Kim Chiu replaced Pops Fernandez as host at 38th Box-Office Entertainment Awards

by Rose Garcia
May 16, 2008
Young actress Kim Chiu gladly obliged, even on short notice, to replace Pops Fernandez as Gabby Concepcion's co-host in the 38th Box-Office Entertainment Awards held last May 13 at RCBC Plaza. Click here for more photos.

Si Pops Fernandez dapat ang kapareha ni Gabby Concepcion bilang co-host ng 39th Box-Office Entertainment Awards na ginanap last May 13 sa RCBC Plaza. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nagkasakit ang Concert Queen at hindi niya nakayang mag-host noong gabing ‘yon.

Continue reading below ↓

Bagama't naiintindihan naman ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ang kalagayan ni Pops, biglang nagkaroon ng problema ang production team. Kailangan nilang humanap agad ng papalit sa kanya.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), tatlo ang pinagpilian bilang kapalit ni Pops. At the end, the production team decided na si Kim Chiu ang ipalit kay Pops at maging co-host ni Gabby.

Ayon sa kuwento ng taga-production, noong mismong araw ng awards night lang nila nakausap ang handler ni Kim from Star Magic kung pupuwedeng maging co-host ni Gabby ang young actress. Bagama't short notice lang ang invitation kay Kim ay pumayag pa rin siya, kaya naman napakalaki ng pasasalamat ng mga taga-production sa kanya at sa kanyang handler.

Mas humanga ang production team sa ipinakitang professionalism ng Kapamilya star. Aminado raw kasi si Kim na ninenerbiyos siya at hindi masyadong confident sa sarili dahil first time pa lang siyang maghu-host ng isang awards night. Idagdag pa rito na noong gabi ng awards night lang niya nakita at pinag-aralan ang binagong script.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa source ng PEP, napahanga raw ni Kim ang mga taga-production dahil never nilang naringgan ng reklamo ang young actress. Kahit kinakabahan at first-timer si Kim as host, nagawa naman niya nang maayos ang kanyang trabaho.

Comment pa nga ng mga taga-production, sana raw lahat ng artista—mapabaguhan man o hindi—ay katulad ni Kim na walang ere sa katawan.

Bukod sa pagiging host ng 38th Box-Office Entertainment Awards, tumanggap din ng award si Kim kasama ang ka-love team na si Gerald Anderson as Most Popular Loveteam of Movies & TV.

Aside from Kim, napahanga rin daw ni Gabby Concepcion ang mga taga-Guillermo. Kahit alam nitong si Pops ang makakasama niya as co-host at napag-aralan na niya ang script with Pops in mind na siyang kabatuhan ng linya, wala raw silang narinig na reklamo sa aktor sa pagbabago ng script.

Mapapanood ang 38th Box-Office Entertainment Awards sa Sabado, May 17, at 7 p.m. sa NBN 4 at Net 25.

Continue reading below ↓

To see the photos from the event, click the following: Part 1 and Part 2 .

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Kim Chiu gladly obliged, even on short notice, to replace Pops Fernandez as Gabby Concepcion's co-host in the 38th Box-Office Entertainment Awards held last May 13 at RCBC Plaza. Click here for more photos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results