Toni Gonzaga declines "The Ultimate Multimedia Star" title

by Roldan Castro
May 12, 2008
"Dadalawang concerts lang nagawa ko, may title na agad. Saka na ‘yang title, punuin muna natin yung mga susunod na venue," said Toni Gonzaga when asked about being tagged as "The Ultimate Multimedia Star" because of the success of her concert.

Nahihiya si Toni Gonzaga na ihilera siya kina Vilma Santos, Judy Ann Santos, Maricel Soriano, at Sharon Cuneta na may mga sariling titulo. Tinatawag kasi ngayon si Toni as "The Ultimate Multimedia Star," pero hindi pa raw siya handang tanggapin ito.

"Eto naman, title kaagad! Teka lang, dadalawang concerts lang nagawa ko, may title na agad. Saka na ‘yang title, punuin muna natin yung mga susunod na venue," naiilang na sabi ni Toni sa victory party ng kanyang Catch Me... The Repeat concert last May 7 sa Gerry's Grill, Quezon City.

Pero marami ang nagsasabi na puwede siyang sumunod sa yapak ni Pops Fernandez bilang Concert Queen. Ano ang masasabi ni Toni rito?

"Ganoon? Hindi ko alam. Ay sobra! Maraming puwedeng sumunod sa yapak niya, siguro bago ako, marami pa. Hayaan na natin yung iba pa. Marami pa akong kakaining bigas. Every day, kailangan kong mag-aral. Marami pa akong dapat aralin," reaksiyon ni Toni.

Continue reading below ↓

How true na nagtampo siya sa ASAP '08 dahil tinapatan yung concert niya ng concert ni Richard Poon na produced by ASAP Live?

"Wala, wala akong tampo sa ASAP," tanggi ng singer-actress-TV host. "Hindi uso sa akin ang magtampo. Sa business na ito, hindi uso ang nagtatampo, for me. Ganoon naman talaga. Di ba, kahit sa pelikula, nagkakasabay ng playdate? Whether we like it or not, this business is really very competitive."

Magiging abala ngayon si Toni sa kanyang U.S. tour. May pelikula rin siyang gagawin with Vhong Navarro titled Amnesia Girl. Isa rin siya sa mga host ng second season ng Pinoy Dream Academy (PDA).

Pinayagan ba siya ng ABS-CBN na mag-U.S. tour ngayong July samantalang may PDA siya?

"Hindi, kasi originally, hindi naman ako dapat magpi-Pinoy Dream Academy. Bigla nila akong iniligay for some reason. E, yung July, naka-book na yun. So either mag-absent ako o ginagawan nila ng paraan na maiurong ng September," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Nang kumustahin naman namin si Toni tungkol sa kanila ng boyfriend niyang si Paul Soriano, sinabi niyang wala pa silang balak magpakasal kahit nasa hustong gulang na siya.

"Okey lang yun. Si Judy Ann [Santos] nga di pa nagpapakasal," sambit niya.

Bakit ayaw pa niyang bigyan ng apo ang mga magulang niyang sina Mommy Pinty at Daddy Carlito?

"Dahil hindi pa naman panahon. May tamang panahon... Bukas!" biro niya.

Read Next
Read More Stories About
Toni Gonzaga
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dadalawang concerts lang nagawa ko, may title na agad. Saka na ‘yang title, punuin muna natin yung mga susunod na venue," said Toni Gonzaga when asked about being tagged as "The Ultimate Multimedia Star" because of the success of her concert.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results