Robin Padilla practices and advocates a healthy lifestyle

May 10, 2008
"Hindi na po ako tumitikim ng alak since 1995 na naging Muslim ako, at hindi na rin ako naninigarilyo. Gusto ko pong humaba ang buhay ko para sa mga anak ko. Gusto ko pang makita ang aking mga apo na sa palagay ko ay magiging magaganda dahil magaganda ang mga anak ko," says action superstar Robin Padilla.

Nauna pa ang tinaguriang "Ambassador of Health" na si Robin Padilla kaysa sa entertainment press sa launch niya bilang bagong celebrity endorser ng Liveraide last May 8, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato, Quezon City. Si Robin ang ikatlong celebrity endorser ng naturang health supplement after Edu Manzano and Iza Calzado.

Thankful si Robin dahil suportado siya hindi lamang ng executives ng Herbs & Nature Corporation, kundi pati na rin ang executives ng GMA-7.

Bakit pumayag si Robin na maging endorser ng isang health supplement? Hindi ba ito makakaapekto sa iba pa niyang ini-endorse na vitamins and health supplements?

"Hindi po ito makakaapekto sa iba ko pang endorsements dahil pare-pareho po naman silang health supplements," nakangiting sabi ni Robin. "Pero bago pa po nila ako kinuhang endorser, umiinom na po ako nito dahil binibigyan na ako ni Mr. Eddie Garcia at ng katambal kong si Iza Calzado sa set ng Joaquin Bordado. Mahusay nga raw po ito para sa liver. Kaya nakakatuwa po na sabi ng medical doctor ko, my liver is that of an 18-year-old."

Continue reading below ↓

CLEAN LIVING. "Hindi na po ako tumitikim ng alak since 1995 na naging Muslim ako, at hindi na rin ako naninigarilyo. Gusto ko pong humaba ang buhay ko para sa mga anak ko. Gusto ko pang makita ang aking mga apo na sa palagay ko ay magiging magaganda dahil magaganda ang mga anak ko.

"Naninigarilyo lang po ako kung kailangan sa mga eksena ko sa Joaquin Bordado at sa latest movie ko with Ai-Ai [delas Alas], ang Ikaw Pa Rin (Bongga Ka Boy), ng Viva Films. Sana po ay panoorin ninyo simula sa Wednesday, May 14," natatawang pagpu-promote na rin ni Robin ng kanilang movie.

"Dapat po kasi healthy ako, para malinaw ang isip ko kapag gumagawa ako ng stunts. Saka ayaw ko pong dumating ng bahay na makikita ako ng mga anak ko na humahapay sa kalasingan. Totoo po na kung minsan ay talagang medyo hilo na akong dumarating sa bahay, pero dahil po ‘yon sa taping at editing ko ng aming telefantasya. Madalas kasi, pagkatapos ng taping na inaabot na rin ng umaga, tuloy pa ako sa GMA para subaybayan ang editing. Lalo na kung mga action scenes ang ipalalabas namin, hindi ko po ‘yon pinababayaan.

Continue reading below ↓

"Para po sa akin, ako ang salamin ng aking mga anak, kaya ayokong dumating ang araw na sisihin nila ako dahil sa pagpapabaya ko sa katawan ko. Kaya po bukod sa pag-inom ko ng Liveraide at iba pang health supplements, hindi rin ako tumitigil na mag-exercise, kahit ilang oras lang dahil kailangan po talaga ito para sa ating kalusugan.

"Ang mga anak kong sina Queenie at Kylie, hindi rin sila humihinto ng kanilang mga workouts," pahabol ni Robin.

Mga health supplements lang ba ang ini-endorse ni Robin?

"Okey lang po ‘yon sa akin. Kung sa iba pang endorsements, marami po. Pero kapag tungkol sa mga bisyo, tumatanggi po kami. Nakakahilo po ang offer nilang mataas na talent fee, pero hindi puwede, bawal po sa Islam at ayoko rin naman kung alam kong makasisira ito sa katawan ng tao," pahayag niya.

Hindi pa ba siya napapagod, lalo na kapag ginagawa niya ang mahihirap na stunts sa Joaquin Bordado?

Continue reading below ↓

"Napapagod din po, pero talagang malaking tulong sa akin ang mga vitamins at health supplements na iniinom ko para gumaan ang pakiramdam ko. Wala na rin po akong love life," nakangiting sabi ni Robin.

Sa Australia na kasi na naka-base ang misis ni Robin na si Liezel Sycangco at ang iba pa nilang mga anak. Gusto rin sana niyang magbakasyon pagkatapos ng Joaquin Bordado next month, pero sisimulan na rin niyang mag-shooting ng pelikula niya with GMA Films, ang Sundo. Makakasama ng action superstar sa suspense-thriller movie na ito sina Sunshine Dizon at Rhian Ramos, mula sa direksiyon ni Topel Lee.

Natawa si Robin nang tanungin siya kung tatanggapin niya kung saka-sakaling offer-an siyang maging leading man ni KC Concepcion.

"Si KC, naku, e, parang anak ko na po ‘yon!" tawa niya. "Noong panahong namamayani ang pag-ibig namin ni Ma'am [Sharon Cuneta, KC's mother], itinuring ko na siyang parang anak ko na rin. Kaya puwede po siguro kaming magsama sa movie, ako ang tatay niya!"

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi na po ako tumitikim ng alak since 1995 na naging Muslim ako, at hindi na rin ako naninigarilyo. Gusto ko pong humaba ang buhay ko para sa mga anak ko. Gusto ko pang makita ang aking mga apo na sa palagay ko ay magiging magaganda dahil magaganda ang mga anak ko," says action superstar Robin Padilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results