Acting crazy stops Katrina Halili from falling in love

May 11, 2008
"Ang totoo po, takot akong ma-in love. Para kasi akong luka-luka kapag nagmamahal, e. At saka nagkaka-pimples ako. So, yun ang palatandaan kapag in love ako o kapag may love life. Kapag nagka-pimples ako," reveals Katrina Halili.

Dalawang sunod na taon nang nakokopo ng sexy young star na si Katrina Halili ang titulo bilang Philippine's Sexiest Woman ng magasing FHM. This year, matunog na naman ang pangalan niya para sa titulong ito.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa bituin ng Magdusa Ka, na mapapanood na bukas, May 12, inusisa namin kung ano ang tsansa niyang masungkit muli ang naturang karangalan.

"Hindi ko po alam, e. Pero kung mangyayari iyon, magiging masayang-masaya ako. Pero depende na lang po iyan sa mga tao kung iboboto nila ako ulit," saad ni Katrina.

Sa tingin ba niya ay mas matindi ang competition ngayon? Mayroon ba siyang nakikitang posibleng bagong katapat, like si Anne Curtis, dahil sa ipinakitang kaseksihan nito sa latest movie niya with Aga Muhlach?

"Ako po kasi, kahit saan o kahit ano'ng ginagawa ko, hindi ko iniisip na nakikipag-compete ako sa iba. Basta ako, ini-enjoy ko lang ang trabaho ko at kung anuman ang ginagawa ko," seryosong pahayag niya.

Continue reading below ↓

FAVORITE ACTRESS. "Super gusto ko si Anne Curtis, hindi ako nakikipag-compete sa kanya. Super favorite ko talaga si Anne, siya yung pinaka-favorite na artista ko sa ngayon, e. Pero like I've said, hindi ko po iniisip ‘yang mga katapat na iyan e," dagdag pa ni Katrina.

Super gusto? Super favorite? Baka may ibang isipin ang kung sinu-sino diyan, like baka natotomboy na si Katrina kay Anne?

"Ha-ha-ha-ha! Hindi naman!" Humalakhak si Kat. "Hindi naman dumarating sa point na natotomboy ako kay Anne, pero siya talaga ang pinakagusto kong artista ngayon. Kasi, maganda siya, ‘tapos, every time na lumalabas siya sa TV, hindi niya pinapabayaan ang sarili niya. I mean, alam mo yun? Marunong magdamit, magaling magdala, magaling magsalita, magaling umarte."

Friends ba sila ni Anne?

"Hindi, e. Hindi ko pa siya nami-meet," matipid na sagot ni Kat.

So it's obvious na kung naging lalaki si Katrina at hinilingan ng top three local sexiest female stars, siguradong nasa number one spot si Anne. Sino naman kaya ang dalawa pang sexiest niya?

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga, pinaka-favorite ko si Anne, ‘tapos si Anne lang kasi ang gusto ko, e. Yung dalawa pa, sina Marian [Rivera] at si Cristine [Reyes]. At saka para sa akin, ang sexy, hindi lang sa katawan, e. Pati sa pagdadala mo, pagdadala ng sarili mo. The way na magsalita ka, maglakad ka, manamit ka. Okey sa akin si Anne."

NO TIME FOR LOVE. Napunta naman sa love life ng bida ng Magdusa Ka ang usapan. Inamin nitong zero ngayon ang love life niya.

"Kasi kung may love life ako, hindi ako magpapaka-busy ng ganito, e. Puro trabaho po ang iniintindi ko ngayon."

Pero may iba pa raw dahilan kung bakit wala siyang love life.

"Ang totoo po, takot akong ma-in love. Para kasi akong luka-luka kapag nagmamahal, e. At saka nagkaka-pimples ako. So, yun ang palatandaan kapag in love ako o kapag may love life. Kapag nagka-pimples ako," natatawang pagtatapat ni Kat.

Continue reading below ↓

JOYCE JIMENEZ. Dahil sa pagkakaroon niya ng sariling lingerie line (Playmates Lingerie and Swimwear), naihahalintulad si Katrina kay Joyce Jimenez. Type ba niyang pumalit sa trono ni Joyce na Pantasya ng Bayan?

"Ayoko naman po ng ganoon, ayaw kong palitan si Ate Joyce. Magkaibigan po kami, as in super. At binibinigyan niya ako ng Gummi Bears, e. So, siya pa rin ang Pantasya ng Bayan.

"Friends po kami at talagang Gummi Bears lang, okey na ako. Si Marian nga binigyan niya ‘ko ng cotton candy. So candy-candy lang ang labanan, e. Ha-ha-ha-ha!" nakabungisngis na saad pa ni Katrina.

WHEN KAT'S MAD. Madaling tumawa si Katrina, madali rin kaya siyang magalit? Paano nga ba magalit ang isang Katrina Halili?

"Umiiyak. Naghahagis ng gamit, yun lang. Pero papalayo sa akin dahil baka ako ang ma-hurt, e. Ha-ha-ha-ha!"

The reason kung bakit naitanong ng PEP kung paano ba siya magalit ay dahil gusto sana naming malaman kung nagagalit ba siya sa mga nagsasabing hindi niya kayang magbida.

Continue reading below ↓

"Hindi naman kasi lahat ng tao ay mapi-please ko," simula muna ni Katrina. Ipinahayag pa nitong hindi na lang niya papatulan ang mga nagsasabi ng ganoon tungkol sa kanya. Bagkus, gagalingan na lang daw niya ang pagganap sa role na ibinigay sa kanya.

"Ipapakita ko sa kanila na kaya kong mag-iba. Kasi hindi pa siguro ako nakikita ng iba na gumanap sa ibang character, e. Puro role na maldita lang. Pero siyempre, kaya ko rin naman po ang maging mabait at maging bida, kaya nga tayo artista e."

Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili, Anne Curtis
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang totoo po, takot akong ma-in love. Para kasi akong luka-luka kapag nagmamahal, e. At saka nagkaka-pimples ako. So, yun ang palatandaan kapag in love ako o kapag may love life. Kapag nagka-pimples ako," reveals Katrina Halili.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results