Rica Peralejo once got marriage proposal from a stranger in London

by Nora Calderon
May 15, 2008
"Nagandahan daw siya sa akin, nilapitan ako at nag-offer nga siya ng marriage kaya sabi ko sa kanya, ‘Why will you marry me, when you just knew me a couple of minutes?' Sagot niya, ‘I will know you the rest of our lives,'" narrates Rica Peralejo.

Bago ang Caregiver, ang huling pelikulang ginawa ni Rica Peralejo ay ang suspense-thriller na Matakot Ka Sa Karma ng Canary Films na isinali pa noong 2006 Metro Manila Film Festival. Halos hindi na nga matandaan ni Rica ang title ng movie na ito nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago ang press conference ng Caregiver sa Studio 1 ng ABS-CBN kaninang lunch.

WORKING WITH MEGA. First time lamang nilang nagkasama sa movie ni Sharon, although nag-guest na raw ito noong mayroon pa silang Ok, Fine nina Aga Muhlach sa Channel 2. Kumusta naman to work with the Megastar?

"Ay, naku, hindi ko na talaga makakalimutan si Ate Sharon," simula ni Rica. "Halos lahat ng eksena ko sa movie, kasama ko siya at talaga palang bukod sa napakabait niya, napakahusay na artista, napaka-supportive pa niya, di ka niya pababayaan.

"Meron akong isang eksena roon na tensyonada ako dahil limited ang oras namin sa pagsu-shooting. Hindi ko talaga ma-memorize iyong mga lines ko. Tinulungan niya ako na sasabihin niya iyong lines niya pagkatapos ima-mouth niya ang lines ko at iyon ang sinundan ko."

Continue reading below ↓

Natensiyon ba siya dahil kay Direk Chito Roño?

"Hindi naman, dahil kilala ko na si Direk. Kapag wala kami sa trabaho, very caring din siya, pero kapag trabaho na, kailangan talagang magtrabaho ka. Bago magsimula ang take, sasabihin na niya right away kung ano ang gusto niyang gawin mo sa eksena. Maliwanag siyang magbibigay ng instructions kaya dapat hindi ka na magkakamali, lalo pa nga at talagang pressed for time kami roon."

Rica plays the role of Karen, husband niya si Jhong Hilario at caregiver din siya tulad ni Sharon. Nagkaroon ba sila ng formal training ng pagiging caregiver bago sila pumunta sa London?

"Hindi na po, kasi mga totoong caregivers naman ang kasama namin sa movie, bukod sa mga British actors na kinuha nila roon," sabi ni Rica. "Sila na iyong nagturo sa amin kung paano ang dapat gawin, kung ano ang procedure na dapat gawin sa mga pasyenteng alaga namin doon.

Continue reading below ↓

"Doon din namin nalaman na gusto nila roon ang mga Pinoy na caregivers dahil masipag tayong magtrabaho at likas ang pagiging caring nating mga Pilipino, bukod pa nga sa very hospitable tayo kahit nasa ibang bansa."

LOST IN LONDON. Nabanggit ni Rica na naramdaman niya during their shootings na parang nagtatrabaho na siya talaga sa London.

"Wala kaming access doon, kanya-kanya kami. Minsan na rin akong naligaw nang pagbalik sa tinitirhan namin. Mahirap doon ang ma-miss mo ang bus stop. Ang katwiran ko na lang, matututunan ko pa rin naman kung paano ako makakauwi.

"Pero talagang napakalamig doon, na kung minsan, hindi mo rin mawari ang weather. May lugar na mainit ang araw, pero lumakad ka lang sa malayu-layo, umuulan na. Akala nga namin, gaganda na ang weather dahil papasok na ang spring. Pero hindi, lalo pang lumamig, nagkaroon pa ng hail storm. Ang lalaki ng bumabagsak na butil ng yelo.

Continue reading below ↓

"Hindi iyon ang first time kong pumunta ng London, pero noon lang ako nakaranas ng ganoong weather doon.

"Pero kapag inisip mo, parang hindi ka tatagal doon, kasi very gloomy ang paligid. Mami-miss mo lahat; ang family mo, ang mga friends mo. ‘Tapos mahirap pa ang trabaho mo tulad nga ng pagiging caregiver, na gagawin mo ang lahat para sa alaga mong pasyente. Kaya totoo pala iyong maririnig mong sinasabi nilang ‘iuwi n'yo na ako sa Pilipinas!' Dahil sa hirap at homesickness mo roon, gusto mo na talagang umuwi ng Pilipinas."

ON THE SPOT PROPOSAL. At 27, loveless pa rin si Rica. Hindi pa ba talaga dumarating si Mr. Right?

"Wala pa, three or four years na yata akong walang boyfriend dahil after naman ni BJ [Bernard Palanca], wala na po talaga akong naging boyfriend."

Paano ang relasyon nila noon ni Piolo Pascual?

"Hindi po naman iyon nag-flourish, naging very good friends lang talaga kami ni PJ [Piolo]. Siguro kapag nakita ko na ang lalaking iyon [Mr. Right], mararamdaman kong ‘siya' na iyon. Hindi na ako tatanggi kung mag-offer siya ng marriage sa akin.

Continue reading below ↓

"Minsan na rin pong may nag-offer sa akin ng marriage, noong nasa London kami ng Ok, Fine. Siguro kung tumitingin lang ako sa guwapo, tatanggapin ko iyon. Guwapo kasi siya, British pero Oriental-looking. Nagandahan daw siya sa akin, nilapitan ako at nag-offer nga siya ng marriage kaya sabi ko sa kanya, ‘Why will you marry me, when you just knew me a couple of minutes?' Sagot niya, ‘I will know you the rest of our lives.'

"Guwapo siya pero wala talaga akong makita na siya na iyong right guy for me kaya ako tumanggi.

"Kaya po sa ngayon, focus lang muna ako sa career ko at studies. Happy nga po ako nang i-offer sa akin itong Caregiver at sinabing magsu-shoot kami sa London, dahil bakasyon na ako sa Ateneo [de Manila University], where I am taking up creative writing.

"Balik na rin ako sa Umagang Kay Ganda, at sanay pa rin akong gumising ng 4:00 a.m. to report for work."

Continue reading below ↓

MIGRATING TO THE U.S. Bakit may balita noon na magma-migrate na raw siya sa United States?

"Wala pa po namang definite plan. Hindi ko pa sure kung magma-migrate ako roon or magtatrabaho lang doon. Fourteen years na rin po ako sa showbiz and I will not stay here forever."

May pahabol ngang tanong kay Rica na narito raw sa bansa ngayon si Bernard, paano kung kausapin siya nito?

"Ay, wala na iyon, ang tagal na noon," nagtatawang wika ni Rica at hindi na nag-comment pa.

Read Next
Read More Stories About
Rica Peralejo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagandahan daw siya sa akin, nilapitan ako at nag-offer nga siya ng marriage kaya sabi ko sa kanya, ‘Why will you marry me, when you just knew me a couple of minutes?' Sagot niya, ‘I will know you the rest of our lives,'" narrates Rica Peralejo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results