Bong Revilla is resigned to his pregnant daughter's being in love

May 11, 2008
"Yeah, masaya siya. My daughter is very much in love with the guy. So, mahirap nating pigilan yun," says Bong Revilla about his daughter Inah.

Hindi pa rin matiyak ni Ramon "Bong" Revilla kung tanggap na niya sa kanyang sarili ang nalalapit na pakikipag-isang dibdib ng panganay na anak niyang babae na si Inah Revilla kay Vince del Rosario. Tila hindi pa rin nagsi-sink sa kanyang isip na meron na siyang anak na ihahatid sa altar. Si Inah kasi ang pinakauna sa mga anak niya na magpapakasal.

"I just hope na we can get over it. Kasi habang hindi pa ikinakasal nandun pa rin yung ano mo, e... Maihatid ko lang siya doon sa dambana, okey na ako doon," lahad ni Bong Revilla nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng first basketball tournament ng Media Sport League na ginanap sa Central Colleges of the Philippines sa Aurora Boulevard, Quezon City, kahapon, May 10.

THE CRYING SENATOR. Ang pag-iyak daw ni Senador Bong ang isa sa much-awaited moments sa kasal ni Inah.

"Oo, nga. I'm sure aabangan nila. Titingnan ako," sabay tawa ng senador.

Continue reading below ↓

How true na todo ang iyak niya nang malaman niya ang kalagayan ni Inah?

"Oh, yes," natagalan niyang sagot. "Naluha ako. Pero hindi naman yung may hagulgol na, ‘hu-hu-huu!" natawa pa siya pagkatapos.

"Naghalo lang yung galit at sama ng loob," pagtatapat pa niya.

Kinausap niya ba si Inah nung malamang buntis ito?

"After two weeks."

Bakit naman gano'n katagal?

"Ayaw ko siyang makita, e. Baka kasi kung ano ang masabi ko, ‘di ba?"

At paano naman nawala ang galit niya?

"Ah, wala. Nung nakita ko na siya. Basta...niyakap ko na lang, e."

Sa mga pahayag ni Bong sa PEP at iba pang press na kausap nito, halatang mahal na mahal nito ang anak na ikakasal, kahit hindi niya nagustuhan ang nangyari. Pinapanatag na lamang daw nito ang loob na masaya si Inah sa nangyari sa kanya at mahal na mahal ang lalaking nakabuntis sa kanya.

"Yeah, masaya siya. My daughter is very much in love with the guy. So, mahirap nating pigilan yun," nawika pa ng Kabitenyong senador at aktor.

Continue reading below ↓

So far, wala pang naririnig si Bong kung ano ang pangalang ibibigay nina Inah sa anak nito. Ni gender nga raw ay wala pa siyang naririnig mula kina Inah at Vince.

Open naman si Bong sa idea na patirahin muna sina Inah at Vince sa bahay nila. "Basta, may room pa rin siya sa bahay."

YOUNG LOLO AT 42. Magpapatawag ba siyang "lolo" sa anak ni Inah?

"Okey lang. At least, ako yung pinakabatang lolo. I'm only 42," pagmamalaki pa niya.

"Alam mo, yun naman ang kagandahan kapag bata ka nagkaasawa o nagka-baby. Paglaki ng anak mo, parang barkada mo lang. Maga-guide mo sila.

"But we're not encouraging na mag-asawa nang maaga o bata pa. May advantages and may disadvantages kasi ‘yan. You have to weigh things talaga kasi yung ina-avoid dito yung separation.

"Kapag nag-asawa ka and you're not sure of your partner, ganun ang mangayari. Pero ako, hindi ko ina-advise ang early marriage," pahayag pa ni Senator Bong.

Continue reading below ↓

GOOD EXAMPLES. Sabi naman ng mga iba pang nag-iinterbyu kay Senador Bong, posible rin daw na maganda kasi ang naipakita nilang ehemplo ng misis niyang si Lani Mercado sa kanilang mga anak kaya maaga rin pinasok ang pagpapamilya.

"Puwede rin yun. Nakita niya sa amin ng mama niya, ‘di ba? Kasi up to now, kumbaga, unbreakable [ang pagsasama nila ni Lani]."

So far, okey naman daw sa kanya ang mapapangasawa ni Inah na si Vince.

"Vince is a son of Jorge. Jorge is a very good friend of mine. Kasama ko pa ‘to nung vice-governor pa ako at hanggang ngayon sa Senado. Tumutulong sa akin doon sa Senado. Kumbaga, para kong ano yun, para kong kapatid ‘yun. Talagang sarado."

Nakapag-usap na ba sila nang masinsinan ng ama ni Vince?

"We will talk on Tuesday. Tuesday pa lang. We haven't talked. We will talk regarding everything. Nagkataon lang na parang nagkaroon siya ng heart problem. Hindi ko muna siya binigyan ng pressure ng ano, kasi nagalit din siya sa anak niya. Bakit nagawa yun..."

Continue reading below ↓

Dahil sa nangyari kay Inah, nagkaroon daw ng lamat ang pagkakaibigan nila ng ama ni Vince.

"Hindi mo maiiwasan. Sa initial reaction ko, as a friend, parang naisip ko, ‘Ah, baka parang nakunsinti ba or ano?' Wala rin siyang nagawa, e. Na-realize ko rin yun. So, wala, okey lang."

PRIVATE DEL ROSARIOS. Buo na raw ang line-up ng principal sponsors sa kasal nina Vince at Inah. Hindi naman masabi ni Bong kung ano ang business ng pamilya ni Vince.

"They want to...kumbaga, yung ano nila, e, very private. They're very private people, so, I don't want to divulge anything about their family."

Sa tingin niya kayang buhayin ni Vince si Inah?

"They live in ano, Forbes Park," pagpapakilala ni Senador Bong na mayaman din namang pamilya ang mga del Rosario.

Nakausap na rin daw ni Senador Bong ang kanyang future son-in law, at okey na rin daw silang dalawa. Ngunit ano itong nabalitaan naming binalaan daw ng mga anak niyang lalaki na sina Bryan at Jolo si Vince tungkol sa pag-iingat sa kanilang kapatid? Ganoon din ba ang ginawa niya noong kinausap niya ito?

Continue reading below ↓

"Siguro," natatawang pagtatapos ni Senador Bong.

Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yeah, masaya siya. My daughter is very much in love with the guy. So, mahirap nating pigilan yun," says Bong Revilla about his daughter Inah.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results