Dennis Trillo spends birthday eve with his fans

May 12, 2008
Matinee idol Dennis Trillo celebrates his 27th birthday today, May 12.

Ngayong araw na ito, May 12, ang 27th birthday ni Dennis, coinciding with the pilot episode of his second Sine Novela Magdusa Ka. Kagabi, May 11, pumayag si Dennis na magpa-asalto, courtesy of GMA-7's New Media, Inc. (NMI) na siya ring nangangasiwa both sa Fanatxt at sa mga threads ng iGMA.tv.

Pumili ang NMI at ang manager ni Dennis na si Popoy Caritativo ng 50 lucky loyal fans to be with the matinee idol sa bar. Kalahati sa kanila ay galing sa regular members ng thread ni Dennis sa iGMA at kahalati naman ay mula sa Solid Dennis Trillo fans club.

Parehong happy si Dennis at ang iGMA.tv Team headed by Connie Tungol dahil almost 100 percent ang turnout ng naimbitahan nilang fans.

"Some of them, mula pa nang nasa kabilang station [ABS-CBN] pa lang si Dennis, nung nagsisimula pa lang siya na nakilipat din sa GMA," kuwento ni Popoy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) while the first game called "Consequences" was being played with Dennis.

Continue reading below ↓

Game na game si Dennis na nakilaro sa mga fans niya. In one portion, kung saan dapat ispelingin ni Dennis ang pangalan niya using his butt, sigawan ang mga fans nang ginawa ito ni Dennis with gusto. Halata ang enjoyment ng bidang aktor sa Magdusa Ka. Masaya rin ang mga fans niya to see him up close dahil in the 10 consequences wherein he is pitted against one fan, siya ang nananalo.

Sa second game, na ang format ay multiple choice on how well they know Dennis, napatunayan ang pagiging loyal nila sa young actor dahil sa isang question—kung ano ang kauna-unahang regular show ni Dennis sa GMA-7—perfect answer lahat: Kahit Kailan.

In support, dumating din ang buong pamilya ni Dennis para makisaya.

Masuwerte ang mga dumating na fans na imbes na sila ang magregalo kay Dennis—some did actually—sila pa ang naregaluhan ni Dennis ng giveaways including his signature Aficionado perfume at ang isang limited edition bag bearing the Magdusa Ka poster, na kahit press ay hindi nabigyan during the press launch.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo, Popoy Caritativo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matinee idol Dennis Trillo celebrates his 27th birthday today, May 12.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results