FIRST READ ON PEP: Regine Velasquez on GMA-7: "This has been my home for the longest time."

May 10, 2008
"I'd like to think that I still have a good relationship with them. Although, since I have an exclusive contract with GMA now, siyempre hindi ako basta-basta makakalabas sa kanila. Pero alam n'yo, mabait kasi ang GMA, e. Magpapaalam lang ako, and they would let me," replies Regine Velasquez when asked about her relationship with ABS-CBN after her aborted transfer.

Very bubbly ang dating ni Regine Velasquez sa presscon ng kanyang bagong musical show sa GMA-7 na Songbird kagabi, May 9, sa Melo's restaurant, Bohol Ave., Quezon City. Malayung-malayo ito sa umiiyak na Regine na nakita ng mga tao sa kasagsagan ng "lipatan issue" niya earlier this year.

Matatandaang muntik nang iwanan ni Regine ang matagal na niyang home network na GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN. Naging interesado kasi ang Asia's Songbird sa Pinoy version ng Colombian telenovela na Betty La Fea ng ABS-CBN, at handa na niyang iwan noon ang Kapuso network para gawin ang naturang proyekto.

Pero gaya ng alam na ng lahat, hindi natuloy ang paglipat ni Regine sa ABS-CBN at nagdesisyon siyang manatili bilang isang Kapuso. Bukod dito, pumirma na rin siya sa kauna-unahang pagkakataon ng exclusive contract sa GMA-7 na tatagal hanggang dalawang taon.

NO HARD FEELINGS. Nilinaw ni Regine na hindi siya nagtampo noon sa GMA-7 noon kaya niya naisipang lumipat sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Hindi naman ako nagtampo sa GMA, hindi naman. Ano lang, talagang medyo nakrung-krung lang ako ng konti. Inaamin ko naman yun!" natatawang sabi ng singer-actress.

Patuloy niya, "Kasi alam mo, I always have a great relationship naman with GMA. Lagi nga sa aking nire-remind ni Tita Wilma [Galvante, GMA-7 SVP for Entertainment TV] na whatever I want to do, kung meron akong naiisip, all I have to do is pick up the phone and call her. That has been our relationship. Ganun lang talaga yung set-up namin parati. ‘O ano, may gusto ka naman? O, anong concept?' Kasi lagi akong may concept, lagi akong nag-iisip ng kung anu-ano. So I always call them. ‘Can we do ano...ganyan-ganyan?'

"Siyempre, hindi naman puwedeng puro ako lang ang iintindihin nila. Meron din naman pong ibang artists ang GMA. Kung meron pong timeslot na puwedeng ibigay sa akin, then they would entertain. But most of the time, they would entertain whatever it is I like to do.

Continue reading below ↓

"But yung mga nangyari before, siguro hindi lang din ako masyadong nag-iisip. Medyo abala ako sa aking love life, nagkaroon ako ng sex... Bakit, bawal bang sabihin yun?" at saka natawa si Regine sa sarili niyang biro.

EXCLUSIVE KAPUSO. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Regine kung ano ang nag-udyok sa kanya upang pumirma na ng exclusive contract sa GMA-7.

"Kasi dati, hindi nga uso sa amin ang kontrata, e," panimula niya. "Karamihan talaga sa amin... sila Ogie [Alcasid], si Janno [Gibbs], a lot of us, hindi talaga kami nagsa-sign ng kontrata. Ewan ko ba kung bakit, but trust lang talaga. Kaya lang, kapag more than two shows na, kailangan magsa-sign na kami talaga ng kontrata.

"Actually, nung nagpaalam ako, sandamakmak na iyakan ang naganap. They really didn't want me to go. Kasi parang nalungkot sila... Ako rin naman nalungkot, e. Parang, ‘Bakit ko nga ba naisip ‘yon?' Sabi ko nga, nakrung-krung ako for a while... May regla ako nung araw na ‘yon!" biro niya ulit.

Continue reading below ↓

RELATIONSHIP WITH ABS-CBN. Ngayong nakatali na siya sa GMA-7 sa loob ng dalawang taon, paano na ang relasyon ni Regine sa ABS-CBN? Bago kasi siya pumirma ng exclusive contract ay malaya siyang nakakagawa ng projects para sa Kapamilya Network, na ang pinakahuli ay ang pelikula ng Star Cinema na Paano Kita Iibigin kung saan nakapareha ni Regine si Piolo Pascual.

"I'd like to think that I still have a good relationship with them," sagot ng Asia's Songbird. "Although, since I have an exclusive contract with GMA now, siyempre hindi ako basta-basta makakalabas sa kanila. Pero alam n'yo, mabait kasi ang GMA, e. Magpapaalam lang ako, and they would let me.

"Alam n'yo yung pelikula namin ni Piolo, nag-guest ako dun [ABS-CBN] nang bonggang-bongga, di ba? I was there. And they [GMA-7] also supported the movie, and they didn't have to do that. Puwede namang hindi, di ba? Puwede namang hindi i-promote ng GMA yung pelikula kasi hindi naman yun ano ng GMA Films. But they did.

Continue reading below ↓

"They would allow me naman, e, like yung mga special shows ko there [ABS-CBN], for charity, they would allow me naman. Ganun naman ang GMA, hindi naman sila madamot," pahayag ni Regine.

Pagkatapos magkaroon ng aberya sa paglipat dapat noon ni Regine sa ABS-CBN ay hindi pa raw siya nagkakaroon ng pagkakataon na makusap ang mga kaibigan niya roon. Kaya hindi rin niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga Kapamilya sa kanya.

"Hindi ko naman sila nakakusap," sambit niya. "Although I have friends there, hindi ko alam talaga kung ano yung nararamdaman nila towards me. Like I said, gusto kong isipin na sana kahit papaano, maganda pa rin yung relationship ko with them. Mahirap naman yung may kaaway ka. Parang ang pangit naman nung may masama ang loob sa ‘yo, although minsan it's unavoidable. Kasi kahit papaano talaga, ganun, e. Medyo may magtatampo sa ‘yo.

"Although, I really have a great relationship with kina Tito Boy [Abunda], kasi si Tito Boy matagal ko nang kilala ‘yan. Nag-uumpisa pa lang ako, si Tito Boy, kaibigan ko na talaga siya. Si Kris [Aquino], nagte-text-an pa kami. Si Sarah [Geronimo]... Marami naman akong kaibigan na nandoon."

Continue reading below ↓

THE BUZZ INTERVIEW. Speaking of Boy, naging usap-usapan din noon ang huling live interview ni Regine sa The Buzz. Sa naturang panayam ni Boy kay Regine ay pinag-usapan nila ang tungkol sa Betty La Fea na gagawin sana ng singer-actress sa Kapamilya Network.

Sa naganap na interview sa pagitan nina nina Boy at Regine, marami ang nakapansin na tila hindi sila nagkaliwanagan sa ilang bagay kaugnay ng offer diumano ng ABS-CBN sa Asia's Songbird. Hanggang sa huli nga ay sinabi ni Regine na parang hindi na raw interesado ang ABS-CBN na kunin siya para sa Betty La Fea dahil may lumabas na report na itinanggi nilang sila ang nag-offer sa Asia's Songbird. Ito rin ang naging senyales upang huwag nang ituloy ni Regine ang plano niyang paglipat.

"Tama naman yung pinu-point out ni Tito Boy," pagtatanggol ni Regine sa The Buzz host. "Kasi I think, what he was trying to say was just kini-clear lang niya na ABS didn't offer me such amount, yun ngang P25 million whatever. Yun lang naman yung kini-clear out niya na ABS didn't offer me that. Which is true, kasi hindi pa naman kami dumaan dun, e. We were still negotiating on the price because I wanted to...

Continue reading below ↓

"Gusto kong mag-resign at that time from GMA properly before negotiating with them. Kasi bastos yung malalaman na lang nila na... Kasi sa akin, that's the proper thing to do. Maybe I was wrong, but for me at that time, yun yung naiisip ko, to resign properly and let them know that I'm interested with this project, blah, blah, blah... Water under the bridge na yun."

REALIZATION. Ano ang pinakamahalagang leksiyon na natutunan ni Regine sa naging karanasan niyang ito?

Matagal bago nakaapuhap ng sagot si Regine.

"Ano yung lesson na natutunan ko? Hindi ko alam, parang nare-realize ko pa lang ngayon!" natatawang biro niya.

"Kasi alam n'yo," seryoso na niyang sabi, "I've always thought kasi na artista ako. Kasi yung thinking ko dati, wala naman yung network wars. Hindi ko kasi iniisip yun, e. Parang I don't really pay attention to that. So I thought na okay lang ‘yon na kung merong maganda dito, baka puwedeng gawin ko ‘to and then I can just come back! May pagka-shunga-shunga ako ng konti," tawa niya ulit.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Regine, "But because of what's been happening, na I think wala namang may gusto nun, nangyari na lang... Actually, yung totoo, mahirap din for artists like me talaga. Kaya lang, naging mabait naman sa akin ang GMA. So, kumbaga, this has been my home for the longest time. Bakit ko pa iisiping lumipat kung nandito na ako? I'm comfortable, I know all the people that I'm working with already.

"So, yun lang yun. Parang I was just being an artist, I guess. I got interested in one project, I thought I could do it and, you know, okay lang. But it's different now, times have changed, it's not like before anymore. But I totally understand the whole thing already. Siguro ang lesson lang na natutunan ko is kinda pay attention and watch the news, duh!" pagbibiro niya bilang pangwakas.
Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'd like to think that I still have a good relationship with them. Although, since I have an exclusive contract with GMA now, siyempre hindi ako basta-basta makakalabas sa kanila. Pero alam n'yo, mabait kasi ang GMA, e. Magpapaalam lang ako, and they would let me," replies Regine Velasquez when asked about her relationship with ABS-CBN after her aborted transfer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results