Katrina Halili had allergy after her kissing scene with Dennis Trillo in "Magdusa Ka!"

by Rommel R. Llanes
May 8, 2008
"Kasi ang dumidikit sa akin. Nagka-allergy ako. Nagpa-facial ako after kasi, ‘di ba may mga tusok-tusok?" says Katrina Halili about Dennis Trillo's beard.

Hindi raw nalasahan ni Katrina Halili ang halik ng leading man niya sa Magdusa Ka! na si Dennis Trillo.

Ito ang sagot ng dalagang tubong-Palawan na first time magiging bida sa isang TV drama, nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang lasa ng mga halik ni Dennis.

Mas concerned kasi si Katrina noong sandaling iyon sa balbas ni Dennis.

"Kasi ang dumidikit sa akin. Nagka-allergy ako. Nagpa-facial ako after kasi, ‘di ba may mga tusok-tusok?"

So nainis ba siya sa eksena nilang iyon?

"No, hindi naman. Part naman yun ng job, e," sagot agad ni Katrina.

THE REAL "SURVIVOR." Ngayong bida na si Katrina matapos maging pangunahing contravida sa Marimar at itanghal na sexiest Pinay for two consecutive years ng FHM Philippines, sinasabing malayo na ang narating ng nagtapos lang as StarStruck Avenger sa unang StarStruck search. Isama pa rito ang kanyang endorsements at paglabas pa ng sarili niyang coffee- table book, may mga nagsasabi pang iniwan na raw niya nang milya-milya ang tinanghal na StarStruck Ultimate Female Survivor noon na si Jennylyn Mercado.

Continue reading below ↓

"Ang masasabi ko lang, ngayon dapat ibigay ang award! Ha-ha-ha! I am the ultimate survivor. Ha-ha-ha!"

"Joke lang po. Friend ko si Jennylyn, noh!" bawi naman agad ni Kat.

And to prove her being a true friend to Jennylyn, nakahanda raw si Katrina na ibigay ang anumang kakailanganin ni Jennylyn sa nalalapit nitong panganganak.

"Actually, nag-offer ako sa kanya. Pero sa ngayon, sabi niya kaya pa daw niya. Pero sabi ko, sige. Pero kasi pagdating ng 6th month hindi na siya puwedeng mag-work. So, sabi ko, sige, tutulungan ko siya."

HESITANT STAR. Ano nga ba ang sikreto ni Katrina at narating niya ang kinalalagyan niya ngayon?

"Alam ninyo, ito nga yung malaking tanong. Ang malaking tanong dun, ayoko nito...hindi ko alam ‘to. Ano ba ‘to? Kahit panoorin ninyo yung StarStruck days ko, ayokong sumali dun, ‘tapos eventually nagustuhan ko na rin."

Hindi nga raw niya gusto ang maging artista noon, pero dahil na-expose na rin siya sa kinang ng showbiz at siyempre sa kinikita rito, ano pa nga ba ang dapat gawin kundi mag-enjoy habang nagtatrabaho bilang isang artista.

Continue reading below ↓

As a StarStruck hopeful, wala nga raw sa hinagap niya na magiging sikat siya at matanghal pa ng isang sikat na magasing panglalaki bilang sexiest Pinay.

"Na-appreciate ko nung nanalo ako sa FHM. Nung nag-number one ako. Yung nagkaroon ako ng mga magagandang projects. Yun yung parang...thank you talaga, thank you sa mga tao."

Doon na raw talaga niya na-appreciate na okey pala talaga ang pag-aartista.

NO LOVE LIFE. Pero sa kabila ng kasikatan, may kulang pa rin daw sa kanya—ang love life. Pero okey lang daw sa kanya.

"Alam ninyo po, baka kasi ‘pag nagka-love life ako ma-zero naman yung career ko. Ayokong magmadali [to get into a relationship]."

Wala nga raw nanliligaw sa kanya ngayon. Meron lang siyang ka-text lagi. Pero ano nga ba ang diperensiya't tila nahihirapan yata ang mga lalaking ligawan siya?

"E, una kasi, focused ako sa work ko talaga. ‘Tapos siyempre yung mga lalaki ngayon, gusto nila ipakita mo yung interes mo na type mo din sila bago ka nila ligawan. E, ako, hindi ako ganun. Dalawin mo ‘ko na nandiyan lahat ng mga friends ko."

Continue reading below ↓

So, kailangan palang suyuin din ng manliligaw niya pati ang mga friends niya?

"Gusto ko ‘pag may manliligaw sa akin, hindi lang ako. Gusto ko lahat ng tao sa paligid ko, chika niya."

Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili, Dennis Trillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi ang dumidikit sa akin. Nagka-allergy ako. Nagpa-facial ako after kasi, ‘di ba may mga tusok-tusok?" says Katrina Halili about Dennis Trillo's beard.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results