Gabby Concepcion recalls his first audition in Regal Films

by Rommel R. Llanes
May 3, 2008
"Ano yun, pelikula. Nung nag-o-audition ako for Regal Films. Talagang kinabahan ako, naka-take-seven yata ako or something like that. Ni hindi ko nga masabi yung linya ko, e, dahil sa kaba ko," narrates comebacking actor Gabby Concepcion.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktor na si Gabby Concepcion ay inamin niya na ang aktres na si Sandy Andolong ang unang nagpakaba sa kanya. Si Sandy ang misis ng tinaguriang Drama King na si Christopher de Leon.

Kuwento ni Gabby, "Naaalala ko nung unang-unang pumasok ako sa showbiz, sa audition nung 1980, kaharap ko si Sandy Andolong... Yun, naka-take-seven yata ako nun dahil kinabahan dahil kaharap ko si Sandy Andolong for the very first time.

"Ano yun, pelikula. Nung nag-o-audition ako for Regal Films. Talagang kinabahan ako, naka-take-seven yata ako or something like that. Ni hindi ko nga masabi yung linya ko, e, dahil sa kaba ko," pagbabalik-tanaw ng nagbabalik na aktor.

Nakadagdag pa raw sa kaba ni Gabby noon ang nakakapanibagong set ng isang pelikula.

"Nakakita ako ng camera, ng crew, ng boom... Hindi ko maintindihan kung ano yung mga hitsura ng camera noong araw. Ang lalaki, e!" lahad ni Gabby.

Continue reading below ↓

Ito ang mga alaalang bumalik kay Gabby sa muling pagsalang niya sa harap ng kamera para sa special episode ng Maalaala Mo Kaya na ipinalabas kagabi, May 2.

POSSIBLE LEADING LADIES. Nag-conduct pala si Gabby ng survey among his close friends kung sino ang pupuwede niyang maging possible leading ladies sa muling pagsabak niya sa pag-arte. Sino ang mga isinagot ng mga kaibigan niya?

"Iba-iba, e. May kanya-kanyang opinion sila," sagot ng aktor.

Sa mga female stars ng ABS-CBN, popular choices daw among his friends sina Kristine Hermosa, Anne Curtis, Bea Alonzo, at si Judy Ann Santos. Sa GMA-7 naman, dalawa ang top choices: sina Marian Rivera at Iza Calzado.

Halimbawang siya ang masusunod, mas gusto ba niyang ang anak niyang si KC Concepcion muna ang makasama niya sa pelikula?

"Kahit na sino, wala akong preference. Ako, basta't gusto ko lang makapagtrabaho, magtatrabaho ako. Yun lang naman ang akin dito."

Continue reading below ↓

Among his former leading ladies, gusto ni Gabby na muling makatrabaho sina Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Gretchen Barretto, Snooky Serna, Cherie Gil, at Vilma Santos.

GABBY'S FAMILY. Ibinalita rin ni Gabby na nandito na sa Pilipinas ang misis niyang si Genevieve Gonzalez at ang kanilang anak.

"Dumating na, ahead of schedule. Miss na nila ako, e!" masayang sabi ni Gabby.

Sa bahay raw parents ni Genevieve sa Makati nag-i-stay ang mag-ina ni Gabby.

Hiningi rin daw Gabby ang permiso ni Genevieve at ng pamilya nito para muling balikan ang kanyang pag-aartista.

"Well, nakakapanibago nga, e. Hindi ko nga alam na mangyayari ‘to. Sila rin, hindi nila alam, pati yung pamilya nila. Pero humingi ako ng permiso sa kanila, tinanong ko muna. Sabi ko sa kanila, ‘There might be a possibility na bumalik ako sa showbiz, I just want your approval,'" lahad niya.

At ngayon nga ay nakabalik na sa showbiz si Gabby. Pagkatapos ng special episode ng Maalalaa Mo Kaya ay mapapanood naman siya sa teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa lamang at isang pelikula mula sa GMA Films.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ano yun, pelikula. Nung nag-o-audition ako for Regal Films. Talagang kinabahan ako, naka-take-seven yata ako or something like that. Ni hindi ko nga masabi yung linya ko, e, dahil sa kaba ko," narrates comebacking actor Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results