Piolo Pascual and Sam Milby pay DOJ a visit

by Erwin Santiago
May 8, 2008
Matinee idols Sam Milby (left) and Piolo Pascual (right) went to the Department of Justice yesterday, May 7, to speak with Secretary Raul Gonzalez regarding their libel case against Lolit Solis.

Personal na binisita nina Piolo Pascual at Sam Milby ang opisina ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa Department of Justice (DOJ) kahapon, May 7. Kasama ng dalawa ang abogado nila na si Atty. Joji Alonso at ang Star Magic head na si Johnny Manahan.

Ang dahilan ng pagbisita ng dalawang matinee idols ay upang matiyak na ang libel case na isinampa nila sa kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ay lilitisin ng korte sa patas na paraan.

Nangangamba kasi sina Piolo at Sam sa kahihinatnan ng kanilang kaso dahil nakatanggap sila ng balita na sinasabi diumano ni Lolit na may "connections" siya sa DOJ. Ayon pa sa balita, ang mga koneksiyon daw na ito ni Lolit sa loob ng DOJ ang magsisiguro na madi-dismiss ang kaso na isinampa laban sa kanya nina Piolo at Sam.

Sa panayam ng mga reporter kay Secretary Raul Gonzalez, sinabi nito na: "They are worried because Solis allegedly bragged that she has connections at the DOJ and that she supposedly even named names. I assured them that the case will be decided based on evidence available."

Continue reading below ↓

Matatandaan na nakahanap na ng sapat na ebidensiya ang Manila Prosecutor's Office upang gumawa ng kaso laban kay Lolit. Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nakakaabot sa korte dahil nag-file ng petition for review ang kolumnista-talent manager sa DOJ.

Nagsampa ng libel case sina Piolo at Sam laban kay Lolit dahil sa isinulat nito sa kolumn niya sa Pilipino Star Ngayon na "Take It, Take It" noong October 15, 2007. Nakita diumano ni Lolit ang dalawang ABS-CBN actors na "nagbubulungan habang magkalapit ang kanilang mga pisngi" sa poolside coffee shop ng Hotel Sofitel sa Pasay City noong October 12.

"The subject article with the headline, 'Sam and Piolo, naglalampungan,' leaves no doubts in the minds of the readers that she intended us to be perceived as gay men," pahayag nina Piolo at Sam sa kanilang salaysay noon.

Kasama rin sa kanilang sinampahan ng demanda ang entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon na si Veronica Samio.

Continue reading below ↓

Itinalaga na ni Secretary Gonzalez si Undersecretary Ernesto Pineda para magsagawa ng initial review sa petisyon ni Lolit.

Sa resolution ni Assistant Prosecutor Dennis Aguilar na isinulong noong March 24, sinabi ng prosecutors na bagama't totoong hindi direktang sinabi ni Lolit sa kanyang artikulo na bakla sina Piolo at Sam, ang mga salita at phrases na ginamit ay sapat raw upang isipin ng mga mambabasa na ang mga complainants ay bakla na gumagawa ng "inappropriate acts."

Binigyan din ng kaukulang pansin ng prosecutors ang affidavits ng witnesses ng complainants—sina Rica Peralejo, Cristy Fermin, at Angel Locsin—na wala sina Piolo at Sam sa Hotel Sofitel noong October 12, 2007 kung saan naganap diumano ang "romantic escapade" ng dalawang aktor.

Sinabi rin nila na ang invocation of privileged communication ni Lolit ay isang paraan ng depensa na maaari lamang mapatunayan sa isang full-blown trial.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matinee idols Sam Milby (left) and Piolo Pascual (right) went to the Department of Justice yesterday, May 7, to speak with Secretary Raul Gonzalez regarding their libel case against Lolit Solis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results