GMA Films need not worry about Gabby Concepcion's hold-departure order, assures his manager

May 12, 2008
Gabby Concepcion is set to do a movie with GMA Films. And if everything goes smoothly, Gabby will do the movie abroad.

Balitang namumroblema ngayon ang GMA Films dahil sa lumabas na hold- departure order ng Manila Regional Trial Court (RTC) para kay Gabby Concepcion.

Nakatakda kasing gumawa ng pelikula si Gabby sa GMA Films at gagawin daw ito abroad. Malamang nga naman na hindi matuloy ang pagtatrabaho sa kanila ni Gabby kung may hold-departure order ang actor.

Ayon naman sa kampo ng aktor, hindi raw kailangang kabahan o maalarma ang GMA Films sa hold-departure order kay Gabby. Ten years na raw nakahain iyon.

"Nagpunta na nga siya sa Pinas para harapin ang kaso at magtrabaho. Nag-file na si Atty. Ed Flaminiano [lawyer ni Gabby] na i-lift ang HDO niya dahil hindi naman siya aalis ng bansa. May multi-million peso worth contract siya sa ABS-CBN kaya magta-trabaho siya rito," paliwanag ni Mommy Rose Flaminiano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam ito by phone.

Ayon sa business manager ng actor, kung matutuloy ang pagsu-shoot ni Gabby sa ibang bansa para tapusin ang pinirmahang kontrata sa GMA Films, puwede namang i-request ito sa judge at magbigay ng bond o piyansa para sa pansamantalang pag-alis ng aktor.

Continue reading below ↓

Maraming paraan daw na puwedeng gawin para sa naturang problema, lalo't dalawang buwan lang naman mawawala ang aktor kung matutuloy na ang shooting. Balita rin na niluluto ng GMA Films na si Lea Salonga at Iza Calzado ang makasama ng actor.

MOBBED IN CEBU. Kahit saang dako ng Pilipinas magpunta si Gabby Concepcion ay pinagkakaguluhan ito. Dinudumog at tila walang epekto ang mga negative issues na ikinukulapol sa guwapong aktor.

Mula nang dumating siya sa Pinas ay naikot na niya ang Davao, Iloilo, Dagupan City, Cagayan, at noong Linggo, May 11 ay sa Cebu naman nagparamdam ang aktor.

Punung-puno ang SM Mall, Cebu, kung saan ay inimbita si Gabby para kumanta, bumati sa kanyang mga fans, at magpaunlak ng picture-taking with fans at autograph signing. Na-touch ang aktor sa mainit na pagtanggap sa kanya, kaya ganado siyang magtrabaho.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion is set to do a movie with GMA Films. And if everything goes smoothly, Gabby will do the movie abroad.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results