Gladys Reyes wants to deliver her baby girl on her birthday

by Rose Garcia
May 13, 2008
"Pero siyempre, kung hindi pa talaga puwede ng June 23, okay lang din kung talagang 1st week of July pa siya dapat lumabas. Pero kasi, kapag nagkataon, parang lahat sa buhay namin, significant ang 23. Si Cristophe, January 23 ang birthday, which is anniversary din namin ni Chris," explains Gladys Reyes about her wish to deliver her baby on her birthday.

Seven months na ang ipinagbubuntis ng aktres na si Gladys Reyes ngayon. Alam na rin daw nila ng kanyang mister na si Christopher Roxas kung ano ang magiging gender ng second baby nila. Tuwang-tuwa nga si Gladys dahil tinupad daw ni Lord ang ipinagdarasal niyang maging girl ang second baby nila.

Ang pangnay kasi nina Gladys at Christopher ay lalake, si Cristophe, na magtu-two-and-a-half years old na pagkasilang ng kapatid nito.

"Actually, four months pa lang ang tiyan ko, nakita na sa ultrasound na girl nga raw. Pero siyempre, that time, parang nasa 80 percent chance pa lang. So may percent pa na baka mali. Pero last month, nang mag-six months na ako, dun na na-confirm na girl nga raw," masayang kuwento ni Gladys sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Caesarean na raw ang panganganak ni Gladys dahil sa panganay pa lang nila ay CS na ang delivery niya. Kaya kung makakaya raw niyang manganak ng last week of June, ire-request daw niyang manganak sa June 23, na kaarawan din ng aktres.

Continue reading below ↓

"Pero siyempre, kung hindi pa talaga puwede ng June 23, okay lang din kung talagang 1st week of July pa siya dapat lumabas. Pero kasi, kapag nagkataon, parang lahat sa buhay namin, significant ang 23. Si Cristophe, January 23 ang birthday, which is anniversary din namin ni Chris," lahad ni Gladys.

Ayon kay Gladys, mas light daw sa kanya ang ikalawang pregnancy, kumpara sa una. Although aminado ang aktres na feeling daw niya, mas maarte lang siya especially during first trimester niya.

Napi-feel din daw niyang ready na rin ang panganay na anak na maging kuya sa magiging kapatid.

"Hindi ko kasi alam kung nickname lang ba niya or first name na nga ng baby. Pero noong tinanong namin si Cristophe kung ano ang itatawag niya sa baby, bigla na lang niyang sinabi na Aquisha, so Aquisha talaga ang tawag niya.

"So siguro, yun na ang magiging name niya. Hindi ko pa lang alam kung ano pa ang magiging first name niya aside from that. Parang gusto ko kasi, may French name since Christopher is half-French," sabi ni Gladys.

Continue reading below ↓

Natatawa naman si Gladys when PEP asked kung posibleng last child na nila ang ipinagbubuntis dahil masasabing kumpleto na sila for having a boy and a girl.

Aniya, "Hindi pa yata, e. Si Chris kasi, ang gusto talaga niya, apat ang maging anak. E, ako, ang sabi ko naman, tingnan natin kung kaya ko, di ba?

"Tapos nakausap ko nga si Nadia Montenegro nang maging guest ko siya sa Moments [her show in Net 25], siya yung nagsabi na hindi raw totoo yung kapag CS ka, limited to three lang ang puwedeng maging anak. E, siya nga raw, nakaya niya ang pito!" natatawa pa rin nitong kuwento.

Sa ngayon ay ang Moments at ang business nilang KSA whitening beauty products lang muna ang pinagkakaabalahan ni Gladys. Siya na raw kasi mismo ang nagpaalam sa Tasya Fantasya ng GMA-7 dahil hindi na raw niya kaya.

"Two months pa rin ako ro'n. Kaso, hindi ko na kaya. E, sa Tasya pa naman, dahil every week, iba-ibang episode namin. So kung minsan, may location kami na bulubundukin pa. So there's one time na medyo nag-spotting ako.

Continue reading below ↓

"At saka, nahihirapan na rin sila. Alangan namang kada episode buntis ang role ko, di ba? Okey lang noong una, medyo di pa masyadong halatang malaki ang tiyan ko. Ang hirap naman na puro half body lang ang kukuhanan sa akin. Ano naman ako, para naman akong manananggal noon," natatawa niyang sabi.

Read Next
Read More Stories About
gladys reyes, christopher roxas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero siyempre, kung hindi pa talaga puwede ng June 23, okay lang din kung talagang 1st week of July pa siya dapat lumabas. Pero kasi, kapag nagkataon, parang lahat sa buhay namin, significant ang 23. Si Cristophe, January 23 ang birthday, which is anniversary din namin ni Chris," explains Gladys Reyes about her wish to deliver her baby on her birthday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results