Sharon Cuneta cannot get away from questions involving ex-husband Gabby Concepcion

by Rose Garcia
May 15, 2008
"There was a lot of happiness, I remember, especially before the marriage," says Sharon Cuneta as she answers questions that involve her ex-husband Gabby Concepcion.

Hindi naman daw sa pagbubuhat ng bangko pero hindi mapigilan ni Sharon Cuneta na maging vocal about her latest film, ang Caregiver under Star Cinema. Napakaganda ng pelikulang idinirek ni Chito Roño, sabi pa ni Sharon sa ginanap na press conference para sa pelikula sa Studio 1 ng ABS-CBN.

Napaka-significant daw sa kanya ng Caregiver since she's celebrating her 30 years in showbiz. Pagbabalik-pelikula pa raw niya ito after two years and at the same time,15th anniversary presentation pa ng Star Cinema. Proud na proud si Sharon dahil a great part of the movie was actually shot in London.

Kaya naman sa interview ng entertainment press kay Sharon after the presscon proper, naitanong sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)—hindi kaya siya mahirapang makapili ng next material for her next movie dahil baka mahirap mahigitan, o mapantayan man lang, ang ganda at quality ng Caregiver?

Depende naman, aniya, sa material na gagawin. Ibinigay nga niyang example ang paggawa niya noon ng Madrasta.

Continue reading below ↓

"Sa Madrasta noon, stepmother ako. Before I did Madrasta, ang stepmothers sa movies, sila ang kontrabida. Pero hindi naman talaga sa totoong buhay."

Tapos na nga raw siya sa paggawa ng mga "formula" na pelikula, gaya ng mga ginagawa niyang mga love story noong kabataan pa niya. Pati na raw 'yong iba pa na laging may pattern nang sinusunod sa istorya.

"Noong araw kasi, natatandaan ko, kapag bida ka, kailangan may kontrabida. Magsasampalam kayo. Hindi na uso yun ngayon. Parang ngayon, you bring reality into art. Like what they say, ‘art imitates life.'"

THE GABBY QUESTION. Dahil ngayong taon ise-celebrate ni Sharon ang kanyang 30 years in show business, may nagtanong kung sa pagse-celebrate daw ba ni Mega ng kanyang 30-year showbiz career ay may bahagi kaya siyang gustong lagpasan na lang o huwag nang balikan? The question obviously referred to the time noong magkasama pa sila ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Nagpasabi na noon si Sharon na hindi siya magsasalita kung may magtatanong tungkol kay Gabby. Pero this time ay pinili ni Sharon na sagutin ang tanong.

"No, when I celebrate... you cannot deny that's part of your history and how you become. And I don't want to harbor any bitterness and I really believe that everyone deserves a second chance," pahayag ng Megastar.

Matapos sagutin ang tanong ay muling pinakiusap ni Sharon na kung maaari ay wala nang tanong tungkol kay Gabby, in respect na rin sa kanyang asawa't mga anak.

Nang pumirma naman ng kontrata ang panganay niyang anak na si KC Concepcion sa Star Cinema, marami ang umasa na baka posibleng sa tatlong pelikulang gagawin nito for Star Cinema ay isa na rito ay ang pagsasamahan nila ni Gabby.

Pero maging si Sharon ay kinumpirmang hindi siya makakasama ng anak sa tatlong pelikulang gagawin nito. May iba raw siyang gagawin, pero hindi pa raw niya alam kung sino ang makakasama, not until Star Cinema announces her next project.

Continue reading below ↓

"It depends on [KC]. It's really her call and you know. Kahit sa pagiging endorser niya, she really wants to have her own mark first sa industriya. Hindi yung anak ako ni ganyan...

"Kahit noong magka-commercial siya, gumawa muna siya ng several na siya lang, bago kami gumawa ng first and last na magkasama kami.

"And then, now she's going to do a movie. After this, parang gusto niya muna na sa three-picture contract niya, hindi muna ako kasali roon. I hope after that, once she made her mark, once she's proven her worth as an actress na talagang wala na siya sa shadow ng mga magulang niya, I'm sure si KC will be excited also to do this [magkasama sila sa isang movie]. Pero this time, there's no hurry."

KC'S FANTASY. Tinanong ng PEP kay Sharon kung ano naman ang reaction niya sa sinabi ni KC na fantasy nito na makitang magkasamang muli ang mga magulang sa isang movie.

Continue reading below ↓

"Oo... lahat naman kami. Even me and Gabby, mga professional kami, e. You cannot deny the following of the team-up. Ang ikinagulat ko, when he came home—21 years na kaming separated, thirteen years nang wala si Gabby—so, nagulat ako pag-uwi niya, ang clamor was a movie na kaming dalawa.

"Forties na kami and we started when we we're teens and yet, gusto pa rin kaming panoorin ng mga tao. So, in a way, I'm very happy na may nagmamahal sa amin until now. At saka, kahit hindi kami magkasama sa movie, sila pa rin yung sumusuporta sa movie namin na hindi kami magkasama.

“But as an actor, what we could probably do is to do another movie together. But as a human being, especially, specifically the two of us and our daughter, hindi puwedeng isipin na ganoon lang kasimple. Kasi maraming emosyon na dinaanan na namin. Over how many years na 'yan," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

ONCE UPON A TIME. Magkaganuman man, hindi naman itinatanggi ni Sharon na sa kabila ng maraming masalimuot na kabanata sa buhay nilang dalawa ng ama ng panganay na anak, may masasaya rin naman daw.

"There was a lot of happiness, I remember, especially before the marriage," sambit ni Sharon.

Bagama't iniiwasan nga ng Megastar na magsalita pa about Gabby, hindi rin siya tuluyang nakaiwas sa ilang tanong about her ex-husband. Siguro, doon pumapasok 'yong kahit ilang taon na nga silang hiwalay, since they have a daughter, kahit paano, magkakaroon pa rin talaga ng connection.

CASE AGAINST GABBY. Sa huli, someone from the press asked the Megastar kung meron ba siyang isang kasong isinampa among Gabby's cases.


"Never akong nagsampa pero dapat... ako dapat ang una. Pero hindi, may anak ako. At siya ang ama ng anak ko. I did not do it, for [KC's sake]."

And it was like coming into a realization na nasabi nga niya, "I hope, I hope that his family shows a little appreciation on that or a little respect. Because I know Gabby appreciates that... but you know, some people are quick to forget," tahasan ngang pahayag ng Megastar.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"There was a lot of happiness, I remember, especially before the marriage," says Sharon Cuneta as she answers questions that involve her ex-husband Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results