"Dyesebel" star Marian Rivera denies commenting ABS-CBN's "Marina" is 'bilasa'

May 23, 2008
"Excuse me, hindi ko ugaling mambastos. Wala akong binabanggit na pangalan ng ibang show o network, at ang pinakikialaman ko lang naman ay ang sarili naming show," explains Marian Rivera about intrigue that she called ABS-CBN's Marina "bilasa."

Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Marian Rivera sa latest MTV shoot ng isa sa cuts ng bagong ilalabas na album ni Ogie Alcasid mula sa Universal Records, ang remake ng Pabs Dadivas hit na "Kung Sakali Man," na isang komposisyon ni Vic Sotto.

Ginanap ang nasabing shoot sa Infinity Condominium sa The Fort, Makati City, kahapon, May 16. Si Marian ang leading lady ni Ogie sa nabanggit na music video. Isa lamang ito sa selections na ipapaloob sa album ni Ogie na may pamagat na The Great Filipino Songbook, na magtatampok sa unforgettable pop classics na compositions ng mga legendary songwriter, as interpreted by Ogie.

Inusisa agad ng PEP si Marian sa isyung may kinalaman sa diumano'y pambabastos niya sa ABS-CBN through her comment na kesyo "bilasa" na ang telefantasya na Marina ni Claudine Barretto, na may rerun ngayon sa Kapamilya network, dahil parang sumasabay ito sa pagpapalabas ng Dyesebel ng GMA-7 na nagtatampok kay Marian.

Continue reading below ↓

"Gusto ko lang klaruhin ang tungkol diyan na wala akong sinasabing bilasa ang Marina," paglilinaw ni Marian. "Ang sinabi ko, sariwang-sariwa si Dyesebel. Kung mayroong mga taong minasama ang comment ko na yun, problema na nila yun.

"Pero walang dahilan para ma-interpret nila sa maling anggulo yung sinabi ko. Excuse me, hindi ko ugaling mambastos. Wala akong binabanggit na pangalan ng ibang show o network, at ang pinakikialaman ko lang naman ay ang sarili naming show," tahasang sabi ng young actress.

STILL THE SAME. Hindi maiiwasang i-nega si Marian dahil na rin sa tinatamasang kasikatan ngayon. Kesyo nagbago na raw siya at lumaki na ang ulo. Ano ang masasabi niya rito?

"That's not true," diin niya. "Marami ang nakakakilala sa akin na ganito pa rin naman ako, at hindi nagbabago. Naririnig lang siguro nila na outspoken ako sa mga issue, pero unfair na sabihing dahil lang sa ipinagtatanggol ko ang sarili ko ay yumabang na ako at lumaki ang ulo.

Continue reading below ↓

"Marami talagang lumalabas na kung anu-anong negative tungkol sa akin, pero hindi ko na lang pinapansin. Nagsasalita lang ako to defend myself. Pero hindi na ako magsasalita pa uli para lang palakihin yun."

Patuloy niya, "For as long as marami pa rin ang naniniwala sa akin, at yung mga nagmamahal sa akin, alam nila ang real score at naiintindihan nila ako, I don't need to explain."

Sino naman kasi ang hindi mawiwindang sa dami ng endorsements ni Marian ngayon? By July ay tatlong bagong endorsements ni Marian ang lalabas, na massive ang magiging campaign dito kaya tiyak na lalo na naman siyang magiging target ng kanyang mga kritiko.

"Wala akong masasabi kung hindi yung dapat ay magpasalamat na lang ako sa blessings na dumarating sa akin. Sana lang ay magtuloy-tuloy na ganito," pahayag niya.

DYESEBEL'S SUCCESS. Nagkuwento rin si Marian tungkol sa bago niyang telefantasya na Dyesebel, na patuloy ang pangunguna sa ratings sa Mega Manila at sa NUTAM.

Continue reading below ↓

"Masaya naman ako sa taping ng Dyesebel," banggit ni Marian. "At least, sa ngayon, hindi na muna ako naka-costume ng sirena. Sa istorya ay may mga paa na ako, yun nga lang, pangit ang hitsura ko. Nilalagyan ako ng prosthetics. Hindi ito kasing-hirap ng mga dating pagte-taping namin."

May nakatakda ring umpisahang bagong pelikula si Marian para sa GMA Films, kung saan makakatambal niya ang kanyang leading man sa Dyesebel na si Dingdong Dantes. Ang pelikula nila ay may working title na Amnesia.

"First time namin ni Dingdong together sa pelikula. Kaya I'm sure may bagong excitement pa rin dito kahit nga matagal na rin kaming magkasama sa mga teleserye, na nag-umpisa sa very successful na Marimar, at ito ngang Dyesebel.

"Hindi ko pa alam ang ibang detalye [tungkol sa pelikula]. Let's just wait kung kailan talaga magsisimula. Mayroong nagbalita sa akin na may project daw with Gabby Concepcion, pero hindi ko rin sigurado 'yan," sabi ni Marian.

Continue reading below ↓

THANKFUL TO FANS. Ipinagtapat ni Marian sa PEP na mas lalong tumitindi ang pagmamahal niya sa kanyang fans sa panahong ito na sinasabing matindi na ang kasikatan niya.

"Sila naman ang dahilan talaga kung bakit naririto ako, dahil sa pagtangkilik nila sa mga ginagawa ko. Very grateful talaga ako sa kanila, kaya nga after SOP, I see to it, kahit paano ay nakakausap ko ang fans na nagpupunta doon para makita ako," lahad ni Marian.

Inusisa rin namin kay Marian ang kanyang financial assets sa kasalukuyan dahil sa dami ng endorsements niya at successful din ang TV shows niya.

"Kotse pa lang ang naipupundar ko," medyo nahihiya pang sagot ng young actress. "Mahirap kasing magsalita tungkol sa ganyang mga bagay at baka ma-misinterpret ako at sabihing nagyayabang na ako. Tama na sa akin ang ganito muna, and yes naman, may naipupundar ako.

"Nasabi ko na nga yung tungkol sa franchising ng Karimadon na gusto kong pasukan, at magkaroon ng mga tindahan. Pero hanggang ngayon, pina-process pa rin. Medyo matagal dahil gusto ko, ako rin mismo ang mag-aasikaso," pagwawakas ni Marian

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Excuse me, hindi ko ugaling mambastos. Wala akong binabanggit na pangalan ng ibang show o network, at ang pinakikialaman ko lang naman ay ang sarili naming show," explains Marian Rivera about intrigue that she called ABS-CBN's Marina "bilasa."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results