Gabby Concepcion wants to take a vacation so he can avoid promo of Sharon's movie

May 16, 2008
"Gusto ko rin namang mag-share ng maitutulong ko sa promo ni Sharon. Kaya lang, mami-misinterpret ako 'pag ganoon. Mas mabuting umiwas na lang ako. I'd rather go out of the country na muna, o kung hindi man, pupunta na lang ako ng Boracay. Malayo muna sa eksena para maayos at tahimik ang lahat," says Gabby Concepcion about why he wants to take a short vacation.

Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Gabby Concepcion nang iharap siyang muli ng manager niyang si Mrs. Rose Flaminiano sa ilang entertainment press sa bahay ng mga Flaminiano sa Sct. Reyes Street, Quezon City kahapon, May 15.

Kahit paano ay naaaninag kay Gabby ang pagkalito sa unang bahagi ng panayam namin sa kanya.

"Hindi ninyo maaalis sa akin yung parang nabibigla sa mga pangyayari," paliwanag ni Gabby nang tanungin namin tungkol dito. "Thirteen years akong nawala sa sirkulasyon, at nang dumating ako, grabeng mga intriga pa rin ang sumalubong sa akin. Siyempre, ayoko naman ng mga negative issue kaya nagugulat ako kung bakit nagkakaroon ng ganyan. Ang gusto ko lang naman ay ang magtrabaho."

Pero pagkatapos ng ilang sandali ay panatag na ang loob ni Gabby dahil ang mga sumasagot sa legal issues na kinasasangkutan niya ay ang lawyer na si Atty. Ed Flaminiano, asawa ni Mommy Rose. Ito ay para maiwasan na rin ang pagkasabit ng mga ipahahayag niya, lalo't may mga banta ng pag-akyat sa korte ng mga usapin, partikular na ang tungkol sa isyu sa pagitan nila ni Jobert Sucaldito.

Continue reading below ↓

"Gusto ko lang mamili ng trabaho," giit ni Gabby. "May ibang nag-offer na nagustuhan namin, karapatan namin yun. Ganoon lang. Habang wala pang pinipirmahang kontrata, wala pa namang kasiguraduhan yun, kaya wala akong nilabag sa usapan.

"Actually, gusto ko na rin lang matapos ito. I came back from the U.S. to work, makatulong din sa marami nating mga kaibigan dito. Magtulungan na lang sana tayo," pakiusap niya.

GET-AWAY VACATION? Finally, haharap si Gabby sa isang malakihang press conference kaugnay ng pagiging official endorser niya ng Lucida, ang whitening product na pinili niyang i-endorse kaysa sa MET Tathione na inaayos ni Jobert para sa kanya noon. Gusto na ng aktor na mairaos ito dahil balak niyang magtungo muna sa Hong Kong para makaiwas sa promo ng Caregiver, na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.

"Gusto ko rin namang mag-share ng maitutulong ko sa promo ni Sharon. Kaya lang, mami-misinterpret ako 'pag ganoon. Mas mabuting umiwas na lang ako. I'd rather go out of the country na muna, o kung hindi man, pupunta na lang ako ng Boracay. Malayo muna sa eksena para maayos at tahimik ang lahat," pahayag ni Gabby.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na interview kay Sharon, sinabi niya na gusto niya na bago gumawa ng pelikula ang anak niyang si KC Concepcion kasama si Gabby, sila na munang mag-ina ang dapat magkasama. Ano ang reaksiyon dito ni Gabby?

"Oh, that's fine with me," sabi ni Gabby. "Walang issue doon. Kahit dalawa o tatlong pelikula muna ang gawin nila bago kami magkatrabaho ni KC, okay lang. Basta ang gusto ko lang, mabigyan ako ng pagkakataong makapagtrabaho uli na wala namang hassles."

BACK IN THE '80s. Sinukat ng management team ni Gabby kung nasaan na ang tindi ng popularidad ni Gabby after 13 years of absence at natuwa naman sila sa natuklasan nila.

Kuwento ni Gabby, "Nag-personal appearance ako sa Cebu. Nagulat ako, parang '80s uli! I'm so overwhelmed sa pagtanggap uli ng mga tao sa akin doon."

Sinabi ni Gabby na wala siyang balak magtagal dito sa Pilipinas noong bumalik siya pagkatapos ng labingtatlong taong paninirahan sa Amerika.

Continue reading below ↓

"Noong una talaga, wala akong intensiyong magtagal. Dadalawin ko lang ang father ko [Mr. Rollie Concepcion], just to be with him for a month. Kung mayroong available job for me, why not? Pero dumagsa talaga ang offers.

"Naisip ko, I might as well grab this opportunity na makapagtrabaho. Ang pag-aartista na talaga yung destiny ko. Kasi kahit naman noong nasa Amerika ako, may iba akong sinubukang mga trabaho.

"Noon, mas gusto kong mag-dentista, o mag-pilot. Pero hindi talaga ako puwedeng mag-pilot dahil color blind ako. At yung pagdedentista, parang lumayo na ako doon dahil pumasok na ako sa pag-aartista, at an early age.

"Sixteen years old pa lang ako, ito na ang buhay ko. Naiba lang nang umalis ako ng Pilipinas, and decided to stay in the U.S. for thirteen years. Akala ko nga, hindi na ako babalik. Naka-kundisyon na ang isip ko na sa Amerika na lang talaga ako tatanda to spend the rest of my life.

Continue reading below ↓

"Pero destiny pa rin ang naghatid sa akin pauwi. I'm so glad that I'm back despite the controversies. Ganoon naman siguro talaga. That's just part of it. I feel that I'm reborn. Parang bagong buhay sa akin ito," saad ni Gabby.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion, Sharon Cuneta
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto ko rin namang mag-share ng maitutulong ko sa promo ni Sharon. Kaya lang, mami-misinterpret ako 'pag ganoon. Mas mabuting umiwas na lang ako. I'd rather go out of the country na muna, o kung hindi man, pupunta na lang ako ng Boracay. Malayo muna sa eksena para maayos at tahimik ang lahat," says Gabby Concepcion about why he wants to take a short vacation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results