Sharon Cuneta shares fond memories with her leading men

May 9, 2008
"Spoiled na spoiled ako nung araw kina FPJ, kina Robin [Padilla], si Richard [Gomez] naman lagi akong ini-spoil. Uhm, kami nina Aga noon, mas barkada, kasi marami kami. 'Tsaka ako yung medyo galante, e. Ha-ha-ha!" Sharon Cuneta says about her past leading men.

Sinurpresa ni Megastar Sharon Cuneta ang child star at co-star niya sa Caregiver na si Makisig Morales pagkatapos ng pictorial nila for the Star Cinema movie sa The Fort last Tuesday, May 6.

Binigyan ni Sharon ng silver iPod si Makisig na labis na ikinatuwa ng child star.

"Oo, sila ni John [Vladimir] binigyan ko. Si John na anak ko [sa movie]," pagpapakilala ni Sharon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isa pang bagets na kasama niya sa Caregiver.

Ni-request ba iyon sa kanya ni Makisig?

"Hindi," sagot agad ni Megastar. "Kasi we were in London, and I was in the car. Sabi ko, ‘Makisig, napanood mo na yung Sixth Sense? ‘Tapos nagpaalam ako sa dad niya. Sabi ko, 'Dad, pwede ko ba ipapanood sa kanya yun?' Pwede-pwede, sabi niya. E, hindi ko pala dala yung movie [sa iPod]. Ang nandun lang yung extras [outtakes ng movie].

"Sabi ko, tingnan mo siya diyan," refer ni Sharon sa batang bida sa Sixth Sense na si Haley Joel Osment. "Eleven years old lang siya diyan. E, eleven years old din si Makisig. Kinukwento sa kanya na na-nominate yan [si Haley] ng best supporting actor kasi doon siya papunta.

Continue reading below ↓

"So, I want Makisig's career to last a lifetime. So, kinukuwentuhan ko siya. Binigyan ko siya [ng iPod]. Para lahat ng movies, pati for her siblings, ma-share niya."

NO MALICE WITH JOHN. Kumusta naman ang kissing scene nila ng leading man niya sa pelikula na si John Estrada?

"Sabi ko nga, yung quota ko ng mga kissing scenes ng one year in one sequence, nakuha niya.

"'Tapos sabi ko, ‘Honey [tawag niya kay John sa set ng Caregiver], bestfriend, kasi barka-bakrakada namin si John noon, sabi ko, 'John, hindi ako magkamalisya sa 'yo kahit for the movie lang. Ang hirap talaga. Parang may parka-incestuous 'tong ano,' yung ganun lang. Tawa lang ako ng tawa sa kanya."

How true na nandun daw ang mister niya na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan nung kinunan ang kissing scene nila ni John?

"Ay, hindi! OA naman. Hindi pa, hindi pa. He came for two nights lang, e. Ang bilis lang, e."

Continue reading below ↓

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Senator Kiko sa kissing scene nila ni John?

"Ay, ‘sus! Asawa ko pa? Kool na kool lang yung si Kiko, 'no? He has no problem. Kahit nung movie namin ni Richard before for Star Cinema, yung Minsan Minahal Kita, he knew there are love scenes. Alam niyang trabaho 'to. At alam niyang paano ka naman magdidibdib ng mga eksenang ganun kahit sabihin mong ex mo pa ang katrabaho mo or kahit sino pa diyan. Ang dami-daming tao sa set na lahat alam, trabaho lang yun."

EXPENSIVE KISS. Nagbiro pa si Sharon na hindi raw biro at cheap o mura lang ang kanyang halik.

"Naku, ang mahal-mahal ng kiss ko, dahil hindi lahat naki-kiss ako. Itong si John, sabi ko nga, yun [kissing scene nila] talaga ang quota ko."

Ngayong tapos na ang mga eksena nila ni John, nami-miss niya raw ito.

"Kahit lalaki iyon, ang lambing," sabi niya pa tungkol kay John.

Continue reading below ↓

SWEETNESS OF HER LEADING MEN, EXCEPT ONE. Kuwento pa ni Sharon, naalala niya raw tuloy ang pagiging malambing din ng iba pang naging leading man niya tulad nina FPJ, Robin Padilla, at Richard Gomez. Lahat daw ay in-spoil siya, except for Aga Muhlach.

"Spoiled na spoiled ako nung araw kina FPJ, kina Robin [Padilla], si Richard naman lagi akong ini-spoil. Uhm, kami nina Aga noon, mas barkada, kasi marami kami. 'Tsaka ako yung medyo galante, e. Ha-ha-ha!"

Naaalala niya nga raw yung masasayang moments na nasu-shooting sila ng movie nila ni Aga na Kung Ako Na Lang Sana.


"Nahiya naman ako humingi kay Aga. Kape lang, sige. Nahiya naman akong humingi. Parang wala siyang savings, parang hindi siya mayaman. E, offer-an niya ako ng sandwhich, hindi ko naman makain. ‘Tapos iba namang sandwhich ang io-offer ko sa kanya. Nakakatawa!"

Hindi naman niya raw malimutan kung gaano kalambing sina FPJ at Robin Padilla.

Continue reading below ↓

"Si FPJ super lambing. Si Robin syempre, Diyos ko! Kulang na lang paliguan ako, ganun up to now. So, nagkasundo kami doon. Wala talagang malisya but very, very sweet."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Spoiled na spoiled ako nung araw kina FPJ, kina Robin [Padilla], si Richard [Gomez] naman lagi akong ini-spoil. Uhm, kami nina Aga noon, mas barkada, kasi marami kami. 'Tsaka ako yung medyo galante, e. Ha-ha-ha!" Sharon Cuneta says about her past leading men.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results