Sharon Cuneta explains why she can't do a movie with Gabby at this time

May 16, 2008
"Hindi naman yung pagkita ng pera, o yung pagiging blockbuster ang magiging dahilan kung bakit puwede na kaming magpareha, if ever. Sa ngayon kasi, I want Gabby to stage a comeback through his own merits. Pabayaan natin yung taong makapagtrabaho, makapagsimula uli nang maayos. Hindi mangyayari yun kung laging nakasabit ang pangalan ko sa kanya, o we will keep on talking about each other," says Sharon Cuneta.

Itinataya ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang kredibilidad sa pagtanggap ng pelikulang Caregiver. Ngayong malapit na itong ipalabas, sa May 28, alam niyang malaking pagsusugal ito sa career niya.

Ang proyektong ito ng Star Cinema ay very unique para sa isang Sharon Cuneta, at lumilihis ito sa pormulang dating nakasanayan sa Megastar.

"Noong ginawa ko ang Madrasta for Star Cinema, iba rin yun. At that time, ang tingin ng mga tao sa stepmoms, malulupit, hindi laging makasundo ng mga anak ng asawa sa original wife. Pero nabago ang perception nun sa local movies when we did that.

"This time, hindi rin one-dimensional character ang ginagampanan ko sa Caregiver. Mayroon ding weaknesses si Sarah, which is the role I'm portraying in the movie. Ipakikita lahat yun. But as a whole, sympathetic yung character. It's life imitating art, sabi nga nila. Yung kung ano yung totoong nangyayari, maski yung dialogues, yun ang ipakikita sa movie," pahayag ni Sharon.

Continue reading below ↓

GABBY CONCEPCION. Sa umpisa ng press conference ng Caregiver na ginanap noong May 14 sa Studio 1 ng ABS-CBN, pinakiusapan ang marami sa media na huwag nang magbanggit ng mga bagay tungkol sa ex-husband ni Sharon na si Gabby Concepcion, who's now staging a comeback.

"Gusto ko lang i-point out na wala akong remorse or bitterness sa parteng 'yan, kung napapag-usapan si Gabby," pauna ni Sharon. "Kaya lang, hindi naman siya kasama sa movie namin. Nakakahiya rin sa Star Cinema na gusto nilang ibenta ang pelikula, in a way which should be more effective. Yung pag-usapan talaga ang pelikula, at hindi yung wala namang kinalaman sa production, di ba?" paliwanag ng Megastar.

Sa kabila ng kanyang pakiusap, inusisa pa rin si Sharon kung bakit, at this point, ayaw niyang makipagtrabaho muna kay Gabby. Opinyon ng iba, ang team-up nila should have a grand comeback, at sinasabi nga na magiging super-blockbuster 'yon 'pag nagkataon.

Continue reading below ↓

"Hindi naman yung pagkita ng pera, o yung pagiging blockbuster ang magiging dahilan kung bakit puwede na kaming magpareha, if ever. Sa ngayon kasi, I want Gabby to stage a comeback through his own merits. Pabayaan natin yung taong makapagtrabaho, makapagsimula uli nang maayos. Hindi mangyayari yun kung laging nakasabit ang pangalan ko sa kanya, o we will keep on talking about each other. I guess, at this point, ito na lang muna ang sasabihin ko tungkol sa bagay na 'yan.

"Remember, nang magkahiwalay kami ni Gabby, we did a few movies pa, kahit sobra yung tensiyon at controversies. Matagal na ring panahon yun. Kaya lang, iba kasi ang situwasyon ngayon. He has a wife already, alam natin yun, na puwedeng madamay pa sa mga isyu. Like my husband [Sen. Francis "Kiko" Pangilinan], who I should also protect.

"Hindi natin alam kung anu-ano yung negative repercussions, which at this point, nararamdaman kong hindi pa talaga time for us to work together. Professionally, magagawa ko naman yun. But there are other things to consider.

Continue reading below ↓

"Hanggang ngayon, hindi alam ng mga tao ang tunay na dahilan talaga kung bakit kami nagkahiwalay, and I want to leave it just that, kasi matagal na rin namang tapos yun. Kaya lang, natatakot akong maungkat uli yun. It will be very unfair. Pabayaan na muna natin maging maayos ang situwasyon.

"And as for Gabby, let's just wish him the best ngayong nagbabalik siya sa showbiz, na wala naman akong kinalaman, di ba?" tuluy-tuloy na pahayag ng Megastar.

Sa nasabi ni Sharon, gusto pa rin niyang magunita ng maraming tagasubaybay ng love team nila ni Gabby noon na may magaganda pa rin namang memories na kasama ang chapter na yun ng kanilang buhay ni Gabby.

"That's all I can say. Sana maintindihan na lang muna ng mga tao yun. Hindi ko naman puwedeng isara ang pinto for a possible project na pagsasamahan namin. Kaya lang, sa ngayon, huwag na lang muna," pagdidiin ni Sharon.

Continue reading below ↓

KC-SHARON TEAM-UP FIRST. How about a possible team-up with her daughter KC? Or a movie starring Gabby and KC?

"You know, it's all up to them," sagot ni Sharon. "Lalo na si KC, gusto ko talagang mag-decide siya ng mga bagay na para sa career niya, na hindi muna ako kasama, kasi yun din ang gusto niya. Yung ma-prove niya that she can stand on her own.

"Doon sa three-picture contract na pinirmahan ni KC sa Star Cinema, hindi kasama yung para sa aming dalawa. Kaya palagay ko, matagal pang pangyayari yun. Pero sana, before Gabby, kami na muna ni KC ang magkasama sa pelikula," at natawa na lang si Sharon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman yung pagkita ng pera, o yung pagiging blockbuster ang magiging dahilan kung bakit puwede na kaming magpareha, if ever. Sa ngayon kasi, I want Gabby to stage a comeback through his own merits. Pabayaan natin yung taong makapagtrabaho, makapagsimula uli nang maayos. Hindi mangyayari yun kung laging nakasabit ang pangalan ko sa kanya, o we will keep on talking about each other," says Sharon Cuneta.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results