Faith Cuneta will have Gabby Concepcion as special guest at her birthday concert

May 18, 2008
"Iba kasi pag si Gabby ang guest mo. Siya ang gustong makita ng lahat tao for the moment... Cutie siya, e! Baka matulala ako ‘pag nakasama ko siya sa show!" says singer Faith Cuneta about having Gabby Concepcion as special guest at her birthday concert.

Sobrang tuwa ng tinaguriang Asianovela Diva na si Faith Cuneta nang kumpirmahin ng kanyang manager na special guest sa kanyang birthday concert na Celebrate Faith ang controversial actor na si Gabby Concepcion. Gaganapin ang birthday concert ni Faith sa mismong kaarawan niya on May 25, Sunday, sa Teatrino, Promenade, Greenhills.

Bata pa si Faith ay maka-Sharon-Gabby na raw siya.

"Lahat ng kanilang pelikula ay pinapanood ko at pangarap ko talagang makasama si Gabby. The best birthday gift talaga ito sa akin. Ang saya dahil natupad yung birthday wish ko. Sobrang suwerte ko, di ba?" sabi ni Faith nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Celebrate Faith sa Dencio's restaurant sa tapat ng ABS-CBN.

"Iba kasi pag si Gabby ang guest mo," patuloy niya. "Siya ang gustong makita ng lahat tao for the moment. Ang purpose ko naman for my show ay to make everyone happy. At ako rin, ang saya ko na nandoon siya. Wala akong makitang disadvantage kung bakit hindi si Gabby ang kunin and he sings. Cutie siya, e! Baka matulala ako ‘pag nakasama ko siya sa show!" kinikilig pang sabi ni Faith.

Continue reading below ↓

Nagpaalam ba siya sa auntie niyang si Sharon Cuneta na ige-guest niya si Gabby sa concert niya?

"Hindi ako nakapagpaalam, kasi surprise gift sa akin ito ng manager ko [Jacob Fernandez] since birthday show ko ito. Nalaman ko na lang, guest ko siya. I don't think magkakaproblema dahil nagkakaintindihan naman kami at busy rin naman siya [Sharon] na nagpo-promote ng movie niyang Caregiver."

Naniniwala si Faith na hindi magagalit si Sharon na si Gabby pa ang naisip niyang guest sa concert dahil trabaho lang daw ito.

"Siguro kung magkakaroon ng isyu, hindi manggagaling sa amin," sabi ni Faith. "From people around us. Pero kami ni Mega, walang problema about it. Magkita kami, hindi magkakaproblema sa ganoon."

FAMILY TIES. Pero may nakukuha ba siyang suporta mula kay Sharon dahil pareho silang Cuneta? Naramdaman ba niya ang support bilang isang kamag-anak?

"Kung kapatid mo siguro like Juday [Judy Ann Santos], may suporta... Iba ang suporta ‘pag magkapatid kayo," diretso niyang sagot.

Continue reading below ↓

Dapat ba na maging Judy Ann Santos para suportahan ng isang Megastar?

"Dapat yata ay maging kapatid ako!" makahulugan niyang sagot, sabay tawa.

Aminado si Faith na kahit minsan ay hindi pa siya nakakapag-guest sa Sharon, ang weekly program ng Megastar sa ABS-CBN.

"Hindi, e. May invitation ba ako? Baka hindi nila alam ang contact number ng office, ng manager ko, ng handler ko. O baka walang maisip yung writer na topic for us for the past four years!" tawa ni Faith.

"Pero wala pong nagdadamdam na ganyan. Marami pa namang panahon. Hindi pa siguro time, huwag nating ipilit," pahabol niya.

NO INSPIRATION. Wala raw bagong inspirasyon si Faith na makikita sa birthday show niya.

"Wala nga, e! I had a breakup with my boyfriend a month ago, so wala. Kaya ano lang, masaya lang, birthday celebration," sambit niya.

Natatawang pinabulaanan ni Faith ang balita na boyfriend niya ang manager na si Jacob Fernandez. Talent-manager lang daw ang relasyon nila dahil kabi-break lang nga nila ng kanyang Singapore-based boyfriend.

Continue reading below ↓

Bukod kay Gabby, makakasama rin ni Faith sa kanyang birthday concert sina Arthur Manuntag, Joy Viado, Paolo Ledesma ng 3rd Avenue, at si MMDA Chairman Bayani Fernando. Ang concert ay ididirek ni Bert de Leon.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion, Sharon Cuneta
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Iba kasi pag si Gabby ang guest mo. Siya ang gustong makita ng lahat tao for the moment... Cutie siya, e! Baka matulala ako ‘pag nakasama ko siya sa show!" says singer Faith Cuneta about having Gabby Concepcion as special guest at her birthday concert.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results