Dennis Trillo controls himself in kissing scenes with Katrina Halili

by Rommel R. Llanes
May 8, 2008
"Lasang lip gloss na may flavor. Strawberry yata o raspberry," replied Dennis Trillo when asked how Katrina Halili's lips taste like in their kissing scenes.

Tila nalilinya ngayon si Dennis Trillo sa mga babaeng sexy.

After ma-link kay Cristine Reyes, si Katrina Halili naman ang malamang ma-link sa kanya dahil siya ang leading man nito sa Magdusa Ka, ang bagong panghapong drama show ng GMA-7.

SEXINESS NOT A REQUIREMENT. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at tinanong na si Dennis kung may chance kayang magkaroon sila ng totohanang relasyon ni Katrina, tutal, pareho naman silang single.

"Hindi malabong mangyari yun. FHM's number one sexiest siya for two years... pero siyempre ngayon trabaho muna ang focus natin. Mahirap nang ma-involve ulit. Kaya ako, sinasabi ko sa sarili ko na focus muna ako sa trabaho ngayon," sagot agad ni Dennis.

Pero weakness niya ba talaga ang mga seksing babae?

"Siguro nagkakataon lang na ganun. Hindi ko naman requirement talaga na sobrang sexy ka para magustuhan ko."

May plano na ba siyang i-date si Katrina?

Continue reading below ↓

"Siguro, ‘pag may pagkakataon. Kaso lang ngayon, busy kami sa pagte-taping, e. Kaya wala muna siguro."

HEAVY STATEMENT. Kung may taong gustong sabihan si Dennis ng "Magdusa ka!" sino kaya yun?

"Hindi ko alam! Medyo mabigat na statement yun para sabihin sa kahit na sinong tao. Pero sa ngayon wala, wala.

"Ayokong may makalaban or may makaargumento. Kaya pipiliin kong huwag sabihin ‘yan sa kahit kanino. Wala pa namang taong sobrang abusado sa akin na karapat-dapat na sabihan ko nun."

MACHO DANCING FOR A GIRL. Daring daw ang mga eksena ni Dennis sa Magdusa Ka!, and since pagiging daring na rin lang ang usapan, tinanong ng PEP si Dennis kung kaya rin ba niyang gawin ang ginawa ni Dingdong Dantes na pagpapa-pictorial nang naka-underwear lang?

"Kaya, pero hindi ko siguro gagawin. Puwede rin siguro, pero ginawa na ni Dingdong yun, e. So, pangit naman kung uulitin ko. Kanya-kanyang diskarte sa career. Siguro iisip na lang tayo ng iba. Pero hindi yung ganun."

Continue reading below ↓

Ang daring na ginawa raw ni Dennis sa Magdusa Ka ay ang pagma-macho dancing nito. Pero ayon kay Dennis hindi siya gumaganap dito bilang isang macho dancer.

"Jeepney driver ako dito. May eksenang ganun kasi may pustahan kami ni Katrina na para maka-date ko siya, nag-dare siya na gawin ko yun."

Sa tunay na buhay ba, gagawin niya yun kung may babaeng mag-dare sa kanya?

"Oo, gagawin ko yun."

Kahit maraming nanonood?

"Oo," walang-kiyeme pang sagot ni Dennis.

Matindi naman siguro ang dahilan para gawin niya iyon. Dahil sa mahal ba niya yung babae o para maka-one night stand lang niya?

"Depende siguro kung gaano ko kagusto yung babae."

SELF-CONTROL FOR KATRINA. Ipinaalam din ni Dennis sa PEP na nag-shoot na sila ng kissing scene nila ng FHM's two-time Philippines' sexiest woman.

At ano naman ang lasa ng labi ni Katrina?

"Lasang lip gloss na may flavor!" natatawang sagot ni Dennis.

Continue reading below ↓

Sinundan ng PEP ng tanong kung anong flavor ba yung lip gloss ni Kat.

"Hindi ko sure, e. Strawberry yata yun o raspberry? Hindi ako sure, ha?"

With a woman as sexy as Katrina, tinablan ba si Dennis sa eksena nila?

"Hindi. Ako professional ako, e. ‘Pag may mga eksenang ganun, siyempre ang iniisip mo para sa eksena, hindi mo iniisip yung pansariling kaligayahan. Nasa pagkontrol lang ‘yan ng mga urges mo," tuwirang sagot ni Dennis.

Malakas ba ang control ng isang Dennis Trillo?

"Oo. Dapat ngayon malakas na. Ngayon sinisiguro ko na, mas maingat na. Kailangan na talagang magkontrol, e."

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo, Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Lasang lip gloss na may flavor. Strawberry yata o raspberry," replied Dennis Trillo when asked how Katrina Halili's lips taste like in their kissing scenes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results