Jake Cuenca performs finale in last night's Coverboys concert

May 10, 2008
Although Jake Cuenca serves as the "banner" of the Coverboys, he says their leader is Rafael Rosell, being the senior among them.

After the successful first-night concert ng Coverboys sa Music Museum, San Juan kagabi, May 9, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Jake Cuenca bago ito tuluyang umalis ng venue.

Kinumusta pa rin ng PEP si Jake kung ano ang nararamdaman niya after ng unang gabi ng pagpe-perform nila, kahit na bakas naman sa mukha niya ang katuwaan.

"Hindi ko ini-expect. Usapan namin walang titingin sa audience. Kahit anong mangyari dapat ganoong performance level pa rin. Noong malaman namin na may concert kami, masaya kami. So, marami man ang tao o konti, masaya pa rin kami.

"Nagulat kami no'ng opening kasi, may usok, hindi namin nakikita [yung mga tao]. So, nagulat kami.

"Ako, I'm so proud of this group. Kaya kahit sabihing graduate na dapat ako sa Coverboys, hindi ko nagawang tanggihan nung i-offer na magko-concert kami. Nandito kasi ang lahat ng kaibigan ko," pahayag ni Jake.

Continue reading below ↓

"Anything that has to do with supporting this group, gagawin ko talaga dahil mahal na mahal ko sila."

THE "BANNER" AND THE LEADER. Being the most applauded noong lumabas ang Coverboys sa stage, naramdaman ba niya na siya talaga ang pinakasikat sa grupo?

"Ano ko, e...masaya ‘ko. Malaki ang pasasalamat ko na maganda ang suporta ng tao. Pero ako, hindi ko iniisip yung sarili ko. Grupo talaga yung focus ko."

Kay Jake na-reserve ang finale production ng concert. Sabi ng iba, dapat lang daw dahil si Jake naman talaga among the Coverboys ang nakapagbida na't mas sikat sa iba pang miyembro.

Pero sabi niya when it comes to being the "banner" of the group, "Well, tulad nga ng sinabi sa akin noong minsang may mag-interview sa akin, if I consider daw ba myself as the leader of this group, sabi ko, hindi talaga ako. Kung meron mang parang leader sa grupo namin, isang tao lang yun, si Rafael Rosell lang yun.

Continue reading below ↓

"Kay Rafael namin ibibigay ang leadership dahil si Rafael ang pinaka-senior sa amin. Siya ang nagsimula ng grupong ito. Siya ang pinaka-original sa lahat.

"Si Rafael, siya ang nagli-lead sa amin sa prayer, nagpu-push at nagmo-motivate sa amin na galingan. Although, lahat naman kami, ‘di ba? Pero, yung pinaka-leader sa amin, si Rafael yun..."

Dahil sa sinabi ni Jake, PEP asked him kung hindi ba nagkakaroon ng kumpetisyon, especially sa kanilang dalawa ni Rafael.

"Yun nga ang isa sa maganda sa grupo namin. Like nung mag-start ang grupo na ito, nandiyan pa sina Sam Milby at John Lloyd Cruz. Kahit na sinuman ang ilagay sa gitna, sinuman ang bigyan ng finale na prod or sinuman ang bigyan ng pinakamagandang prod, susuportahan namin yun. Walang kumpetisyon.

"Sa akin naman, kaya nasabi ko na mga totoo kong kaibigan ang mga ‘to... tulad ng ginawa ko yung Palos, lahat sila nag-congratulate. Nandoon yung suporta kahit sa pilot, nanood sila.

Continue reading below ↓

"Noong lumabas yung Maligno ni Raf, lahat kami nanood. Lahat kami nagko-congratulate kay Raf. Kapag may big break ang isa sa amin, we give support to each other."

After maging busy sa Palos, all-out na raw siya sa suporta niya sa Coverboys. In fact, kasama nga raw siya sa two-week concert tour ng grupo sa U.S. sa July.

SINGLE AND AVAILABLE. Isa sa mga Coverboys na si Will Devaughn ay may Riza Santos sa audience na bisita, how about Jake, wala ba siyang dala na manonood sa kanya, kahit man lang sa last night ng concert ng grupo?

"Wala nga, e. Wala nga akong special someone. Of course, inimbita ko ang family ko at masaya na ko ro'n," nangingiti niyang sabi.

"At saka yun, busy. At saka, ano naman...tulad nga ng sinabi niya sa interview niya, she's single, she's available. Ang masasabi ko para sa sarili ko, I'm single and available also," tila may himig sama ng loob na wika ni Jake. He was obviously referring to his ex-girlfriend, Roxanne Guinoo.

Continue reading below ↓

"Pero my support for her and my respect for her, at siguro yung pagmamahal ko rin naman bilang kaibigan ay hindi mawawala yun kahit kailan."

Read Next
Read More Stories About
Jake Cuenca
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although Jake Cuenca serves as the "banner" of the Coverboys, he says their leader is Rafael Rosell, being the senior among them.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results