Bea Alonzo explains 'natural' breast enhancement

May 13, 2008
"Mamatay man ako, hindi ako nagpa-enhance. Hindi ko nga alam kung bakit lumaki," says Bea Alonzo.

Nabigla si Bea Alonzo sa mga nakapansin ng paglaki ng dibdib niya ngayon during the pressscon kung saan pormal na siyang ipinakilala bilang bida sa Pinoy version ng Betty La Fea. Duda tuloy ng iba ay nagparetoke ng boobs ang young actress.

"Hindi, ah! Kahit tingnan ninyo pa," biro ni Bea. "Mamatay man ako, hindi ako nagpa-enhance. Hindi ko nga alam kung bakit lumaki."

AHHH... ESTROGEN. Ilang sandali lang ay biglang naalala ni Bea na umiinom siya ng estrogen (natural female hormone) para sa kanyang hormonal imbalance. Ito raw ang advice ng kanyang OB-Gyne para maging normal ang kanyang monthly period.

"Dati po kasi umaabot ng four to six months ang irregularity ng period ko. ‘Tapos pumapangit po ang ang skin mo. 'Tsaka alam mo yung feeling na may dirt ka sa loob na hindi lumalabas?

"'Tapos ‘pag nagka-period ka naman, tumatagal ng two weeks bago matapos. At grabe kasi maya't maya ang daloy, parang gripo! Ang sakit-sakit pa niya kasi ang lalaki nung lumalabas. Pero ngayon, regular na dahil sa tini-take kong gamot."

Continue reading below ↓

Marami naman ang pumupuri kay Bea na kahit nakipaghiwalay na sa dating boyfriend na si Mico Palanca ay ang ganda-ganda pa rin niya.

"Magaling lang po akong magdala. Talent ko po yun, e. Naging mutual naman ang decision namin. Walang third party involved. Para mas mag-grow kami individually," nakangiting sabi ni Bea.

BOX-OFFICE QUEEN. Wala namang duda na ang 2008 ay taon ni Bea. After finally ay sa kanya napunta ang Betty La Fea role na minimithi ng maraming leading ladies, kokoronahan naman siya bilang Box-Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ngayong gabi, May 13, sa RCBC Tower sa Ayala, Makati City.

Si Randy Ortiz ang gumawa ng gown ni Bea para sa awards night ng Box-Office King and Queen, kung saan ang ka-love team naman ng young actress na si John Lloyd Cruz ang kokoronahang Box-Office King dahil sa success ng pelikula nilang One More Chance.

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP si Bea kung ano ang nararamdaman niya sa karangalang tatanggapin.

"Masaya ako siyempre. I feel so good kasi siyempre kasama ko si John Lloyd sa movie. Achievement yun para sa amin. Ang importante pa roon, ito [One More Chance] yung project na pinakamalapit sa puso ko. Sobrang okey kasi kaming lahat sa set habang ginagawa namin yung movie."

Ngayong Box-Office Queen na si Bea, may mga nagsasabing may tendency daw na lumaki ang ulo niya.

"Hindi po," sagot niya. "Isa po sa mga values na inaano ko, na gusto kong patunayan, yung hindi lahat ng big stars malaki ang ulo."

May nagsasabi naman na inagawan daw ni Bea si Judy Ann Santos bilang Box-Office Queen. Malaki rin daw kasi ang kinita ng dalawang pelikula ni Juday last year, ang Ouija ng GMA Films/Viva Films at Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema.

"Hindi ko po alam kung sino talaga, e. Hindi naman ako nakikipag-compete kay Judy Ann. In fairness, maganda rin yung movie ni Judy Ann. 'Tsaka parehong Star Cinema movie, so wala sa akin yun."

Continue reading below ↓

BEA VS. ROXANNE PART TWO? Ang next movie ni Bea ay isang horror-drama kung saan makakatambal niya si Jake Cuenca under Star Cinema.

"This will be my first horror film and first lead character ni Jake sa movies. Wala pang title pero si Rico Ilarde ang magdidirek," banggit ni Bea.

Ngayon pa lang ay may tsismis na inagawan na ni Bea si Roxanne Guinoo ng ka-love team.

"Aawayin na naman niya [Roxanne] ako," sweet na sabi ni Bea.

Matatandaan na nagkaroon na ng isyu noon between Bea and Roxanne. Pero ang tsismis, nadamay lang si Bea noon dahil ang talagang kaaway ni Roxanne ay si Shaina Magdayao. Best friend kasi ni Bea si Shaina.

"But that was a joke. She's my friend now. Tama na ang mga katsipan na 'yan," pakiusap ni Bea.

THREATENED BY KC? Iniintriga rin si Bea sa pagpirma ni KC Concepcion ng three-picture contract sa Star Cinema. Threatened ba siya by KC?

Continue reading below ↓

"No, I just don't think so," sagot ni Bea. "May sarili siyang fans, may sarili din ako. I always thought na maganda na mas marami, mas okay. Ayoko ng competition. I only compete with myself.

"In fact, dream ko na magkasama-sama kami sa isang project, hindi lang si KC. Kundi pati si Angel [Locsin] at si Anne [Curtis]. Parang Sex And The City, ganun," pagtatapos ni Bea.
Read Next
Read More Stories About
Bea Alonzo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mamatay man ako, hindi ako nagpa-enhance. Hindi ko nga alam kung bakit lumaki," says Bea Alonzo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results