Isabel Oli pestered by an unidentified texter

by Dinno Erece
May 13, 2008
"Noong una, hindi ko pinansin. Tanong lang nang tanong [ang nag-text] kung si Isabel Oli nga ako. Tapos nanghihingi na ng pera. Kung wala raw pera, ipasa load na lang siya. Tapos nanghihingi ng number ng ibang artista," says Isabel Oli about an unidentified texter who keeps pestering her.

Nagpadala ng advisory si Isabel Oli sa amin sa pagbabago niya ng cell number. Curious kami sa last statement niya sa text message na, "Please, please don't give this to anyone." Tipong agitated and panicky siya, so we texted her back to find out if something was wrong.

"May nanggugulo, e. And nakakatakot na," sagot ni Isabel sa text.

Thinking that she meant being stalked, we tried calling her. But it was Isabel herself who called us up. We requested her kasi if we could write about this for her protection na rin.

"Huwag na siguro, maliit na kaso lang ito. What do you think?" ang unang pasada sa amin ni Isabel.

Ayon kay Isabel, nagsimula ito nang may nagpadala sa boyfriend niyang si Paolo Contis ng isang unlisted text na hinihingi ang number ni Isabel at nagpakilalang kaibigan. Tinanong ni Paolo kung sino ito ngunit hindi na nagpakilala ang nag-text. Ikinuwento agad ito ni Paolo kay Isabel and, checking the text messages, alam nilang hindi ito tunay na kaibigan ni Isabel so hindi na lang ito sinagot ni Paolo.

Continue reading below ↓

The next time, kay Isabel na nagti-text ang mysterious texter. Naalaala ni Isabel ang number ng nag-text din kay Paolo, "dahil maganda kasi yung number niya, kakaiba, basta matatandaan mo agad."

Kuwento pa ni Isabel, "Tinanong ko agad si Paolo kung ibinigay niya ang number ko. Late na yun pero alam ko gising pa siya kasi nagte-taping siya. Sabi ni Paolo, hindi niya raw binigay.

"Noong una, hindi ko pinansin. Tanong lang nang tanong [ang nag-text] kung si Isabel Oli nga ako. Tapos nanghihingi na ng pera. Kung wala raw pera, ipasa load na lang siya. Tapos nanghihingi ng number ng ibang artista."

Puwede raw isawalang-bahala ito ni Isabel ngunit bigla raw, ang mga kaibigang artista niya ay nagsisipalitan na rin ng number.

"Sunod-sunod ang natanggap ko na messages," sabi ni Isabel. "'Hi, this is Jennylyn Mercado, please save my new number. Hi, this is Pauleen Luna, please save my new number. Hi, this is Rhian Ramos, please save my new number...'

Continue reading below ↓

"Doon na ako nag-alala. Wala naman akong number ni Rhian, bakit niya ako bibigyan ng bagong number? Saka yung iba, alam ko mga line sila, bakit magpapalit ng mga pre-paid numbers?

"Ang ginawa ko, tinawagan ko si Pauleen sa number niya na meron ako. Tinanong ko kung nagpalit ba siya o nagdagdag ng bagong number. Hindi raw. Yung line niya pa rin lang ang number niya. Doon na ako natakot kaya nagpalit ako ng number," lahad ni Isabel.

Hindi alam ni Isabel kung saan nila nakuha ang mga numbers ng mga artista. Pero may ikinuwento kami sa kanya na feeling namin ay may koneksiyon sa nangyayari sa kanila.

A month ago sa story conference ng Magdusa Ka, kinausap kami ng isang handler sa GMA Artist Center. Tinatanong kami kung natanggap namin ang mga phone numbers ng mga "hiningi" namin sa kanya na ikinagulat namin. Hindi kasi namin alam ang number ng handler.

Continue reading below ↓

Pinabasa sa amin ng handler ang actual text message na nagpakilalang kami. It reads "Hi, this is Dino Erece, I'd like to get the numbers of Mike Tan, Mark Herras, and Dion Ignacio. May raket ako sa kanila."

Paliwanag namin sa handler, unang-una, hindi namin alam ang number niya so hindi kami puwedeng mag-text sa kanya.

Ikalawa, kung kami nga ito, hindi namin iispelingin nang mali ang pangalan namin dahil single ‘n' ang name namin sa text message.

Ikatlo, alam namin ang mga numbers nina Mike at Mark, so hindi na namin ito kailangang hingin.

Ang pinaka-importante, hindi kami magkaayos ni Dion kung kaya't napakalayong hingin namin ang number nito at bigyan pa ng raket.

Puwede na ring idagdag na kahit kailan, hindi kami rumaket para sa mga artista although nahihingan kami ng kapwa manunulat namin na kung sino ang puwedeng i-refer sa mga raket naman nila, like personal appearances or out-of-town shows.

Continue reading below ↓

Nag-iisip na si Isabel at ilan pang artista na i-report na ang situation.

Read Next
Read More Stories About
Isabel Oli, Paolo Contis
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Noong una, hindi ko pinansin. Tanong lang nang tanong [ang nag-text] kung si Isabel Oli nga ako. Tapos nanghihingi na ng pera. Kung wala raw pera, ipasa load na lang siya. Tapos nanghihingi ng number ng ibang artista," says Isabel Oli about an unidentified texter who keeps pestering her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results