John Lloyd Cruz dethrones Vic Sotto as Box-Office King

by Rose Garcia
May 14, 2008
"Wow! Mas matindi ang award na yun. Sana someday makakuha rin tayo ng ganoong award," says new Box-Office King John Lloyd Cruz about Vic Sotto's new award from the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

Magkasabay na dumating ang magka-love team na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para tanggapin ang parangal sa kanila bilang mga bagong Box-Office King & Queen kagabi, May 13, sa RCBC Plaza.

Pero bago pumasok sa loob ng venue, nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd. Masaya ito sa award na matatanggap at inihahandog daw niya ito sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanila ni Bea.

"Siyempre po, una sa lahat, maraming salamat. Itong gabi na ito, seriously, para sa lahat ng sumuporta at sa lahat ng bumuo ng isang pelikulang hindi malilimutan sa mahabang panahon. Para po sa inyong lahat ito," ani John Lloyd. Naging basehan ng nagbigay ng karangalan na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ang malaking kinita ng pelikula nina John Lloyd at Bea na One More Chance last year.

"Kami naman, sangkap lang naman kami rito, so, maliit na bahagi lang kami ng pelikulang ito. So, sa Star Cinema, kay Direk Cathy Garcia-Molina, sa mga writers na talagang bumubuo ng pelikula, maraming-maraming salamat and of course, sa lahat ng mga fans na sumuporta, para po talaga sa inyo ang gabing ito," dagdag pa ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

Bukod sa box-office result and award, tila bonus pang halos lahat daw sa pelikula ay nominated din sa iba pang award-giving bodies. Natatandaan pa ng PEP nang sabihin ni John Lloyd noon sa presscon pa lang ng One More Chance na itinuturing niyang napakaespesyal ng pelikulang ito nila ni Bea. Na-anticipate din ba niya na makakakuha ng mga papuri at parangal ang One More Chance?

"Ako, hindi ko talaga ine-expect. Pero siguro ako, kahit naman sinong artista na gumagawa ng pelikula, nais na mag-excel sila, mabigyan ng recognition sa kahit na anong paraan.

"Alam n'yo, gumagawa tayo ng pelikula para maging bahagi ng isang grupo ng mga artista na, pagdating ng panahon, magkakaroon ka ng pangalan, irerespeto ka. So, yun lang naman ang hinahangad ko, e."

"Yung award, yung recognition, bonus na lang yun. Malaking-malaking bonus na lang yun. Kung meron mang chance na makagawa pa ng isang movie na katulad nito, panalo sa takilya, mabibigyan ka pa ng award na Box-Office King, sobrang bonus talaga."

Continue reading below ↓

DETHRONING BOSSING. Naitanong din ng PEP kay John Lloyd kung ano naman ang masasabi niya na na-dethrone na niya ang isang malaking pangalan like Vic Sotto na for many years ay naghari-harian sa takilya.

"Ows?! Talaga? Naku, hindi po natin sinasadya. Bossing...," natatawa't tila humihingi pa ng paumanhin na tugon ni John Lloyd sa PEP.

Pero hindi naman totally scratched out na si Bossing Vic sa GMMSF Box-Office King and Queen Awards. Dahil for the first time, bibigyan naman si Vic ng parangal na All-Time Box-Office Actor.

"Wow! Mas matindi ang award na yun. Sana someday makakuha rin tayo ng ganoong award. Well, I'm really happy na ganoon kalaki pala yung naging resulta ng paggawa namin ng pelikula.

"Kung alam n'yo lang kung paano namin ginawa yung movie na yun... naku, yung hirap at tiyaga, lahat kami lost. Parang hindi namin alam kung ano ang tinatahak namin. Pero, ganito pala kagrabe ang kalalabasan. Ang magiging resulta, kaya buong puso po talaga'ng pasasalamat namin sa lahat."

Continue reading below ↓

"COOL OFF" PERIOD. Samantala, after ng success ng One More Chance, may plano palang paghiwalayin muna sila ni Bea as a love team.

Si Bea kasi ay magbibida sa Pinoy version ng Betty La Fea with a new leading man, habang si John Lloyd naman ay may movie na ginagawa under Star Cinema pa rin at si Sarah Geronimo naman ang kanyang leading lady.

Ayon kay John Lloyd, nakaka-first shooting day pa lang daw sila ng movie. Kaya wala pa siyang gaanong masasabi tungkol sa bagong leading lady.

Nasabi na lang niya na, "Kailangan ko pa siyang makilala. Wala pa eh, nakaka-one day shoot pa lang kami."

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, Vic Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wow! Mas matindi ang award na yun. Sana someday makakuha rin tayo ng ganoong award," says new Box-Office King John Lloyd Cruz about Vic Sotto's new award from the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results