Dingdong Dantes denies he left "SOP" due to alleged problem with Richard Gutierrez

by Rose Garcia
May 14, 2008
"Definitely, wala! Zero! Wala pa si Richard noon, nasa SOP na ‘ko. Wala namang problema ro'n. Bago pa rin siya umalis, wala na rin ako," argues Dingdong Dantes.

Masaya raw si Dingdong Dantes at mga kasama niya sa reaksyon ng tao sa Dyesebel. Kung tutuusin nga raw, wala pa talaga sila sa mga mas exciting na parte ng fantaserye na ginagawa nila. Happy rin daw sila na halos yung audience nila before sa Marimar ay nandiyan pa rin sa Dyesebel.

Nagulat pa si Dingdong nang itanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kung bakit ginawang pangit ang mukha ni Dyesebel sa latest episode nito.

"Ah, talaga, ipinapakita na ba yun?" tanong din ni Dingdong sa PEP. "Kasi, yun ang parang trade sa kanya. Parang bibigyan ka ng paa, ‘tapos papangit ka. Yun ang kapalit.

"Siyempre sa umpisa lang yun... Basta, abangan nyo na lang. Sa istorya kasi, kilala ko si Dyesebel kasi siya ang nagligtas sa akin. Mamumukhaan ko siya, pero kapag may ganoon siya [yung nagpapapangit kay Dyesebel], siyempre hindi ko siya makilala. So far, wala pa rin kaming sinu-shoot na nagkakagustuhan na. Pero actually, cute siya. Coming from a pambata element, dapat slowly yung pag-develop ng love for each other."

Continue reading below ↓

BETTING ON PILOT. Kuwento rin ni Dingdong sa PEP, nagkaroon pa pala ng pustahan sa set nila sa kung ano ang magiging rating ng pilot episode nila. Hindi nga lang siya sumali dahil sa takot na ma-disappoint.

"Hindi talaga ako nakipagpustahan. Pero nakakatuwa kasi far from what we were expecting yung naging rating. E, we we're just playing for mga 30-something lang na rating, ‘tapos, yung nakuha palang rating 42.

"May nanalo, but I don't remember na kung sino. Si Marian [Rivera], hindi rin yata nakipagpustahan. Kasi ako naman, ayokong ma-disappoint. Siyempre, gusto ko mataas, siyempre lahat naman tayo gusto natin ng mataas. So, kung makikipag-deal ka at matatalo ka, sasama lang ang loob mo. Tama na ang sumama ang loob mo ng walang bayad, ‘di ba?"

NO MORE SOP FOR FREDO. Samantala, natutuwa naman si Dingdong dahil kung dati-rati ay madalas na "Sergio" ang itinatawag sa kanya ng mga taong nakakakita sa kanya nang personal, ngayon daw ay "Fredo" na ang itinatawag sa kanya. Considering na kay bagu-bago pa lang ng show nila.

Continue reading below ↓

Ipinaalam din ni Dingdong sa PEP na sa ngayon ay Dyesebel lang talaga ang regular show na ginagawa niya sa GMA-7. Wala na muna siya sa SOP. Pero from time to time, basta maluwag ang schedule niya ay nagge-guest siya sa ilang shows ng Kapuso Network, tulad na lang sa bagong show ni Regine Velasquez, ang Songbird. Isa siya sa pilot guest ng show at ka-duet ni Regine nang live.

"Gusto ko kasi talagang mag-concentrate muna sa ginagawa ko. Seryoso ako rito [Dyesebel]. Actually, ang ultimate goal ko is concentrate on movies. Hindi ko alam kung magsasabay, pero kung halimbawa at may movie, talagang pagtutuunan ko ng pansin ‘yan.

"Gusto ko lang talagang mag-concentrate sa acting. Naisip ko kasi kung may SOP hindi nila siguro ko mapapanood ng matagal, because may Sabado kaming taping ng Dyesebel. At saka gusto ko ring magpahinga, and that time falls on Sunday. I need time also for myself and for my family. Sa trabaho naman natin, kailangan din nating mabuhay and live a normal life kahit paano."

Continue reading below ↓

Sinabi na niya noon ang dahilang ito sa kanyang past interviews nang tanungin kung bakit wala na siya sa SOP. May mga nagsasabing mababaw raw ang dahilan niyang ito.

"Maaaring nabababawan sila, pero... maraming kakabit na ibang dahilan yun. Kung anuman yun, it's the decision of not just me but many people. Maraming nakakabit na isyu with that, but that's beyond me."

PROBLEM WITH RICHARD? Tinitingnan ng mga intrigero ang anggulong meron silang problema ni Richard Gutierrez.

"Definitely, wala! Zero!" tukoy ni Dingdong sa sinasabing problema raw nila ni Richard. "Wala pa si Richard noon, nasa SOP na ‘ko. Wala namang problema ro'n. Bago pa rin siya umalis, wala na rin ako.

"Basta ako, ginawa ko talaga yun silently and, in fairness to me, I was really shooting Dyesebel in Palawan noong time na yun. So, doon na nag-umpisa. Kung may kinalaman sa kanya, wala talaga."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Definitely, wala! Zero! Wala pa si Richard noon, nasa SOP na ‘ko. Wala namang problema ro'n. Bago pa rin siya umalis, wala na rin ako," argues Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results