Judy Ann Santos dismisses reports that she and Ryan Agoncillo have already set a wedding date

May 16, 2008
"Huwag po silang mag-alala, walang malilihim dahil ito ay isang bagay na dapat lang ipagmalaki." Judy Ann Santos assures people that she and boyfriend Ryan Agoncillo will announce their wedding plans in due time.

Hindi pa rin matapus-tapos ang katanungan kung totoo nga bang magpapakasal na ang magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Balita kasing niregaluhan ni Ryan ng diamond ring si Judy Ann habang nagbabakasyon sila sa isang beach resort sa Dumaguete last weekend. May lumabas ring balita na sa November 5 na raw ang petsa ng kasal ng dalawa.

"Bakit naman November 5? Why not November 1?" natatawang balik-tanong ni Judy Ann sa phone interview sa kanya ng talent manager niyang si Alfie Lorenzo na nailathala ngayon, May 16, sa Abante Tonite.

Ayon kay Alfie, bagama't matagal na ang relasyon nina Juday at Ryan, hindi naman nagmamadaling magpakasal ang magkasintahan. Sa katunayan, pinaghahandaan nilang mabuti ang kanilang magiging desisyon sa pag-aasawa.

Isang halimbawa na ibinigay ng talent manager-columnist ay ang mga sagot ni Ryan sa tuwing siya ay tatanungin ng press kung kailan ang planong pagpapakasal nila ni Juday. Halata umano sa mga sagot nito na kahit alam ni Ryan na mas malaki ang kinikita ni Juday kesa sa kanya ay gumagawa siya ng paraan upang makaipon para sa kanilang kinabukasan.

Continue reading below ↓

Ani Alfie, "Aware si Ryan na hindi sila pareho ng talent fee ni Juday. Meaning, mas malaki ang kita ni Juday kesa sa kanya. Kaya ang palaging sagot ni Ryan kung ikakasal na ba sila ni Juday ay pabirong: ‘Hindi pa po. Kulang pa ang naipon ko para sa wedding reception. Baka maubos, e, wala na kaming makain kinabukasan!'

Later on, noong may konting ipon na siguro si Ryan, iba na ang diskarte niya: ‘Nag-iipon pa po ako para pampagawa ng bahay.'

PEAK OF JUDY ANN'S CAREER. Isa pang posibleng dahilan ng kawalan muna ng agarang plano na magpakasal ay ang patuloy na offer kay Juday ng mga proyekto para sa endorsements, TV shows, at pelikula.

Sa interview kay Judy Ann, ipinaliwanag ng aktres na kailangan niyang mag-focus sa kanyang career dahil marami na rin ang mga artista ngayon na hindi nabibigyan ng pagkakataon ng tulad ng kanyang tinatamasa ngayon.

Continue reading below ↓

"Ang dami pong mga tao na walang trabaho," aniya. "Ang daming gusto man nila, e, walang pagkakitaan. Marami ring mga artista ang medya-medya lang ang kita. Ngayon ko pa po ba tatalikuran itong matagal ko nang ipinagdasal, baka naman po magalit sa akin ang Diyos? Inuulan, binabaha po ako ng suwerte ngayon, which I know Ryan is a part ng total development ko.

"Bakit ko po tatanggihan itong grasyang ngayon lang dumating sa akin? Samantalang alam kong ibinigay sa akin ng Diyos ang lahat ng ito, to make me emotionally, physically, and financially stable? And when I have enough, that's the time haharapin na namin ni Ryan ang isang panibagong buhay, panibagong pakikipagsapalaran sa buhay may asawa na malayo sa showbiz na kinalakihan ko, showbiz kapalit ng isang matahimik na buhay may asawa na magpapamilya na."

Sa huli, pinaalalahanan ni Judy Ann ang mga taong patuloy na nagtatanong tungkol sa kanyang planong pagpapakasal.

Continue reading below ↓

Aniya, "Huwag silang mainip. Tulad ng ilang beses ko na ring nasagot, hindi namin ililihim at publiko ang unang makakaalam 'pag nagdesisyon na kami ni Ryan na talikuran ang lahat ng hirap at ginhawang tinatamasa namin sa ngayon.

"Huwag po silang mag-alala, walang malilihim dahil ito ay isang bagay na dapat lang ipagmalaki. Its like announcing, ‘Yehey! I've found my man at last! May magpapakasal na sa akin! Thank you po, Lord!"
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Huwag po silang mag-alala, walang malilihim dahil ito ay isang bagay na dapat lang ipagmalaki." Judy Ann Santos assures people that she and boyfriend Ryan Agoncillo will announce their wedding plans in due time.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results