Dennis Trillo feels lucky that he took over Gabby Concepcion's role in "I.T.A.L.Y."

May 11, 2008
"Basta, the fact na ang benchmark sa role ko riyan ay si Gabby Concepcion, masaya na ako sa ganoon. Kasi, kung ako ang tatanungin, I feel so lucky na sa akin napunta ang project, and I know we did something wonderful. Kaya hintayin na lang nila ang pagpapalabas sa movie," says Dennis Trillo.

Muling dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping set ng Magdusa Ka sa isang sleazy bar sa panulukan ng Timog Avenue at Sct. Ybardolaza Street sa Quezon City kahapon, May 10. Tinanong namin si Dennis Trillo tungkol sa hottest isyu na diumano'y hindi niya nagustuhan ang pag-e-expose ni Carlene Aguilar sa anak nilang si Calix sa Boy & Kris talk show.

Gusto sana ni Dennis na mas tumahimik tungkol dito, pero hindi niya napigilang magsalita.

NO BIG DEAL. "Hindi naman big deal na, as in, nagalit ako," sabi ni Dennis. "Sinabi ko lang kay Carlene na sana, kung maaari lang, huwag masyadong i-expose yung bata.

"Ipinaliwanag naman niya na okey lang daw yun dahil ang topic naman ay tungkol sa pagiging nanay at Mothers' Day episode daw yun ng Boy & Kris, kaya okey na rin lang sa akin.

"I told her, if I have my way, sana, huwag nang masyadong ma-expose yung bata, at pagkatapos ng kung anu-anong controversies sa amin, yung matahimik na kaming lahat at hindi na madamay pa si Calix.

Continue reading below ↓

"Yun lang ang concern ko roon. Alam kong naiintindihan ni Carlene ang ibig kong sabihin," naipahayag pa ng aktor. Ni wala pang isang taon yung bata. Seven months old pa lang daw.

PAST IS PAST. Marami ang nagre-react negatively sa stand na ito ni Dennis dahil noon nga naman daw ay idine-deny niya ang bata habang ito'y ipinagbubuntis pa lang.

"Para sa akin, tapos na ang isyung 'yan, at ayoko nang bumalik pa sa pagpapaliwanag sa isang isyung tapos na," sabi pa ni Dennis.

"I had my reasons at hindi ko naman forever na maitatago ang bagay na 'yan, pero may reasons ako, na sana'y maintindihan din, at kung hindi, para sa akin ay tapos na ang tungkol dito at bumabawi na lang ako nang husto sa anak ko," dugtong niya.

Wala naman daw isyu sa kanila ni Carlene at pare-pareho na silang nananahimik. Ang arrangement nga raw sa bata, si Dennis ang dumadalaw rito every now and then.

Continue reading below ↓

"Maayos ang pag-uusap namin ni Carlene tungkol diyan, kaya yung mga napapabalitang kung anu-ano... yung sa sustento, yung kesyo hindi ako pinagbibigyan ni Carlene para makita ang bata, lahat ng 'yan ay pawang walang katotohanan.

"Okey kami ni Carlene, at masaya kaming pareho na tapos na yung chapter na yun sa buhay namin, at ngayon ay pareho na kaming nakapag-move on."

CRISTINE REYES. Kinulit namin si Dennis tungkol sa kanila ni Cristine Reyes at consistent naman siya sa sinasabi niyang magkaibigan lang sila.

"Paulit-ulit na lang kasi. Nasabi ko nang nakita lang kaming lumabas minsan, kasi nga, friends naman kami.

"So, I don't have to say anything about us. Okey kami ni Cristine, at wala ring isyu, kaya sana'y tigilan na kami," pakiusap ni Dennis.

Nakahalata na rin talaga si Dennis na labis na namin siyang iniintriga, pero trabaho kasi namin 'yon. Okey rin lang sa amin kung hindi niya sagutin.

Continue reading below ↓

"Naiintindihan ko naman yun, pero sana, maintindihan din ako na baka kung anu-ano rin lang ang masabi ko at maging isyu na naman. Nagko-concentrate talaga ako sa career ko, at mag-uumpisa na next week ang airing ng Magdusa Ka, at ang gusto ko lang, marami sana ang magkagusto at tumangkilik sa bagong teleserye namin."


CAREFUL COMMENT. Isa pa, maraming magagandang kuwento si Dennis tungkol sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) na tinapos niya sa GMA Films at baka maipalabas na raw sa July.

Pagsisihan kaya ni Gabby Concepcion ang pagtanggi rito?

"'Yan ang hindi ko masasagot, kasi, ang puwede ko lang i-comment diyan, na maganda ang experience ko sa pelikula at nagkaroon pa kami ng chance na makapag-cruise at makita ang magagandang places sa ibang bansa, gaya sa Spain, France, Italy, and even Tunisia sa Africa.

"Ayokong ipagpalagay kung ano ang pakiramdam ni Gabby na hindi nga siya natuloy sa project, kasi, baka ma-misinterpret uli yun at magkaroon ng intriga. Mabuti na yung nag-iingat.

Continue reading below ↓

"Basta, the fact na ang benchmark sa role ko riyan ay si Gabby Concepcion, masaya na ako sa ganoon. Kasi, kung ako ang tatanungin, I feel so lucky na sa akin napunta ang project, and I know we did something wonderful. Kaya hintayin na lang nila ang pagpapalabas sa movie," pagwawakas ni Dennis.

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo, Carlene Aguilar
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Basta, the fact na ang benchmark sa role ko riyan ay si Gabby Concepcion, masaya na ako sa ganoon. Kasi, kung ako ang tatanungin, I feel so lucky na sa akin napunta ang project, and I know we did something wonderful. Kaya hintayin na lang nila ang pagpapalabas sa movie," says Dennis Trillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results