Bong Revilla reacts to alleged statement of Rosanna Roces about Inah's pregnancy

May 12, 2008
Actor-politician Bong Revilla explains that they offered Rosanna Roces to let his son Jolo marry the actress' daughter, Grace Adriano, before. But Grace herself rejected the offer. Now that Bong's daughter Inah also got pregnant, Rosanna reportedly commented that Bong's family agreed that his daughter continue her pregnancy and marry her boyfriend—in the past, they suggested that Grace abort her baby with Jolo.

Nag-react ang actor-politician na si Bong Revilla sa mga naglabasang komento diumano ni Rosanna Roces nang i-announce ni Bong at ng kanyang misis na si Lani Mercado na buntis ang anak nilang si Inah Revilla.

Ayon sa report, sinabi raw ni Rosanna na mabuti at itinuloy ni Inah ang kanyang pagbubuntis at pumayag ikasal sa boyfriend nito na si Vince del Rosario. Pero noong nabuntis ni Jolo Revilla ang anak ni Rosanna, si Grace Adrianno, sinabi diumano ng kampo nina Bong at Lani na ipalaglag na lang ang dinadala ng anak ni Osang.

"Hindi naman totoo yun," mariing sabi ni Bong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Unfair naman yun sa amin dahil ako pa na pumunta sa kanya [Osang] na kung gusto ipakasal, willing kami. Ang ayaw, si Grace. Ang ayaw, sila. May offer kami. Hindi totoo yun.

"Huwag naman. Huwag naman dahil unfair yun kay Jolo. 'Tsaka tapos na yun, e. Hindi na dapat inuungkat yung parte na ‘yon."

Continue reading below ↓

Sa ngayon, tuloy pa rin ang suporta ni Jolo sa anak niya kay Grace na si Gab. Naibalita rin kamakailan na niregaluhan ni Jolo ng van si Gab.

"Oo, 'tsaka hindi kami nagkukulang sa bata," sambit ni Bong. "Tsaka may sariling buhay na si Grace. May boyfriend siya, kaya sana wala nang ganung isyu. Isipin na lang namin kung paano mapagtulungan na mapalaking maayos si Gab. Dahil yung pagpapakasal, sa amin, willing naming ipakasal si Jolo. Dahil ako, yun ang ano ng tatay [Senator Ramon Revilla] namin noon, kapag nakabuntis ka, panagutan mo ‘yan. E, ang hindi handa noon, si Grace."

Dalawa na ang apo ngayon ni Osang dahil nagsilang na rin kamakailan ang girlfriend ng anak niyang lalake na si Onyok. Wala ba silang balak kunin si Gab kay Osang?

"Alam ko kung gaano kamahal ni Osang ang apo ko. Hindi naman niya siguro pababayaan yun. Huwag lang niyang dalhin sa mga lugar na hindi dapat. Siguro alam na ninyo yun," pahayag ni Bong.

Continue reading below ↓

Si Lani naman daw ay ipinagdasal na lang si Osang sa balita na dinadala si Gab sa mga lugar na hindi angkop sa mga bata, gaya ng karerahan.

"Kaya nga, ganun nga, huwag na lang niya dalhin sa mga ganung lugar. ‘Tsaka wala na sanang side comment na hindi maganda," pakiusap ng senador-actor.

Sinubukan na ba nilang kausapin si Osang tungkol sa balitang dinadala ng aktres si Gab sa karerahan?

"Yun nga, e, yung ganun. Huwag niyang gagawin. Hindi maganda. That's not a good example. Well, pinagsabihan ko si Jolo na kung pupuwede huwag naman dahil hindi maganda para sa bata yun," sagot ni Bong.

Kapag napatunayan ni Bong na dinadala talaga ni Osang si Gab sa karerehan, siya raw mismo ang magsasalita sa harap ng dating sexy star.

DABOY'S CONDITION. Samantala, right after magpakita ng suporta si Bong sa basketball tournament ng mga taga-media sa Media Sports League, na ginanap sa Central College of the Philippines noong Sabado, May 10, dumiretso siya sa ospital para dalawin ang kaibigang si Rudy Fernandez. Umugong kasi ang balita na gumagrabe na raw ang kalagayan ngayon ni Daboy.

Continue reading below ↓

"Yeah, nakakalungkot. Nasa ospital siya ngayon," malungkot na sabi ni Bong.

More or less, alam ba ni Bong ang kundisyon ni Daboy ngayon?

"Ipagdasal natin siya. Kailangan niya ng dasal. Higit na kailangan niya ng dasal."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Bong Revilla explains that they offered Rosanna Roces to let his son Jolo marry the actress' daughter, Grace Adriano, before. But Grace herself rejected the offer. Now that Bong's daughter Inah also got pregnant, Rosanna reportedly commented that Bong's family agreed that his daughter continue her pregnancy and marry her boyfriend—in the past, they suggested that Grace abort her baby with Jolo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results