sa kanya," replies Randy Santiago when asked if he sired any children at the height of his career.

Nakakatuwang makita si Randy Santiago dahil kahit nasa mid-40s na siya, hindi pa rin nagbabago ang kanyang hitsura. Alaga raw kasi sa katawan si Randy kaya never siyang nakitang tumaba.

Seventeen years old na pala ang panganay ni Randy na si Ryan Leonardo at magsi-16 naman ang pangalawang anak niya na si Rafael Louis. Maayos pa rin ang relasyon nila ng kanyang misis na dating model, si Marilou Coronel. Ayon kay Randy, hanggang ngayon daw ay in love pa rin siya sa kanyang misis na modelo pa rin daw ang dating.

Tinanong namin si Randy kung sure ba siyang dalawa lang ang kanyang mga anak. Wala ba siyang alam na may nabuntis siya noong panahon na sikat na sikat siya?

"In fairness, wala naman. It's either wala or hindi ko alam!" sabay tawa niya.

"Hindi ko naman itinatago na marami rin akong dine-date noon. Pero wala naman akong nadisgrasya noon. Alam ko naman siguro kung may naanakan akong ibang babae. So far, wala namang lumalapit sa akin to say na may anak ako sa kanya. Kaya kung sino ang mga anak ko, sila lang ‘yon," pahayag ni Randy sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

THE BIRTH OF A STAR. Nagsimula sa recording industry si Randy bilang bahagi ng bandang Cicada noong early '80s. Nabigyan siya ng pagkakataon na maging solo artist nang mapili siyang umawit ng theme song ng pelikulang Ninja Kids with Gino Padilla and Juan Miguel Salvador.

Pagkatapos nito ay naging isa sa mga host si Randy ng noontime show ng GMA-7 na Lunch Date, na later on ay naging SST (Sama-Sama Together). Naging co-host din siya sa The Sharon Cuneta Show at MTB: Magandang Tanghali Bayan. Nagkaroon din siya ng sariling late-night show na may titulong Shades at sitcom na Four Da Boys.

Gumawa rin ng ilang pelikula si Randy tulad ng No Retreat, No Surrender si Kumander; Taray at Teroy; Paikot-Ikot; at Pera O Bayong. Pinasok din ni Randy ang pagdidirek sa TV, tulad ng Aalog-Alog at Parekoy sa ABS-CBN.

SHOWBIZ SWEETHEARTS. Nang tanungin namin si Randy kung sino ba sa showbiz ang naging mga karelasyon niya? Inamin niya na sina Maricel Soriano at Pops Fernandez lang ang nakarelasyon niya, pero hindi naman daw nagtagal ang mga ito.

Continue reading below ↓

"Si Pops, noong mga bata pa kami. Very close kasi ang mga families namin. Saglit lang yung kay Pops kasi pinartner siya kay Rowell [Santiago, Randy's brother]. Yung kay Maricel, that was the time na ginagawa namin yung movie na Taray at Teroy sa Regal Films. Short-lived din ‘yon kasi nga sobrang busy namin, hindi namin nabigyan ng time ang lahat."

Si Kris Aquino ba ay tinangka rin niyang ligawan noon? Noong minsan kasi ay sinorpresa siya ni Kris sa Lunch Date at inamin ng actrss-host na nagka-crush siya kay Randy years ago.

"Wala yung kay Kris," sabi ni Randy. "Bata pa siya noon, e. Tapos may mga PSG [Presidential Security Guards] pa siya noon. Hindi ko siya nagawang ligawan kasi nga she was too young for me that time. Natuwa lang ako sa paghanga niya sa akin noon."

Muling makakasama ni Randy ang kanyang mga ka-batch noong ‘80s na sina Gino Padilla, Raymond Lauchengco, at Louie Heredia sa concert na Greatest Hits of the ‘80s, produced by Viva Concerts and Events. Magaganap ang concert sa Music Museum on May 16 and 17. Muling mapapakinggan ang mga pinasikat niyang hit songs, including "Babaero," "Hindi Magbabago," "Para Sa ‘Yo," at "Tuloy Pa Rin."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko naman itinatago na marami rin akong dine-date noon. Pero wala naman akong nadisgrasya noon. Alam ko naman siguro kung may naanakan akong ibang babae. So far, wala namang lumalapit sa akin to say na may anak ako sa kanya," replies Randy Santiago when asked if he sired any children at the height of his career.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results