Mother's Day forum: Celebs' unforgettable bonding with their moms

May 17, 2008
From top left, clockwise: Diether Ocampo says his mama is his "happy feet," Iwa Moto missed her mother when she had her first sign of womanhood, Chynna Ortaleza's mommy is her strength, and Jake Cuenca says his mom is the only person who really understands him.

Ito ang pinakaespesyal na araw para sa lahat ng mga ina sa buong mundo— ipinagdiriwang ang Mother's Day. Alam naman nating lahat na mahalaga talaga ang papel ng isang ina sa isang pamilya, partikular na sa mga anak.

Kaya for this special day, heto ang interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ilan sa ating local celebs. Tinanong namin sila kung ano ang unforgettable bonding moments sa kani-kanilang mga nanay, mama, or mommy.

Inusisa rin namin kung ano ang kanilang ‘di malilimutang Mother's Day with their own mom. At siyempre, hiningan na rin namin sila ng mensaheng nais nilang iparating sa kani-kanilang mahal na ina.

LJ REYES: "Ako kasi, bata pa lang talaga ‘ko, ang mama ko, palagi na siyang wala sa tabi ko. Bata pa lang ako, nagwo-work na siya sa ibang bansa. Natatandaan ko lang talaga na every time na yung mama ko, nakakasama ko, halos hindi ako umaalis sa tabi niya. Palagi akong nakadikit sa kanya. Parang yung mga time na hindi ko siya kasama, parang gusto ko yun bawiin kapag kasama ko na siya.

Continue reading below ↓

"Ang message ko naman sa mama ko, to my ever-patient and ever-loving mom, I just want her to know that I'm very blessed to have her. Raising us all by herself! She is my inspiration and truly, 'the wind beneath my wings'. I can never live without her. I love you, Ma!"

JAKE CUENCA: "Hindi ko kasi palaging nakakasama ang mom ko, dahil madalas nasa Spain sila. Pero ako kasi, very close ako sa mom ko. Sobrang mahal ko siya dahil yung mom ko, palagi niya akong inuunawa at saka, ramdam na ramdam ko kung gaano niya ‘ko kamahal. Kahit dati, kahit ano pang pagkakamali mo, as a mom, nandiyan lang siya palagi at saka, siya talaga yung tatanggap sa ‘yo, kahit ano ka pa.

"Sa mommy ko, I love you at maraming salamat sa sobra-sobrang pang-unawa mo palagi sa akin. You're the best mom!"

KARYLLE: "One Mother's Day that I love the most was when my mom [Zsa Zsa Padilla] and I did K to Z, the concert at the music museum. I had so much fun performing with her onstage. The fact that we don't get to sing together often on TV makes it extra-special. She's an amazing mom and performer that's why I love singing and dancing with her!

Continue reading below ↓

"Dear Mama, Happy Mother's Day! It's great to know that I always have you looking out for me and caring for me as a mother does. It's nice to know that that never fades...it makes me feel safe in this world. I love you very much."

ALFRED VARGAS: "I'll never forget the day I graduated from college. For sixteen years of studying, my mom was very supportive and she made sure all of us siblings had the best education. She worked hard just to send us through college. So, during my graduation, I just burst into tears while saying, ‘Thanks, Mom!"

CHYNNA ORTALEZA: "Kami ng mama ko, every day, bonding talaga. I am so happy that she and I have a very good relationship. She is my best friend, I am who I am now because of her love and guidance. My mama is my strength. I love every moment I spend with her. Kahit sa house lang or kapag sinasamahan niya ‘ko sa work ko, masaya ‘ko dahil nand'yan siya palagi.

Continue reading below ↓

"Mama, happy Mother's Day. Thank you so much for loving our family so much and for giving us a solid foundation. I can't stop thanking God for giving me the best mother. One who is not scared to tell me what life is all about and pushes me every day to achieve things that I didn't know I could do.

"I love you, Mama! I hope someday I will be a good mama like you."

DIETHER OCAMPO: "Yung pinaka-bonding moment siguro namin ng mama ko is every time I'd come over for lunch and my mom would cook. And I want her to know na even if I hardly say it, I love her so much and she's my happy feet."

SAY ALONZO: "Kapag Mother's Day, we normally eat at a nice resto. Most unforgettable moment ko with my mom was during my first guesting in ASAP, the day after I got evicted from PBB. I had to sing my song with Sam Milby live on ASAP, which was my dream. My mom was in the audience singing along and she looked so proud of me."

Continue reading below ↓

CARLO AQUINO: "Hindi ko makakalimutan nang dumating ang kapatid ko kasama yung family niya from the States. Lahat kami, nagpunta sa Boracay. E, yung mommy ko, palagi siyang sinusumpong ng migraine niya. So, parang nagiging hassle kapag may occasion, sigurado na magkaka-migraine siya. Pero that time na nagpunta kami ng Boracay as family, for the first time, never na nagka-migraine ang mommy ko. At nag-swimming din siya. So, parang ang saya, sobrang unforgettable ng out-of-town namin na yun na at the same time, kumpleto kami.

"Sa mommy ko, thank you sa lahat ng pag-aalaga mo sa akin. Sa lahat ng pagmamahal na ibinibigay niya and I love you very much."

GLAIZA DE CASTRO: "Most unforgettable moment was when we talked na kaming dalawa lang about our weaknesses at kung paano namin dapat i-work-out. Hindi kasi ako expressive na tao but at that time, I was able to show her my feelings and how much I love her. Since then, I decided to just let go and show her na mahal ko siya.

Continue reading below ↓

"Ang message ko sa kanya, salamat po sa lahat, especially sa pag-unawa n'yo sa akin. I'm really thankful that God gave you to me. Lahat ng sakripisyo na ginawa nyo ay hindi matutumbasan ng kahit na ano. Mahal na mahal ko po kayo."

JOROSS GAMBOA: "Lahat ng Mother's Day sa buhay ko, unforgettable. Iba-iba naman yung nagiging celebration namin sa pamilya. Pero siguro, masasabi kong special ngayong Mother's Day kasi, out-of-town kaming lahat. Nasa Boracay kami ngayong pamilya.

"Sa mommy ko, I'm very thankful to have her in my life. Marami akong nanay-nanayan, pero siya pa rin ang number one sa lahat."

IWA MOTO: "Hindi ko makakalimutan noong first time akong magkaroon ng menstruation. E, that time, hinahanap ko talaga ang mommy ko. E, wala ang mommy ko sa bahay. Ang ginawa ko, tinawagan ko pa siya at nasa Japan siya noon. Kaya nang umuwi na ang mommy ko, iyak ako nang iyak. ‘Tapos, niyakap niya ‘ko at sinabi niya sa akin na, 'Dalaga ang anak ko, dalaga na.'"

Continue reading below ↓

YASMIEN KURDI: "What's good about me and my mom, we both appreciate all types of music. Every concert we've been was a bonding time for us. We went to the concert of Paul Anka, Michael Bolton... just to name a few. At first, talagang I don't wanna go, baka boring kasi. It's not in my generation naman kasi. Pero ang nangyari, ako pa ang nagpupunta sa harap at pawis na pawis sa kakasayaw at kakatalon. Tawa nang tawa sa akin si Mama at sabi nga niya, ‘Boring pala, ha.'

"This Mother's Day, I pray for mama's excellent health and I wish I can bring her to her second dream country, ang Switzerland. Kasi yung first dream niya, ang U.S.A., since childhood dream niya ang makarating sa U.S. Disneyland. And I thank God and I thank showbiz, kasi nadala ko na siya ro'n."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From top left, clockwise: Diether Ocampo says his mama is his "happy feet," Iwa Moto missed her mother when she had her first sign of womanhood, Chynna Ortaleza's mommy is her strength, and Jake Cuenca says his mom is the only person who really understands him.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results