Diamond ring is reportedly Ryan Agoncillo's birthday gift to Judy Ann Santos

May 20, 2008
A PEP source said Ryan Agoncillo bought a diamond ring from Hong Kong as birthday gift for girlfriend Judy Ann Santos.

Kasalukuyang nasa Dumaguete City ang sweethearts Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, with daughter Yohan at ilang close friends. Umalis sila noong Saturday, May 10, para doon i-celebrate ang 30th birthday ni Judy Ann kahapon, May 11.

Lumalabas na ito pala yung sagot ni Juday nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noon kung paano niya isi-celebrate ang birthday niya.

"Ah, basta na lang ako maglalaho," natatawa sagot noon ni Judy Ann PEP. "Ganoon naman ako every year na nagbi-birthday ako. Bago ang actual birthday ko, wala akong party, may dinner lang ako with my family. This time, kasama ang family ni Ryan. Then saka naman ako magha-hibernate sa birthday ko.

"Madalas ko na yung gawin noong hindi pa kami ni Ryan. Kapag birthday ko, basta na lang ako nawawala, kasama ko lang ang driver ko. Pumupunta ako sa isang beach, parang nag-a-unwind at nagso-soul search.

"Pero ngayon, iba na, nariyan na si Ryan, may Yohan na rin ako, kaya kasama ko na sila. Kung saan kami pupunta, hindi ko pa alam, basta, sa isang beach siguro."

Continue reading below ↓

Memorable ang bakasyon na ito ni Juday dahil katatapos lang ng success ng kanyang first movie production, Ploning. Sa Dumaguete, tiyak na magdo-dolphin watching sila ni Ryan with Yohan.

DIAMOND RING. At tunay na memorable talaga ito for Judy Ann, lalo na kung mapapatunayan ng PEP kung totoo ang sinabi ng column item sa isang broadsheet na isa raw diamond ring ang birthday gift ni Ryan.

Pero mas interesado ang PEP na malaman kung bukod ba sa pagiging birthday gift ay engagement ring na rin kaya ito ni Ryan kasunod ng marriage proposal?

Isang taong malapit sa dalawa ang nakausap ng PEP at tinanong ito kung totoo ngang isang mamahaling diamond ring ang ibinigay ni Ryan kay Juday noong birthday nito kahapon?

"What I know is, may ipinabili ngang diamond ring si Ryan sa Hong Kong. Pero hindi ko alam kung ilang karat at kung magkano, basta ang alam ko, mahal ang diamond ring. Akala ko nga, iyong coffee table book na Ploning: The Making... ang birthday gift ni Ryan sa kanya dahil talagang pinaghirapan niya ang paggawa noon, pero hindi na rin ako nagulat nang malaman kong nag-order nga siya ng isang diamond ring," sagot ng aming source.

Continue reading below ↓

"As to your question, kung engagement ring ba iyon at kung may wedding proposal na ba si Ryan kay Judy Ann, hindi ko iyon masasagot. Siguro, hintayin na lang natin kung kailan sila babalik from Dumaguete."

Kailan nga ba ang balik ng mag-sweetheart?

"This week, hindi ko lang alam ang definite day ng pagbalik nila sa Manila. Pero maghahanda pa sila para sa pag-alis nila for their trip sa Europe sa last week of May, at may iba pa silang dapat tapusin bago sila umalis."

So, hintayin na lamang natin ang pagbalik nina Judy Ann at Ryan, para sa mismong bibig nila natin makuha ang sagot kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng regalong diamond ring ni Ryan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A PEP source said Ryan Agoncillo bought a diamond ring from Hong Kong as birthday gift for girlfriend Judy Ann Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results