Gabby Concepcion sheds light on rumors he's Malaya Lewandowski's dad

May 5, 2008
"Pero wala talaga. Aminin ko yun. Maganda yung bata, e! Sabihin ko lang, maganda naman akong maglahi, yun pang isa, o!" jokes Gabby Concepcion about rumors that he's the father of Koolchix member Malaya Lewandowski.

Hanggang ngayon ay iniintriga ang pagbabalik ng '80s matinee idol na si Gabby Concepcion. Bagsak na raw ang real estate sa U.S. kaya bumalik siya sa Pilipinas.

"In general, ang real estate ay bagsak pero hindi naman lahat ng agent ay naghihirap. Oo, kasi ako marami ring nabebenta. Hawak ko ang foreclosures, ‘yan ang binibili ng mga investors.

"Iba-iba kasi ang klase ng real estate; merong commercial, merong residential, merong iba-ibang specialty. Depende kung saan ka nag-i-specialty. Merong area-area, merong mga region, merong mga cities.

"Ako, wala akong problema. In fact, nung umalis ako, meron akong anim na na-close. Hindi ko pa nakukuha ang mga tseke until 30 days, so, may cheque pa akong makukuha," paliwanag ni Gabby nang kapanayamin ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pinasinungalingan din ni Gabby ang mga alingasngas na naghihirap na siya kaya siya umuwi ng Pilipinas. In fact, mahigit pa sa P500,000 ang nakukuha niyang komisyon sa pagiging real estate and mortgage broker.

Continue reading below ↓

"Ang mga naibebenta ko ay nasa 500, 800, to 1.2 [million dollars]," kuwento pa ni Gabby sa PEP. So if in dollars, converted to pesos na komisyon, hindi nga bumababa ng P500,000 ang kinikita ni Gabby sa States. You do the math.

MALAYA MENTIONED. Nag-react din si Gabby sa isa pang alingasngas involving Koolchx member and MYX North America VJ Malaya Lewandowski. Ayon sa kumalat na tsismis, anak daw niya ito. Itinanggi na ito ni Malaya mismo (click here for related article).

"Nabasa ko nga yung article tungkol diyan. Hindi naman niya sinasabi na ama niya ako, e," reaksyon ng aktor.

"Pinagtsitsismisan, oo. Pero alam mo naman ang showbiz.

"Maganda nga siya at marami ang nagsasabi na kahawig ko raw. Nakasama ko na siya sa Amerika. Kilala ko yung nanay niya dahil family friend.

"‘Di ba tumira sina Daddy [Rolly Concepcion] sa States? Wala pa siyang anak noon nagpupunta siya sa bahay. Dalaga pa siya noon. Pero never na naging kami. Kahit holding hands, hindi ko naka-holding hands yung nanay niyan, e!

Continue reading below ↓

"Nagkataon lang na kaya nag-umpisa siguro ang tsismis na ‘yan dahil sa San Francisco ay nagkaroon ng parang beauty contest. ‘Tapos, kailangan ay parents ang magpi-present doon sa anak nila. Wala yung parents ng bata kaya ako ang umakyat. Siguro naging tsismis yun dahil ang announcement accompanied by parents. Actually, mga two years na siguro yun.

"Umiiyak pa nga siya sa entablado dahil wala ang mga parents niya, e!" kuwento pa ni Gabby sa amin.

"Sure naman ako kung ilan ang anak ko. At hindi ko naman dine-deny. Alam n'yo naman ‘yan, e! Kahit i-DNA [testing] n'yo ako, lalaban ako dun. Pero nakakahiya sa bata, bakit pa? Kahit ako rin, bakit pa nagpa-DNA? Ibig sabihin may duda ka.

"Pero wala talaga. Aminin ko yun. Maganda yung bata, e! Sabihin ko lang, maganda naman akong maglahi, yun pang isa, o! Pero hindi ko gaganunin," bulalas pa niya.

Pero paano kung may lumapit at mag-claim na anak niya?

Continue reading below ↓

"Kung talagang may nagki-claim at ipagpipilitang anak ko, DNA [testing] lang ang katapat. Pero so far, wala pa namang lumalapit sa akin na anak ko. At alam ko naman kung sinu-sino ang mga anak ko," deklara pa niya.

Sisimulan na ni Gabby ang taping ng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN 2 kasama sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, at Angelica Panganiban. Ayaw niya ring mag-comment sa kasong libelo na isinasampa ngayon (Lunes) ng kanyang manager, Mommy Rose Flaminiano, sa katotong Jobert Sucaldito sa Tarlac City.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero wala talaga. Aminin ko yun. Maganda yung bata, e! Sabihin ko lang, maganda naman akong maglahi, yun pang isa, o!" jokes Gabby Concepcion about rumors that he's the father of Koolchix member Malaya Lewandowski.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results