Carlene Aguilar wants to join showbiz as host rather than acting

by Nelson Canlas
May 5, 2008
"Magkaibigan talaga kami ni Dennis ngayon, walang halong showbiz. Wala na akong pakialam sa mga naririnig kong nagkabalikan na sila ni Cristine [Reyes], ang importante hindi niya kinakalimutan ang duties niya as a father," says Carlene Aguilar about ex-boyfriend Dennis Trillo who is also the father of her son Calix Andreas.

Kinikilig na ikinuwento ni Carlene Aguilar ang mga development sa kanyang 7-month-old baby na si Calix Andreas. Nakatutuwa na raw ito lalo pa't bibung-bibong lumalaki ang anak nila ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo.

"Ok lang naman siya. Nakakatuwa kasi maingay na, tawa nang tawa. Nakakatayo na pero kailangang hawakan pa. Naku! Hinahabol ko na nga. Ang kulit na rin," kuwento ng proud mommy.

Sa mga larawang ipinadala ni Carlene, kitang kita ang pagkakahawig ng kanyang anak sa Daddy Dennis nito. Masaya raw si Carlene dahil naglalaan daw talaga ng oras si Dennis para sa kanyang baby.

"Alam ko meron siyang ginagawang series ngayon, pero he makes sure na may time siya with Calix. Inuuna talaga niya kaysa ibang bagay," kuwento ni Carlene.

"Magkaibigan talaga kami ni Dennis ngayon, walang halong showbiz. We're friends for Calix," sabi ni Carlene tungkol sa relasyon nila ngayon ni Dennis. "Wala na akong pakialam sa mga naririnig kong nagkabalikan na sila ni Cristine [Reyes], ang importante hindi niya kinakalimutan ang duties niya as a father."

Continue reading below ↓

Nagpahapyaw si Carlene na may ilang nanliligaw sa kanya ngayon. Hindi raw ito ang priority niya dahil gusto niya munang mag-focus sa pagiging isang ina.

"Ang mga lalaki naman ngayon hindi na nanliligaw. Binabarkda ka na lang nila para ‘pag naging kayo, alam n'yo na ang ugali ng isa't isa dahil barkada kayo. Hindi rin ito ang focus ko ngayon dahil si Calix ang focus ko, malapit na siyang mag-one year old. Marami akong inaasikaso tulad ng birthday party niya. Ayokong mag-cram," ayon pa sa dating beauty queen.

Excited na rin si Carlene dahil sa darating na Hulyo, magsisimula na siyang bumalik sa eskuwela. Ilang semester na lang daw at graduate na siya. Gusto raw niyang magturo pagkatapos niyang magtapos. Isang finishing school para sa mga beauty pageant aspirants ang gustong itayo ni Carlene.

Bukod dito, gusto na ring pasukin ni Carlene ang showbiz. Pero gusto raw niyang tahakin ang linya ng pagho-host kaysa pag-aartista. Mas marami na raw siyang oras sa darating na pasukan dahil twice a week lang ang kanyang eskwela, kaya't gusto raw niyang gamitin ang kanyang extra time sa mga productive na bagay.

Continue reading below ↓

Wala rin daw siyang problema kung makakasama niya sa isang proyekto si Dennis.

Read Next
Read More Stories About
Carlene Aguilar, Dennis Trillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Magkaibigan talaga kami ni Dennis ngayon, walang halong showbiz. Wala na akong pakialam sa mga naririnig kong nagkabalikan na sila ni Cristine [Reyes], ang importante hindi niya kinakalimutan ang duties niya as a father," says Carlene Aguilar about ex-boyfriend Dennis Trillo who is also the father of her son Calix Andreas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results