Toni, Mariel, and Bianca break a leg in Hong kong!

May 14, 2008
Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, and Bianca Gonzales—a.k.a. Big Brother's Angels—take their groove in Hong Kong's Disneyland! (Hi! June 2007 issue)

First time together ng mga PBB hosts na sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez na mag-spend ng Holy Week sa Hong Kong.

Ayon nga sa Pinoy Big Brother update host na si Mariel, grabe ang kanilang excitement na magkakasama silang tatlo sa isang lugar kung saan libreng-libre silang makakilos away from the madding crowd, 'ika nga. As in, walang nagkakagulong fans, walang kamerang nakatutok o mga paparazzing makukulit.


Holy Thursday to Easter Sunday (April 5 to 8) nasa Hong Kong ang tatlong Maria, na ayon kay Mariang Mariel—na siyang nagpahiram sa Hi! ng mga photos—out of the blue lang nang nagkayayaan silang pumunta sa Hong Kong. "Wala lang, para masaya! Nag-decide lang kami na pumunta sa Hong Kong dahil yun lang ang time na free kami talaga.


"We wanted to go to a place where we could shop, at saka para makapunta sa Disneyland. Sa Boracay kasi, ang dami-dami nang tao, punung-puno na, e. At least, sa Hong Kong, mayroon kaming privacy, nakapag-MRT kami...actually MTR. Nakapag-walking kami na walang nakialam, nakapunta sa mga tiangge, mga ganun."

Continue reading below ↓

Ayon pa nn kay Mariel, never was there a dull moment, lalo sa kanilang shopping spree, pagba-bonding at walang katapusang kuwentuhan sa loob ng kanilang kuwarto sa Marco Polo Hotel.

How about "boy watching?"


"Ay wala. Puro shopping at Disneyland lang talaga."

Meaning to say, 'di kayo attractive?

"He-he-he-he! Wala! Kung mayroon man, 'di ko sasabihin."

Anong na-gain mo sa pagsasama ninyong tatlo?

"It was really fun! It was a good experience at saka mas lalo kaming naging close sa isa't isa, although close na talaga, pero ngayon, mas close pa talaga."

Anu-ano ang na-discover mo sa dalawa?

"Si Toni, mahirap gisingin. Ha-ha-ha! Pero in fairness to her, hindi naman kami pinaghintay. Si Bianca, anything goes. Siya yung feeling ko, bising-busy sa text. Ako, I'm okey."

How's the short vacation?

"Hong Kong is still the same, maraming mga good deals. Ang naging problema lamang ay hindi 'ata prepared for the weather ang dalawa, pero ako, talagang ready for the weather at that time kaya nakapag-outfit talaga ako.

Continue reading below ↓


"Akala ng mga tao doon, taga-Hong Kong ako. Hindi nila ako pinapatawad kung tumatawad ako. Kinakausap nila ako ng Chinese, ng Mandarin, ganyan. Kasi akala 'ata nila, local ako ng Hong Kong, kasi naka-attire talaga ako. Hindi ko masyado pinaghandaan. He-he-he!"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, and Bianca Gonzales—a.k.a. Big Brother's Angels—take their groove in Hong Kong's Disneyland! (Hi! June 2007 issue)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results