Gabby Concepcion says all business transactions go through his manager

May 4, 2008
"Kaya ako bumalik dahil para ayusin kung anuman ang maging problema. And I can guarantee you by the time na umabot ang end of the year, matatapos nating lahat ‘yan. Huwag nating patagalin ang end of the year," says Gabby Concepcion.

Agree ang aktor na si Gabby Concepcion sa sinabi ng dati niyang asawa na si Sharon Cuneta sa hiling ng mga fans na magbalik-tambalan sa pelikula ang isa sa hottest love teams noong dekada '80. Napanood kasi ni Gabby ang interview kay Sharon, kung saan sinabi ng Megastar na kahit malaki pa ang offer na makipagtambal siya kay Gabby ay hindi pa rin siya papayag.

"Hindi na kami ang humiling. Marami talaga ang humiling at nagsasabi kung puwede kaming gumawa ng pelikula whether with Sharon or with KC [Concepcion, their daughter] alone. Hindi naman ako ang nagre-request nun, e. Ang nagre-request noon ay mga taong nakikita ko rin. Kayo siguro naririnig ninyo sinasabi ng mga tao.

"I'm very open to that because I owe it to them. We owe it to our viewers. We owe it to our fans who want to watch us again. If I can give them that as a gift, no problem," pahayag ni Gabby sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

Maging si KC ay iniisip din ang damdamin ng kanyang ina sa posibilidad na magtambal muli ang kanyang mga magulang. Ano ang masasabi rito ni Gabby?

Ayon sa aktor, "With all things considered lang, narinig ko na rin yung interview kay Sharon tungkol doon. Kung wala lang ho sanang intriga and huwag namang gagawin na parang ganun nga yung binabanggit din niya. It would be nice. Yung sinasabi ko lang is maganda nga sana kung mangyayari, with all things considered. Pero sa totoo lang, marami ang naghihintay nun."

Gusto ni Gabby na kung anuman ang maging problema o isyu na meron sa kanya ang kahit na sino, lalo na ang press, mas mabuti na diretsuhin siya para mapag-usapan ito.

"Yes, kaya yun din ang aking New Year's resolution, 13th year resolution na I hope ‘pag merong problema sa kahit na sinong reporter, whether ginusto ninyo ako noon or hindi nagbago ang tingin sa akin, or sana meron kayong nakitang pagbabago o maski wala, sana makausap ko sila bago pa lumaki," pakiusap niya.

Continue reading below ↓

AVOIDING THE ISSUE. Napaubo naman si Gabby nang banggitin ang pangalan ni Jobert Sucaldito, na nagsampa ng kaso laban sa kanya. Ang demanda ay bunsod ng diumano ay hindi pagtupad ni Gabby sa usapan nila ni Jobert na ang aktor mag-iindorso ng isang whitening product na inireto ng naturang kolumnista.

"Gumawa na lang tayo ng pelikula," sabi niya. "I'm sure ‘pag gumawa tayo ng pelikula, mailalabas natin sa pelikula lahat ng iyakan, lahat ng action, lahat ng tawanan, ayun. Kasi ako, ayoko namang iwasan ang tanong pero umiiwas lang ako sa intriga.

"Kaya nga kung ano yung hindi na dapat pag-usapan on air, huwag na nating pag-usapan kasi hindi naman dapat. Pero come on, let's love each other and not hate each other."

Hindi ba siya nagsisisi sa kanyang pagbabalik at sunud-sunod na kaso ang kinakaharap niya ngayon? Kakayanin ba niyang harapin lahat ng asunto laban sa kanya?

"Yeah, ang intriga kasi sa tingin ko sa showbiz, whether kasalanan mo o hindi... Pero unfortunately, karamihan ng intriga na pinapalabas parang kasalanan mo. Hangga't hindi mo imbestigahan yung intriga na yun, tatanggapin mo na lang ang basehan doon sa huling sinabi nung kung sino man ang nagsabi. So, in general, ang intriga talaga, dapat 'yan medyo...dapat mawala na ‘yan sa buhay ng mga matitinong tao.

Continue reading below ↓

"Pero ang mga nagdadala niyan, kasi merong kanya-kanyang agenda yun, e, kung bakit ang intriga nangyayari. Kaya eto, ha, tatapatin ko lang talaga kayo. Sa pagbalik ko, hindi ako naghahanap ng gulo. Ang hinahanap ko ay ang pag-aayos and we can do that behind the camera. At aminin ko, tamaan ako ng kidlat ng 50 times ngayon, wala akong ginawang masama.

"Lahat ‘yan aayusin natin, in time. What I need is time. So, please give me the time. Nandidito ako para ayusin lahat ‘yan. Kaya ako bumalik dahil para ayusin kung anuman ang maging problema. And I can guarantee you by the time na umabot ang end of the year, matatapos nating lahat ‘yan. Huwag nating patagalin ang end of the year," pahayag ni Gabby.

Tanggap naman ni Gabby na hindi lahat ng tao ay mapi-please niya.

"Ganun talaga," buntung-hininga ni Gabby. "Lahat ng tao may kanya-kanyang opinyon. So, hintayin na lang ho ninyo. Basta ako dito magtatrabaho. Wala akong sasagasaan. Lahat ng kilos ko dumadaan sa manager ko [Mrs. Rose Flaminiano]. Hindi ako puwedeng lumaktaw sa manager ko, dahil kumuha ako ng manager para asikasuhin lahat ng business transactions.

Continue reading below ↓

"Hindi ako gumagawa ng business transaction base sa desisyon ko lang. Hindi ako gagalaw ng ganun, never. Kahit kausapin ninyo ako nang diretso, I will entertain you, I will not snub you. But I will not give you a direct answer dahil ang manager ko ang dapat masunod doon."

REAL ESTATE BROKER OR CAR DEALER? May tsismis na hindi naman siya totoong real estate broker sa U.S. kundi isang car dealer. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Talaga? May ganung balita sa akin? Magkano? Magpustahan tayo? Sino'ng nagsabi? O tanong n'yo lang yun?" sunud-sunod na tanong ni Gabby.

Ayon sa report, may tumawag daw from the U.S. sa isang tabloid newspaper at sinabi na car dealer daw si Gabby sa San Francisco.

"Saan galing yung call?" tanong niya ulit. "Ano'ng telephone number? Kasi yung mga ganyan, yung mga sinasabi nila, well, siguro ang tanong dun is totoo bang ikaw ay broker dahil wala naman kaming ebidensiya na broker ka. Siguro hindi naman nagtatanong yung mga Pilipino. Baka yun ay maaaring isang tanong lang ng kahit na sino. Totoong broker ho ako ng real estate sa Amerika. I passed the California Board Exam. I can show them my certificate.

Continue reading below ↓

"Hindi ako car dealer," giit niya. "Kung sabagay, maraming broker. Yung stock broker na, pero ako real estate broker ako. Meron ding mortgage broker. But I'm both. I'm a mortgage broker and a real estate broker."

KC-RICHARD TEAM-UP. Nakarating na rin kay Gabby ang balita na si Richard Gutierrez na ang opisyal na leading man ni KC sa first movie niya under Star Cinema.

Matatandaan na si Gabby din ang unang leading man ni Sharon sa first film nito na Dear Heart under Sining Silangan Productions sa direksiyon ni Danny Zialcita. Pagkatapos nito ay nagtambal ulit sina Gabby at Sharon sa first movie ng Viva Films, ang P.S. I Love You, kung saan tuluyan na silang nagkainlaban.

Kaya hindi raw imposible na magkaroon ng part two ang Sharon-Gabby team-up kina KC at Richard. Boto ba si Gabby kay Richard para sa panganay niyang si KC?

"Mabuting bata naman si Richard, e," sagot ni Gabby. "Kilala ko ang pamilya nila. Bata pa si Richard, nakikita ko na siya. Okey yun. Sana matuloy yung ano nila...dalawa, tatlo apat, hanggang sampung pelikula nila. Sana maging hit lahat."

Continue reading below ↓

Balita na may kissing scene sina KC at Richard sa pelikula nila. Payag ba siya?

"O, e, nasa kanya yun. Nasa edad na siya."

What about love scene?

"Hay, hindi na gagaling itong aking ubo," nakangiting sabi niya.

In short, tutol siya na makipag-love scene si KC sa big screen?

"Hindi naman," sagot ni Gabby.

Ayon kay Gabby, magkikita raw sila dapat ni KC ng mga sandaling ini-interview namin siya kaya gusto na niyang umalis.

"Kaya gusto ko sanang dumating nang maaga para matapos tayo para makatakbo naman ako dahil naghihintay naman ang anak ko. Sana nga magkikita kami. E, kaya lang, anong oras na kaya? Kailangan kong tumawag. Magre-report ako sa anak ko," nag-aalalang sabi ni Gabby.

Sa pagkikita sana nila ni KC that night ibibigay ni Gabby ang kanyang birthday gift kay KC. Nag-celebrate ng kanyang 23rd birthday si KC noong April 7.

"Naku, yung sikreto ko nilalabas ninyo na!" natatawang sabi ni Gabby.

Continue reading below ↓

Ano ang birthday gift niya kay KC?

"Hindi ko masasabi sa inyo yun," ulit niya.

May balita na kotse ang birthday gift niya kay KC. Totoo ba ito?

"Hindi naman," sambit ni Gabby. "Kayang-kaya niyang bumili ng kotse. Baka bilhan pa niya ako ng kotse! Kinikita ko pa yung bibilhin ko para sa kanya. Pagtrabahuhin muna ninyo ako."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kaya ako bumalik dahil para ayusin kung anuman ang maging problema. And I can guarantee you by the time na umabot ang end of the year, matatapos nating lahat ‘yan. Huwag nating patagalin ang end of the year," says Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results