PEP EXCLUSIVE: Jay-R's manager denies reports that the Prince of R&B is leaving "SOP"

May 9, 2008
Prince of R&B Jay-R is staying with SOP and GMA-7. This is according to his manager, Arnold Vegafria, amidst reports that the singer-actor is moving to ABS-CBN and will be part of ASAP '08.

Lumabas ang balita this week na wala na diumano ang R&B Prince na si Jay-R sa SOP ng GMA-7 dahil lilipat na raw siya sa kalaban nitong programa na ASAP '08 ng ABS-CBN.

Ayon pa sa reports na lumalabas, matagal na raw gustong lumipat ng kampo ni Jay-R sa ABS-CBN, pero hindi raw pinapayagan ng GMA-7 ang singer-actor. Sa June na raw mag-e-expire ang kontrata ni Jay-R sa Kapuso network at wala na siya diumanong balak i-renew ito.

Upang kumpirmahin ang naturang balita, tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Jay-R na si Arnold Vegafria.

Pinabulaanan ni Arnold na lilipat ang Prince of R&B sa Kapamilya Network.

"Not true," sabi ni Arnold nang makausap namin siya sa telepono kaninang umaga, May 9.

Ayon pa sa manager, nakakontrata pa rin si Jay-R sa Kapuso network at this year pa lang ito mag-e-expire. Wala pa rin daw balak si Arnold na alisin ang singer-actor sa bakuran ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, last Sunday (May 4) ay kasama pa si Jay sa production numbers ng SOP at sa bagong segment na "Standing Ovation."

Nakilala si Jay-R nang kunin siya bilang isa sa regular performers ng SOP.

Read Next
Read More Stories About
Jay-R, Arnold Vegafria, SOP
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prince of R&B Jay-R is staying with SOP and GMA-7. This is according to his manager, Arnold Vegafria, amidst reports that the singer-actor is moving to ABS-CBN and will be part of ASAP '08.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results