Dingdong Dantes reveals "patience and waiting" are the secrets of his success

by Rommel R. Llanes
May 3, 2008
"Yung paghihintay, yung mga nangyari, lahat yun learning experience yun, e. Kumbaga sa ipinundar na taon, na experience, marami akong naipundar kahit papaano," explains Dingdong Dantes about what sustained him through the years.

Bago natamo ni Dingdong Dantes ang kasikatang tinatamasa niya ngayon, dumating din sa point na medyo nanahimik ang career ng young actor. Pero hindi raw ‘yon naging dahilan para umalis siya sa bakuran ng GMA-7, kung saan siya nagsimula sa pamamagitan ng youth-oriented show na TGIS.

Pagkatapos ng phenomenal hit na Marimar, heto ngayon ang Dyesebel nila ni Marian Rivera na humahataw rin nang husto sa ratings game.

"Kasi naniniwala ako sa patience... patience and waiting for the right project," sambit ni Dingdong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Sa akin naman, kahit gaano ka katanda, kahit ano mangyari sa 'yo in the past, kung baguhan ka man, but given the right project, many things can happen. And sa akin, yung paghihintay, yung mga nangyari, lahat yun learning experience yun, e. Kumbaga sa ipinundar na taon, na experience, marami akong naipundar kahit papaano."

At ngayon nga ay kitang-kita naman na nagbunga ang lahat ng kanyang pagsisikap at pagtitiyaga.

Continue reading below ↓

"Sana. I mean, mahirap anuhin, e. Hindi natin masasabi yung kung papaano masu-sustain. Pero basta yung pagpupursige nandiyan," ani Dingdong.

Dagdag niya, "Ako naman, never naman nawala yun, e. Opportunity lang talaga, nagkataon dumating yung magandang opportunity. Kaya nga nung time na yun, napasok ko lahat—directing, hosting... Lahat yun, I learned from it. Nagagamit ko lahat yun ngayon."

Ano ang nararamdaman ni Dingdong kapag nakakarinig siya ng mga comments na nakabawi na siya at bonggang-bongga na ang career niya ngayon?

"Mas masarap pakinggan yun kesa sa masasabing nanatili na lang ako dun," sagot niya. "Kasi lahat naman ng tao gustong gumawa ng mas higit pa sa kung anong meron sila, specially career-wise, and specially in the field of acting."

Dahil dito kaya lalo pa raw niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho.

"Like ako, isang aktor, hindi ako puwedeng makuntento lang sa nangyayari noon or ngayon. Siyempre, gugustuhin kong magkaroon ng isang role na makabuluhan, isang role na medyo may dating, di ba? Yung sana magkaroon ako ng award, yung mga tipong ganun.

Continue reading below ↓

"So, mag-e-elevate din dapat yung hopes mo for yourself, and it's not bad. It's better than hearing them say na, 'Well, hanggang diyan lang siya.' So mas mabuti na po yung ganun," pagtatapos ni Dingdong.

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung paghihintay, yung mga nangyari, lahat yun learning experience yun, e. Kumbaga sa ipinundar na taon, na experience, marami akong naipundar kahit papaano," explains Dingdong Dantes about what sustained him through the years.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results