Genesis head Angeli Pangilinan shares her thoughts on Heart-Jericho split

by Julie E. Bonifacio
May 17, 2008
"Sabi ko sa kanya [Jericho], ‘Habang ganito ang panahon, let's just let her have a happy time with her family, di ba? I mean, three years nawala, di ba? So, para sa akin, respetuhin natin ang mga desisyon ng kanyang pamilya," says Angeli Pangilinan-Valenciano about the breakup of Heart Evangelista and Jericho Rosales.

Nagbigay na ng kanyang pahayag ang talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano sa pag-alis ni Heart Evangelista sa Genesis Entertainment at pakikipag-break ng young actress sa boyfriend nitong si Jericho Rosales.

Pagkatapos ng ilang pilitan ay nagpaunlak din si Angeli na magpa-interview sa presscon ng concert ng mister niyang si Gary Valenciano—His Love na gaganapin on May 22, 23, 29 and 30 sa Music Museum. Nilinaw ni Angeli na walang kontrata sa Genesis si Heart nang lumapit sa kanya ang young actress pagkatapos nitong umalis sa dati nitong talent management na Star Magic ng ABS-CBN.

"Actually, ako personally, I have no contract with Heart," umpisa niya. "Because when she came to us, parang somebody told me, parang broken wings siya. Parang she was down. 'Tsaka stranger siya sa parents niya. So I said, kung si Paolo [panganay na anak nila ni Gary] kaya, nag-away kami tapos nakipag-sign sa iba habang nag-aaway kami, matatanggap ko ba yun? Hindi, di ba?

Continue reading below ↓

"So, ang feeling ko, do unto others as you would have others do unto you. In-explain ko kay Heart... Kasi they were asking for a contract, and I said I don't think I can do that, sabi ko. ‘Parang if I see your parents, you know, they'll find out na ganun,' she knew that. And I also said... This is the first time I'm saying this, I said that if she wants to go back to Talent Center [Star Magic]... I think in some press releases I said this already, ‘You know, you're hurt now. Kung hindi mo maintindihan ang mga desisyon ng mga manager mo, ng ABS, pero you know, time heals a lot of wounds.' Sabi ko, ‘ Puwedeng bumalik ka sa Talent Center. Ayokong magkaroon ng kontrata na you're coming to us ngayon, kasi hurt ka.'

"Alam naman yun ng management ng ABS-CBN at sinuportahan naman ako. And I'm really grateful, most especially to Miss Charo Santos-Concio and Cory Vidanes, because they're really behind me and Heart, you know, during the time that she was down."

Continue reading below ↓

HEART'S TRANSFER. Nagpaalam ba sa kanila si Heart bago lumipat sa GMA-7?

"Nagpaalam naman," sagot ni Angeli. "Actually, ano ‘yan, e, si Heart, you know, when she came to us, hindi naman namin ‘yan itinago sa press. Talagang parang ano siya, very special kasi siya sa family niya, parang wala siyang masyadong alam sa buhay. So para sa akin, yung pagpunta niya sa amin, it was really a transition na kailangan niya talaga. At the time when siguro she needed somebody to offer a hand, we were there for her. So, nagpaalam naman siya.

"Sabi naman ng parents niya, when we had a meeting, sabi ng mother niya, everything we close for Heart, will be honored by them. Yun yung pinag-usapan namin," dagdag niya.

Nagkataon lang ba na paglipat ni Heart ng GMA-7 at pag-alis niya sa Genesis ay nakipag-break siya kay Jericho?

"Actually, tungkol sa personal relationship nila, it's very difficult for me. Mahirap sa akin magsalita dahil buong publiko at buong press, alam nila na mahal na mahal ko ‘yang dalawa [Heart and Jericho]. At nagmamahalan pa rin yung dalawa. Kaya ayokong magsalita na might aggravate whatever everybody knows [is] already a very tense situation na nakakalungkot.

Continue reading below ↓

"You know minsan kasi sa text, yung kapag malayo talaga ang tao, hindi mo mapi-feel kung ano talaga ang pakiramdam nung isa. Ako, ang sabi ko lang sa Genesis, kapag isang Kristiyano nahulog, whether Jericho or Heart, hindi mo naman ‘yan titirahin, e. Dapat ipagdasal lang ‘yan like what we did.

"We may not be physically managing her anymore, but ang reassurance ko sa kanya at sa kanyang pamilya, e, talagang ang Genesis nandito at ipagdarasal sila. Pero yung breakup nila, nagulat lahat. Nagulat kaming lahat," lahad ni Angeli.

WHO'S TELLING THE TRUTH? May mga sinabi si Heart na hindi raw totoo ang pahayag ni Jericho tungkol sa breakup nila. Sino ba sa tingin ni Angeli ang nagsasabi ng totoo?

"Gusto kong klaruhin, yun yung interview ni Echo kay Boy Abunda [sa The Buzz], sinabi niya hindi nagsisinungaling si Heart. Siguro sabi niya, ‘In denial ako.' And I try to evaluate it. Siyempre, parang kami ni Gary, ‘pag nag-aaway kami, di ba? Or mag-boyfriend-girlfriend, ‘Hay, ayoko na!' Di ba, minsan nakakasabi ka ng ganun? ‘Ayoko na. Huwag na tayo.' You know what I mean?

Continue reading below ↓

"That's my personal opinion, ha. Opinion ko 'to na feeling ko lang, as Echo said ‘in denial ako,' meaning, siguro akala niya it's just one of those things na ano, kaya nagulat na lang siya nung na-confirm na sa television. Yun ang sinabi niya kay Boy Abunda. Ayaw niyang sabihin na sinungaling si Heart. Dahil for him, hindi sinungaling si Heart," mahaba niyang paliwanag.

Sadya raw hindi muna pinagsalita ng Genesis si Echo pagkatapos ng announcement ni Heart na break na sila. Totoo ba ito?

"No, no, no," tanggi ni Angeli. "Ang schedule niya sa Malaysia, grabe. Kaya rin siguro nakapag-worst siya ng situation. Ang schedule ni Echo, seven days, every day nagte-taping. So ang break lang niya, isang araw. Kung minsan siguro tine-text siya, gusto siyang tawagan, pero hindi talaga siya ma-reach. Ganun talaga si Echo. Kahit ako minsan nagte-text ako, minsan two days bago siya magsalita or whatever."

Continue reading below ↓

THE TEXT MESSAGE. May tinext daw si Angeli kay Heart na labis na ikina-react ng mga magulang ng young actress.

"Ah, yung text ko kay Heart]... Alam mo yung text na ganyan, ang nakakalungkot and I think this is a lesson for not just me but for everybody. Ang texting kasi minsan, kung iisahin mo lang yun at hindi maraming text ang nabasa mo, magkakaroon ka talaga ng ibang pakiramdam, di ba?

"E, hindi naman yun para sa kaninuman, e. Para lang sa aming dalawa yun [ni Heart]. In fact, after that, nagtatampo siya or something, not to me, ‘no? Sinabi ko, respetuhin niya ang parents niya. Honor her father and mother. Ganun naman kami ni Heart. I think through all of these times, di ba?

"We've all been praying for her na mag-reconcile sila and, honestly, I mean, we are Christians and we are totally happy that, you know, she reconciled with her parents. Siguro ano, any person who has love as much as I have loved Heart Evangelista will have withdrawal symptoms. Tama?

Continue reading below ↓

"Ganun lang naman yun, e. Parang nagwi-withdrawal ka na there are certain authority you have, but you don't have anymore. So, it's really kinda difficult. And I want to apologize, I want to say sorry sa mga taong na-hurt. Tinext ko na silang lahat. I praise God because Ruffa [Gutierrez] called me last Mother's day, nagkuwentuihan kami and she's been calling me every day, texting me every morning. Si Ruffa, napakabait na bata talaga.

"So, I think, what everybody is experiencing also yung like sa concert ni Gary, sabi ko nga sa mga anak ko, e, ‘His love? What is His love? It's about forgiveness.' Her parents forgave Heart. I forgave Heart. Kung meron mang nangyari na masakit, I mean, I think ang importante rito ay ano ang sinasabi sa akin ng Panginoon sa situwasyon na ito. ‘Angeli, dapat ganito ang gawin mo.' I don't want to look out and blame everybody.

Continue reading below ↓

"You know, I want to make this clear, hindi ako galit kay Heart. Galit ako sa situwasyon kasi rush-rush-rush! I mean, everything done in haze. I think sometimes, you know, magugulat ka kasi siyempre, not for anything else, I really thought na magsa-sign siya sa ABS-CBN. That's a fact naman, di ba? Now, this is the decision of the parents and I respect that. Kasi kaibigan ko rin naman yung ibang taga-GMA7, so okay lang."

THIRD PARTY. Sinasabi ni Heart na may third party involved sa pakikipag-split niya kay Jericho. Itinuturo ang Hollywood star na si Briana Evigan at ang Malaysian actress na si Carmen Soo na dahilan daw ng breakup nina Heart at Jericho. Si Briana ay nakasama ni Jericho sa international film na I Luv U Virus at si Carmen naman ay leading lady ng young actor sa isang Philippine-Malaysian soap opera.

Ano ang masasabi ni Angeli rito?

Continue reading below ↓

"He cleared it on The Buzz that for him, there was nothing," ani Angeli. "The only thing I think that may have happened was this is the first kissing scene of Echo [with Briana] ever since nag-ano sila ni Heart, you know. And maybe, I don't know, my personal opinion... You know, I say this with no malice at all, my love for Heart has never stopped. I continue to love her. And I think maybe it's difficult for her to understand that sometimes in scenes, you know, Echo said [on The Buzz] this in taping, di ba? Na kapag nag-kissing scene kayo at magkasama kayo, nag-usap kayo, siguro may ano kayo, may mga taong nagsabi kay Heart na, ‘Naku, ang sweet-sweet nila. Echo is flirting with her.' Mga ganun-ganun.

"I really want to give Heart the benefit of the doubt as well. Kasi I prayed that everybody will give Echo the benefit of the doubt. We're talking here of two people who still love each other. We are talking of two people who I believe is very special in their parents, me and I think it's important for us to just continue to pray for them because we know that they are suffering right? We know that and we see that.

Continue reading below ↓

"I just pray that people don't judge right away like a text message, you know. I apologize for something which I really thought that was just between me and Heart. Minsan kasi somebody, ‘Ang pangit-pangit niya ngayon, ‘no!' But you know, he's just joking or something like that or say something may meaning yun, pero kayong dalawa lang yun. But as I told the people concern, ah, it was wrong. It was wrong for me to do it and [I] apologize."

Hindi raw aware si Angeli sa sinasabi ni Heart na nakita niyang kayakap ni Echo ang co-star niya na si Briana. Nagulat na lang sila at nakipaghiwalay na si Heart kay Echo.

"Kasi ang bilis ng pangyayari, e. Sabi nga ni Echo parang typhoon, di ba? Everybody's surprised. But you know, pagdating sa kanila ni Echo, I don't think it's over. Kasi we can still start over, di ba? Sabi ko sa kanya [Jericho], ‘Habang ganito ang panahon, let's just let her have a happy time with her family, di ba? I mean, three years nawala, di ba? So, para sa akin, respetuhin natin ang mga desisyon ng kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

"I think that's wonderful of Heart to make some sacrifices. But if there are things that she's going through right now, I want to make it clear right now that it is not an easy time for everybody. I mean, it's not an easy time for me, not easy hearing people cry every night, you know," nagagaralgal na sabi ni Angeli.

"I just pray that the people in showbiz, the media, the writers, will be kinder to both because they are such wonderful people. Echo and Heart are two of the most wonderful people that I have ever met, and this situation, you don't look at the weaknesses of the people. You look at their strength. You don't look at one bad thing a person has done. Kailangan kabuuan ang tingnan mo. Kung ano ang ginawa ni Echo sa kanyang buhay. He came from scratch. You look at Heart. Heart is down. But she's up. Let's be happy for them."

Continue reading below ↓

HIDING HER TRUE FEELINGS. Duda naman ng iba, itinatago lang ni Heart ang tunay niyang damdamin sa paghihiwalay nila ni Jericho. Ano ang opinyon ni Angeli rito?

"It's hard to answer that," pasubali ng talent manager. "You know, when I entered this presscon, somebody told me, ‘Angeli, mukhang ang lungkot-lungkot mo.' Ang sabi ko lang, nakakalungkot. Alam ko, mahal mo si Heart at mahal na mahal namin si Echo at si Heart. Kung anuman, whatever she's going through right now, we'll have to understand her. There are levels of, para sa akin, there are levels of understanding the other person. And Echo is more, is older. Heart is young and there are things you have to take into consideration. All I can say is that both of them are not happy."

Ano ang binigay niyang advise kay Echo bilang manager?

"I just tell him... I read this the other day, ‘The most beautiful golden jewelry [goes] through the hottest of fire.' And I, ah, I said that Echo was meant to be a very major tool of God just like Gary. A major, not star, a major influence in Philippine society. I think that Jericho Rosales has not seen the best of [himself] yet.

Continue reading below ↓

"I just told him just focus on the Lord. Itong pagsubok na ito will be good for him, you know. Hindi naman siya stranger sa paghihirap, e. Sinabi ko sa kanya magdasal siya, ngayon niya i-value yung ibang mga bagay na parang he set aside, and now he's very excited, like [about] his career. He's very excited about many things," pahayag ni Angeli.

May balita na magtatambal ulit si Echo at ang ex-girlfriend niyang si Kristine Hermosa sa isang programa ng ABS-CBN. Totoo ba ito?

"Long-standing inquiry na ‘yan. Long-standing offer ‘yan. We're studying the possibility. We've been studying it naman," pagtatapos ni Angeli.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko sa kanya [Jericho], ‘Habang ganito ang panahon, let's just let her have a happy time with her family, di ba? I mean, three years nawala, di ba? So, para sa akin, respetuhin natin ang mga desisyon ng kanyang pamilya," says Angeli Pangilinan-Valenciano about the breakup of Heart Evangelista and Jericho Rosales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results