Singer Gian Magdangal talks about his newborn baby with Sheree

by Ricky Calderon
May 15, 2008
"Hands-on ako sa baby. Nagpapalit ako ng lampin [diapers]. Baka magtampo ang anak ko paglaki niya ‘pag nalaman niya hindi ko siya pinalitan ng lampin," narrates Gian Magdangal about his one-week-old son, Gian Hailey, with former Viva Hot Babe Sheree.

Gian Magdangal considers it pure luck that he was chosen Most Promising Male Singer by the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation at the 38th Box-Office Entertainment Awards held last May 13.

"This was totally unexpected," pahayag ni Gian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa RCBC Plaza kung saan ginanap ang awards night. "Wala pa naman akong album. The only time I sang for an album ay noong mag-release ng album ang Philippine Idol where I sang ‘Himala.'"

"Wala pa naman talagang nag-alok sa akin ng recording contract on my first year in the business. Kung mayroon man, hindi naman ito ang tipo ng album na gusto kong gawin. Kung gagawa ako ng album, gusto kong ipakita si Gian Magdangal."

Masayang ibinalita ni Gian na ginagawa na niya ang kanyang debut album. He's co-producing it with a recording company (not GMA Records). Hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung anong record company ito, pero Gian produced it himself in collaboration with the record company. He has already recorded two songs of the 10-track album.

Continue reading below ↓

FATHERHOOD. Would he say na blessing talaga ang pagdating ng baby nila ng dating Viva Hot Babe na si Sheree?

"Oo naman," mabilis niyang sagot. "In any way I look at it, it's a blessing. Kahit man umasenso sa trabaho, the baby is a blessing. The baby is a totally different thing in my life."

Ano ang ipinagbago ni Gian ngayong daddy na siya?

"Medyo puyat!" natatawa niyang sabi. "Hands-on ako sa baby. Nagpapalit ako ng lampin. Baka magtampo ang anak ko paglaki niya ‘pag nalaman niya hindi ko siya pinalitan ng lampin. It's a boy, we named him Gian Hailey. One week old pa lang. I love babies talaga. Tapos nung lumabas ang baby, talagang undescribable ang feeling."

Balak nina Gian at Sheree na pabinyagan ang bata within one month. Ang sabi kasi ng parents ni Gian, dapat after one month of birth, pinabibinyagan na ang baby.

Hindi pa raw kumpleto ang mga ninong at ninang, pero definitely, isa sa mga ninong ay si Dennis Trillo.

Continue reading below ↓

"Isa si Dennis sa ninong kasi noong nalaman namin na buntis si Sheree, siya ang isa sa una kong sinabihan. Kasi medyo pareho ang situation namin that time. Linggu-linggo magkasama kami sa SOP, so ganoon naman kami sa SOP, pamilya na kami. Isa rin sa ninang ang kapatid ko at si Jolina [Magdangal, Gian's cousin]," pahayag ni Gian.

SHEREE ATTENDS AWARDS NIGHT. Nagulat nga si Gian na dumalo pa si Sheree sa awards night ng GMMSF noong Martes, pero hindi nga lang ito nagtagal. After tanggapin ni Gian ang kanyang award ay umalis na rin si Sheree.

"Nakaka-one week pa lang siyang nanganak. Medyo masakit pa raw ang sugat niya pero konti na lang kasi magaling ang doctor. Pero pumunta pa rin siya rito dahil gusto raw niyang makita na tumanggap ako ng award. Nauna lang siyang umuwi kasi sabi ko, hindi siya dapat magpuyat," kuwento ni Gian.

Dagdag pa niya, Sheree is breastfeeding their baby. Very hands-on din daw si Sheree pagdating sa kanilang baby. At maging siya ay hindi rin pinababayaan nito.

Continue reading below ↓

Kailan naman nila balak magpakasal?

"Pinaplano na rin namin, pero hindi muna this year. Mag-iipon muna kami," sagot ni Gian.
Read Next
Read More Stories About
Gian Magdangal, Sheree
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hands-on ako sa baby. Nagpapalit ako ng lampin [diapers]. Baka magtampo ang anak ko paglaki niya ‘pag nalaman niya hindi ko siya pinalitan ng lampin," narrates Gian Magdangal about his one-week-old son, Gian Hailey, with former Viva Hot Babe Sheree.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results