Eula Valdes visits her husband in Australia

by Rommel R. Llanes
May 8, 2008
"Ako, naniniwala kasi ako na hindi dapat... Ang artista, lalo na yung walang kontrata, hindi siya dapat tied down sa isang network lang. Dapat ma-enjoy namin yung privilege na magtrabaho whether Siete or Dos, di ba?" says actress Eula Valdes.

Kasalukuyang nasa Australia ang aktres na si Eula Valdes para bisitahin ang kanyang mister na si Richard Litonjua, na doon na naka-base kung saan ito nagtatrabaho bilang electrical engineer.

Kasama ni Eula na lumipad papuntang Australia ang mga anak niyang sina Miguel (anak ni Eula sa dati niyang karelasyon na si Ronnie Quizon) at Juliana, ang anak na babae nina Eula at Richard.

Napagkasunduan na nina Eula at Richard na kung sino sa kanilang dalawa ang may panahon na magbakasyon at maluwag ang schedule, siya ang pupunta para dalawin at makasama ang kabiyak.

Since iniipon ni Richard ang bakasyon niya para mahaba ang kanyang time-off sa trabaho tuwing Christmas season, si Eula ang pumunta sa Australia this time.

Sabagay, pahinga muna si Eula ngayon dahil tapos na ang fantaserye niya sa GMA-7 na Kamandag.

THE SWITCH. Bago siya umalis, nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Eula. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga nangyayaring lipatan ng mga artista sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

Continue reading below ↓

Matatandaan na si Eula ay identified noon sa ABS-CBN kung saan na-revive ang kanyang showbiz career simula nang gampanan niya ang papel na Amor Powers sa hit drama series na Pangako Sa ‘Yo.

"Ako, hindi naman kasi ako exclusive sa ABS ever since, e," paglilinaw ni Eula. "Although naging loyal ako sa kanila, kasi thankful din ako dahil binibigyan din naman nila ako ng projects one after the other.

"Pero yun nga, gusto ko lang ma-try din naman yung ibang network. Ako, naniniwala kasi ako na hindi dapat... Ang artista, lalo na yung walang kontrata, hindi siya dapat tied down sa isang network lang. Dapat ma-enjoy namin yung privilege na magtrabaho whether Siete or Dos, di ba?

"Yun lang. Na walang samaan ng loob, na walang personalan, trabaho lang. Trabaho lang talaga ang gusto namin," pahayag niya.

Kaugnay nito, tinanong namin si Eula kung naalarma ba siya sa sa lumabas na balitang muntik nang lumipat sa ABS-CBN si Richard Gutierrez, na gumanap bilang anak niya sa Kamandag.

Continue reading below ↓

"Hindi. Alam ko naman lahat-lahat ng mga istorya niyan, e," tugon ni Eula.

Read Next
Read More Stories About
eula valdes, Richard Gutierrez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako, naniniwala kasi ako na hindi dapat... Ang artista, lalo na yung walang kontrata, hindi siya dapat tied down sa isang network lang. Dapat ma-enjoy namin yung privilege na magtrabaho whether Siete or Dos, di ba?" says actress Eula Valdes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results