Lotlot de Leon: "I am starting my life all over again."

May 16, 2008
"I know that the right time will come, na kami ni Mamita will be okay again. Nandoon pa rin naman ang respeto ko sa kanya bilang ina ni Monching. Huwag na lang nating madaliin kasi hindi madali ang situwasyon namin. Alam ko na balang araw mangyayari iyong magkakausap kami ng maayos," says Lotlot de Leon about the possibility of reconciling with her former mother-in-law, Pilita Corrales.

Ayon sa aktres na si Lotlot de Leon, wala naman pagkakaiba ang nakaraang Mother's Day para sa kanya ngayong single na siya ulit.

More than five years na rin kasi silang hiwalay ng kanyang ex-husband na si Ramon Christopher kaya ang mga nagdaang Mother's Day ay nananatiling simpleng celebration for Lotlot and her kids—Janine, Jessica, Diego, and Maxine.

"Nitong nagdaang Mother's Day naman, it was the usual celebration. Hindi naman namin madalas makasama si Monching, e. Tumatawag lang siya at babati sa akin. Aalamin lang niya kung saan kami ng mga bata. Susunod siya kung kaya ng oras niya. Otherwise, kami na lang ng mga bata ang nagse-celebrate," kuwento ni Lotlot nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

EX-MOTHER-IN-LAW. Nakarating na kay Lotlot ang komento ng kanyang dating mother-in-law na si Pilita Corrales sa pag-grant ng korte sa annulment ng kasal nina Lotlot at Monching. Ayon kay Lotlot, nirerespeto niya ang mga sinabi ng kanyang dating biyenan.

Continue reading below ↓

"If that's how she feels, I will respect that," sabi niya. "Bilang isang ina rin naman, maiintindihan ko ang nararamdaman niya. For me naman kasi, tapos na ito at bagong chapter na ito ng buhay ko. Kumbaga, I am starting my life all over again. I like to thank my kids, kasi hindi nila hinusgahan ang nanay nila. They understood my situation and I love them for that.

"Nagpapasalamat din ako kay Monching kasi kahit na ganito ang nangyari sa amin, nandoon pa rin ang suporta niya sa akin. He's happy sa mga nagaganap sa buhay ko at mas okay nga kami ngayon as friends kesa noong nagsasama kami. It's a weird feeling, pero mas okay pala ang lagay namin ni Monching ngayon. Siguro nga, we are better off as friends than being husband and wife."

Umaasa rin si Lotlot na magiging okey sila ni Pilita balang araw.

"Ipinagdarasal ko ‘yon," sambit niya. "I know that the right time will come, na kami ni Mamita will be okay again. Nandoon pa rin naman ang respeto ko sa kanya bilang ina ni Monching. Huwag na lang nating madaliin kasi hindi madali ang situwasyon namin. Alam ko na balang araw mangyayari iyong magkakausap kami ng maayos."

Continue reading below ↓

EX-SISTER-IN-LAW. Natutuwa naman si Lotlot sa mga magagandang sinasabi ng kanyang dating sister-in-law na si Jackie Lou Blanco. Hindi raw siya iniwan nito sa mga panahon na naguguluhan siya sa samahan nila ni Monching.

"Kami naman ni Ate Jackie, nandiyan kami for one another. Hindi nasira ang closeness namin noong mag-decide akong makipaghiwalay kay Monching. Nandoon yung suporta niya sa akin parati.

"Lahat naman ng mga pinagdaanan kong problema, nandiyan si Ate Jackie parati. Noong mag-file ako ng annulment, I consulted her and she said nga na if I feel na ito ang tamang paraan para maging maligaya kami ni Monching, I should go for it.

"Kaya mahal na mahal ko yang si Ate Jackie because she stands as the second mother to my children. Kapag alam niyang may problema ako, nandiyan siya kaagad. That's why I am so thankful na I still have her support after all that happened."

Continue reading below ↓

SUPERSTAR MOM. Ibinalita rin ni Lotlot na nagkausap na sila ng kanyang ina na si Nora Aunor, na kasalukuyang nasa Amerika. Nabati raw niya ito noong Mother's Day at nakausap din daw ng Superstar ang mga apo niya kay Lotlot.

"Finally, nagkausap na rin kami and she's doing fine. Nakuha na niya ang green card niya and she's having several shows. Busy siya kaya hindi siya nakakapag-communicate with us. Pero nitong huli, okay ang pag-uusap namin," masayang kuwento ni Lotlot.

May plano ba silang sorpresa sa nalalapit na birthday ni Nora sa May 21?

"Ang hirap kasi malayo si Mama. Kung sana nandito siya, e, di may magandang surprise kami. Pero baka may ipadala na lang kaming regalo. Bahala na siguro. Basta hindi naman namin makakalimutan ang birthday niya," sabi ni Lotlot.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I know that the right time will come, na kami ni Mamita will be okay again. Nandoon pa rin naman ang respeto ko sa kanya bilang ina ni Monching. Huwag na lang nating madaliin kasi hindi madali ang situwasyon namin. Alam ko na balang araw mangyayari iyong magkakausap kami ng maayos," says Lotlot de Leon about the possibility of reconciling with her former mother-in-law, Pilita Corrales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results