Sexy actress Katherine Luna allegedly thrown out of condo unit by Fil-Am lover

by Roldan Castro
May 14, 2008
"Tatlo na ang anak niya, pero gimik-dalaga pa ang ginawa niya. Ayaw niyang magbuhay-misis at may asawa. Gusto ko lang naman magpaka-behave siya at seryoso sa buhay. Pero, 'best actress' siya talaga. Kinarir niya ako," claims Katherine Luna's ex-lover "Mr. N" who is a young Fil-Am businessman.

Pinalayas umano sa tinitirhang condo unit sa Eastwood City ang award-winning sexy actress na si Katherine Luna ng kinakasama niyang Fil-Am na nagpakilala lang na "Mr.N."

Ayon kay Mr. N, na isang young businessman, hindi lang third party ang involved sa paghihiwalay nila ni Katherine, kundi may fourth party pa.

Pahayag ni Mr. N nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Dencio's Eastwood, nakikipag-live-in diumano ngayon si Katherine sa isang medical technologist na guwapo, matangkad, at maputi. Parang sardinas nga raw na nakikipagsiksikan si Katherine ngayon, kasama ang lalaki.

Nakilala si Katherine Luna sa kanyang award-winning performance sa pelikulang Babae sa Breakwater noong 2004. Pinarangalan si Katherine bilang Best Actress ng Cinemanila International Film Festival at naging nominado sa Gawad Urian para sa pareho ring kategorya, sa kabila ng mga batikos na isa lamang itong bold actress.

Birthday ni Katherine kahapon, May 13, pero imbes na magkasama sila ni Mr. N sa Boracay ay nasa ulan diumano ngayon si Katherine at nakatira sa maliit na kuwarto, ayon pa kay Mr. N.

Continue reading below ↓

"Bihira sa isang bachelor ang seseryoso sa kanya dahil may tatlo siyang anak. Nakadapa siya noon nang itaas ko. Gusto ko, mas mataas pa ang level ni Katherine kesa sa akin pero niloko lang niya ako. Ang sakit-sakit," maluha-luhang kuwento pa ni Mr. N sa amin.

"Nung makilala ko siya, puro pang-tiyangge ang damit. Ngayon, punung-puno ang aparador niya. Ang sabi niya sa PEP noon, bigyan siya ng chance at hindi niya bibiguin ang mga tao, pero ano ngayon ang ginagawa niya? Gusto niya ulit bumalik sa pagkadapa," deklara pa ni Mr. N.

Inako raw lahat ni Mr. N ang responsibilidad sa tatlong anak ni Katherine pati ang pamilya nito. Dalawang beses daw naisanla ang bahay nila sa Cavite pero tinubos daw yun ni Mr. N.

"Tatlo na ang anak niya, pero gimik-dalaga pa ang ginawa niya. Ayaw niyang magbuhay-misis at may asawa. Gusto ko lang naman magpaka-behave siya at seryoso sa buhay. Pero, best actress siya talaga. Kinarir niya ako," hinaing pa ni Mr. N.

Continue reading below ↓

"Hindi siya loyal sa ginagawa niya. ‘Pag wala siya sa Pilipinas tumatakas siya para gumimik sa mga disco bar at makipagkita dun sa guy. ‘Pag tinawagan siya, sasabihin niya, matutulog na siya pero tatakas pala. Hindi niya alam, naka-log sa guard ‘pag dumarating siya at umaalis," bulalas pa ni Mr. N.

KATHERINE'S SIDE. Sinikap ng PEP na kunin ang side ni Katherine tungkol sa mga pahayag ng dating kinakasama, pero out of town ang aktres, ayon sa kanyang manager na si Bert Manalo. Nasa Batangas raw ito at nakikisaya sa mga kaibigan dahil birthday niya. Wala raw kasamang ibang lalaki at hindi totoong nakikipag-live-in, gaya ng sinabi ni Mr. N.

"Hindi totoo yung sinabi ni Mr. N na pinalayas si Katherine. Kusa siyang umalis at sukang-suka na siya sa ugali ni Mr. N. Mali ‘yan. Tatlong beses na si Kat naghakot ng gamit at umalis dun. Pinababalik lang siya at nagmamakaawa si Mr. N. Yung last na naghakot siya, dinala dito sa bahay ang lahat ng gamit niya. Sobrang seloso at higpit ni Mr. N. Unang batas niya, bawal na ma-lowbat yung cellphone," pagtatanggol ni Bert kay Katherine nang makausap namin ito through texting.

Continue reading below ↓

"Kahit tulog si Katherine, ipapagising niya. Dapat daw sagutin niya ang cell phone. Ginagawa siyang robot. Ayaw din niyang tulungan ang anak ni Kat at ang pamilya nito. Ang gusto niya si Kat lang ang tulungan niya, puwede ba yun? Ang pinag-awayan talaga nila ay tungkol sa anak ni Katherine," sabi pa ni Bert .

Habang isinusulat ito, ipinarating na ni Katherine na makikipagkita siya sa amin pagdating niya galing ng Batangas para ibigay ang buong kuwento at linawin ang isyung ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tatlo na ang anak niya, pero gimik-dalaga pa ang ginawa niya. Ayaw niyang magbuhay-misis at may asawa. Gusto ko lang naman magpaka-behave siya at seryoso sa buhay. Pero, 'best actress' siya talaga. Kinarir niya ako," claims Katherine Luna's ex-lover "Mr. N" who is a young Fil-Am businessman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results