Jericho Rosales on breakup with Heart Evangelista: "I guess I have to accept the fact that she said goodbye."

by Julie E. Bonifacio
May 12, 2008
"Here's a man, okay, loving a girl very much and truly. How can I, in my life, at this stage, at this point, dito sa buhay ko, sa sarili ko, pagsasabayin ko ang dalawang babae? Briana and Carmen at the same time? And I'm gonna look like this? Miserable? I don't think I can do that," says Jericho Rosales about rumors that another woman came between him and Heart Evangelista (inset).

Walang pag-aalinlangang ibinuhos ni Jericho Rosales ang kanyang saloobin sa hiwalayan nila ng kasintahan niyang si Heart Evangelista sa The Buzz ng ABS-CBN last Sunday, May 11. Ito ang kauna-unahang sit-down interview ni Jericho pagkatapos sumambulat ang balita na hiniwalayan na siya ni Heart.

Unang tanong ng The Buzz host Boy Abunda kay Jericho ay kung mahal pa rin niya si Heart.

"Ang sa akin, tagilid pa yung idea na hiwalay na kami, e. Siguro parang ang labo nun dating sa ibang lalaki noon at sa ibang tao," sabi ni Echo.

Pinabulaanan ni Jericho na nagsisinungaling si Heart nung sinabi niya sa kanyang interview na hiniwalayan niya ang dating boyfriend sa pamamagitan lang ng e-mail.

"Hindi naman siya nagsisinungaling, e. Ako, in denial ako kasi yun ang problema. Paano ko sasabihn ngayon na hiwalay na kami, kung sa telepono, sa text lang nagsabi na maghiwalay na muna tayo?"

Si Heart daw mismo ang nakipag-break kay Jericho at nagsabi nito sa kanya.

Continue reading below ↓

"Sasabihin ko hindi, kasi syempre hindi ako ganun, e. Hindi puwedeng ganun-ganun na lang, di ba?"

Tinanong ni Boy ang young actor kung nasorpresa ba siya nang makipaghiwalay sa kanya si Heart dahil hindi niya alam ang pinaggagalingan nun.

"Alam ko yung pinangagalingan. Ang pinanggagalingan nun, yung mga sinasabi sa kanya na mga bagay. Na mga kasinungalingan."

Para kay Jericho, hangga't hindi niya nakakausap nang personal si Heart ay hindi niya kinu-consider na hiwalay na sila.

"Mahal ko siya, e, di ba? Kaya ibig sabihin nun, kung hiniwalayan na niya ako, na hindi kami magkakaayos... Para lang sa kanila, okay.

"Pero hindi mo maiaalis sa akin na mahal ko pa rin siya. Hindi ito matutunaw ng bukas. Hindi ito mawawala ng isang linggo. Hindi mawawala ito ng isang buwan. Siguro madudurog ‘to nang madudurog, pero hindi mawawala ng ganun, e, di ba? Hindi ganun kadaling mawawala ‘yon."

First time raw nangyari sa tatlong taon na relasyon nila ni Heart na nalayo sila sa isa't isa dahil kailangang mag-shoot ng teleserye ni Jericho sa Malaysia.

Continue reading below ↓

"Oo, yung distance talaga first time. Long distance kaya medyo ano..." bitin na sabi niya.

FULL OF HEART. During the interview, suot-suot ni Jericho ang singsing na bigay sa kanya ni Heart.

"This is our ring. It's here, here, here... It's very inexpensive, but very, very valuable. And it's simple. It's just a ring na wala lang. Para siyang something...‘I love you,' ganu'n lang.

"I will keep it, I guess. I have a match and I'm wearing it. Like this is the one [necklace] she gave me. This is the first one. She says ‘I'm happy with you. This is a girl and she has the boy, and the heart.' Nothing expensive but all meaningful. So, I'm full of Heart right now. This is the shirt she gave me, and I have Heart written all over my whole personality and character," pahayag niya.

Itinanggi ni Echo na galit siya ng sandaling ‘yon.

Continue reading below ↓

"No," buntung-hininga niya. "Can be, but I'm cool. Okey lang."

NO OTHER WOMAN. Itinanggi rin ni Jericho na may third party involved sa breakup nila ni Heart, taliwas sa nababalitang pagkakamabutihan nila ng co-star niya na si Briana Evigan sa international film na I Luv U Virus at ang Malaysian actress na kasama niya sa teleserye na si Carmen Soo.

"Here's a man, okay, loving a girl very much and truly. How can I, in my life, at this stage, at this point, dito sa buhay ko, sa sarili ko, pagsasabayin ko ang dalawang babae? Briana and Carmen at the same time? And I'm gonna look like this? Miserable? I don't think I can do that," pagdidiin ni Jericho.

Nanatili raw siyang faithful kay Heart sa three years na relasyon nila. Pero may nagsasabi naman na gimik lang daw ang breakup nila ni Heart.

"Hindi ko po gusto kahit kailan ang gumimik dahil hindi ko kaya mag-isip ng kung anu-anong gimik ang gagawin sa buhay ko para lang sumikat. O para lang kumita ng pera. Nagsimula po ako bilang artista. Marami po akong...marami akong pinagdaanan. Halos mamatay ako sa trabaho ko. Halos pinaghirapan ko lahat ng ito. Bakit pa ako gigimik, di ba?

Continue reading below ↓

"E, alam ko naman binigyan ako ng Panginoon ng talent. Gamitin ko na lang yun, di ba, sa patas na paraan. So, hindi ko... Tatapatin ko na po kayo, medyo masakit sabihing laos ka na, di ba? Laos ba ‘yong pipiliin ko? Pipiliin ko ‘yong roles ko para sa mga batang nanonood sa akin, para sa mga matanda, para sa lahat ng nanonood, sa lahat ng nagmahal sa akin."

Hindi raw tanggap ang tambalan nila ni Heart kaya nanamlay ang career nila?

"Dahil kami? Okey lang. At least, ngayon may foundation na kami. Mas maayos kami na mga tao."

ACCEPTANCE. Sa isang interview ay sinabi raw ni Heart na hindi niya iniyakan ang hiwalayan nila ni Echo. Ano ang reaksiyon dito ni Jericho?

"I can't be hurt," sabi niya. "Sa sinabi niya na yun? I can't. Bakit naman ako masasaktan doon? Hindi naman totoo yun, e. I mean, kung it was like what? Playing manhid or something? No, I can't. That's why I need to talk to Heart."

Continue reading below ↓

Hihintayin daw niya ang pagdating ni Heart from Dubai. Bagama't alam niya na hindi willing si Heart na makipag-usap sa kanya. At para kay Echo, walang kinalaman ang paglipat ni Heart sa GMA-7 sa hiwalayan nila.

"Ako, hindi ko talaga pepersonalin yung trabaho. Talagang masaya ako para sa kanya dahil maganda siguro ang magiging projects niya doon."

Basa ng marami, naka-move on na agad si Heart sa breakup nila habang si Jericho ay hindi pa.

"I guess I have to accept the fact that she said goodbye," saad ni Jericho.

Nagpaalam na raw talaga sa kanya si Heart at sinagot niya through text messages.

"She texted me, but I don't know what to say. And I said, ‘Jesus love you. And God loves you and just want to let you know that's it's painful.'

"She didn't answer. Time difference din. But that's what I said. I said, I told her that I love her. I guess it's over. I guess... But when you say over, it doesn't mean you cannot start over again. There's still hope for friendship and maybe someday we can be together ulit."

Continue reading below ↓

Naniniwala naman ang iba na may kinalaman ang hindi pagtanggap sa kanya ng mga magulang ni Heart kaya siya hiniwalayan.

"I don't want to say anything about her parents. I can give you an answer. But I don't... Heart's parents, may dream sila para kay Heart. I know how parents are. Kumbaga, I'm touched kung kung gaano nila kamahal si Heart. They have wonderful dreams for Heart.

"I'm sorry kung medyo nagkaroon ng kalabuan ang mga bagay-bagay dahil pumasok ako sa relasyon kay Heart. Pero hindi ko po sinasadya na magkaibigan kaming dalawa kasi ginusto naman namin yun. Pero masaya ako sa kanila dahil nagkasama-sama ngayon sila ulit. Na tutuparin yung pangarap nila para kay Heart na matagal na panahon yun nawala sa kanila, di ba? Kaya ganito ang feeling ko," naiiyak na sabi ng young actor.

Sa huli, hiningan ni Boy ng mensahe si Echo para kay Heart.

"I love you. We're two people in love. We got our problems, but we shouldn't stop there because our love is worth fighting for. Let's hope kung hindi na puwede ang relasyon, friendship is worth fighting for. Peace is worth fighting for. So the best lesson that I've learned in this relationship is the value of each and every one, and my God. And the value of my heart, how much unthinkable of loving Him."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Here's a man, okay, loving a girl very much and truly. How can I, in my life, at this stage, at this point, dito sa buhay ko, sa sarili ko, pagsasabayin ko ang dalawang babae? Briana and Carmen at the same time? And I'm gonna look like this? Miserable? I don't think I can do that," says Jericho Rosales about rumors that another woman came between him and Heart Evangelista (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results