Sam Milby unaffected by statements of Anne Curtis's mom in "Entertainment Live!"

May 14, 2008
"Maybe to some it sounded like mas gusto niya si Luis kay Anne, but she didn't mean it that way. I know she didn't really mean anything bad," says Sam Milby.

Sa interview last Saturday ng Entertainment Live! kay Mrs. Carmen Curtis, inamin nito na paunti-unti ay napapalapit na sa pamilya nila si Sam Milby. Pero aminado naman siyang mas boto siya kay Luis Manzano para sa anak na si Anne Curtis. Nabuo tuloy agad sa isip ng publiko na maaaring pagsimulan ito ng argumento sa pagitan ng natsitsismis na magkasintahang Anne at Sam.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam noong Linggo at agad na kinuhanan ng reaksyon tungkol sa ipinahayag ng ina ni Anne.

NOT AFFECTED. "It was never an issue. I was not hurt. No, not at all," naunang pahayag ng Inggliserong aktor. "I know she [Carmen Curtis] didn't mean anything bad. Actually, I got to talk to her a few nights ago, and she said she'll see me in Melbourne [Australia]. She's gonna watch our Heartthrob concert there.

"Maybe to some it sounded like mas gusto niya si Luis kay Anne, but she didn't mean it that way. I know she didn't really mean anything bad. ‘Tsaka she also texted Anne na baka iba nga raw ang iniisip ko, mali daw yun."

Continue reading below ↓

For Sam, it's understandable kung saka-sakali mang ito talaga ang nasabi ni Mrs. Curtis. Length of time ng pagkakakilala ang isa sa mga rason na nakikita ni Sam kung bakit nga naman mas gusto ni Mrs. Curtis ang anak ni Vilma Santos for her daughter.

"The time that we got to know each other lang was last Christmas and New Year. Luis has been in Anne's life for seven years. For seven years and they really talk a lot yata, si Luis and Mommy Carmen."

Sabi pa ni Sam, mas mag-e-exert pa raw siya ng effort para maging mas close sa pamilya ng rumored girlfriend.

"Sana when I'm there in Australia, sana mag-dinner kami because it's my birthday on the 23rd of May. Sana we can spend a time sa Australia, and ‘pag nandito sila."

COURTING-COURTING. Hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin mula kina Anne at Sam. At nang tanungin naman ng PEP ang aktor kung ano na ba talaga ang totoong estado ng relasyon nila ni Anne, heto ang sagot ni Sam.

Continue reading below ↓

"Wala pang commitment, courting-courting pa rin but everything is going really nice, beautiful and really good. We really enjoy each other's company."

After na mag-pair sa Maging Sino Ka Man, kumpirmadong isa si Sam sa mga leading men ni Anne sa pantaseryeng Dyosa ng ABS-CBN. Sam expressed his happiness na magkakasama silang dalawa ng aktres.

"Blessed na blessed ako, sobrang thankful ako sa lahat ng magagandang nangyari at nangyayari ngayon. I'm thankful I have a new show. I'm thankful it's with Anne. I know ‘pag may show ka, bising-busy ka and ‘pag busy ka, walang time for each other. But being at work together, maganda yun para sa amin."

SAM AND PIOLO. Na-televise ang pagpunta sa DOJ (Department Of Justice) kamakailan nina Sam at Piolo Pascual. Para lang daw siguraduhin na tumatakbo ang kaso na isinampa nila laban kina Lolit Solis at Veronica Samio.

When we asked about the development of the case and sa paglilinaw ni Nay Lolit na wala siyang malakas na kapit sa DOJ, Sam chose to keep mum.

Continue reading below ↓

"I cannot comment [on] anything regarding the case. It's already in the hands of the proper authorities. We want to thank lahat ng sumusuporta sa amin."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Maybe to some it sounded like mas gusto niya si Luis kay Anne, but she didn't mean it that way. I know she didn't really mean anything bad," says Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results