PEP EXCLUSIVE: John Lloyd Cruz overdosed, says malicious text message

May 19, 2008
John Lloyd Cruz says he learned only of the malicious text message when Star Magic called to check on him.

May mga kumakalat na text messages ngayon tungkol sa young actor na si John Lloyd Cruz. Ayon sa pinaiikot na text messages, John Lloyd overdosed on medicine kung kaya't kasalukuyang nasa Medical City ito.

Nang makausap naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd over the phone, a few minutes ago, kakatawag nga lang daw sa kanya mismo ng Star Magic. Bilang isa sa mga prime talent ng Star Magic, tsine-check daw siya ng mga ito kung may katotohanan nga ang kumakalat na text messages.

Siyempre pa, hindi maiiwasan na mag-worry ang mga malalapit na kaibigan ni John Lloyd dahil sa naturang text messages, lalo pa nga't nandoon pa rin ang pag-aalala kung may bahid nga ba ng katotohanan ang kumakalat na text or isang hoax lamang.

Nang may tumawag from Star Magic ay saka lang nalaman ni John Lloyd na may mga ganoong text message about him. Obviously, walang katotohanan ang balita dahil noong mga sandaling kausap ng PEP si John Lloyd ay nasa isang appliance store siya dahil may kailangan siyang bilhin na gamit.

Continue reading below ↓

Laking pagtataka nga raw ni John Lloyd kung bakit may ganoong text message na kumakalat. Ayon sa kanya, hindi raw niya alam kung ano ang reason or motibo ng nagkakalat ng text message.

Recently, madalas na naiintriga si John Lloyd concerning his health. So PEP asked him kung hindi kaya may koneksiyon ang mga kumakalat na isyu concerning his health dahil isa siya sa itinuturing na effective endorser ng isang brand ng gamot. Obviously, merong gustong manira sa young actor.

Clueless si John Lloyd kung ano talaga ang motibo ng nagpapadala ng text message. Pero siya na mismo ang nagsabing huwag na lang itong pansinin dahil he's very much okay at walang anumang sakit at lalong hindi nao-overdose ng kahit na anong gamot.

Ayon pa kay John Lloyd, right now, he's busy shooting his latest movie under Star Cinema at matutuloy na rin ang team-up nila ni Sarah Geronimo for the first time.

Continue reading below ↓

Supposedly kasi, ang Dear Heart sana ang una nilang pagtatambalan na co-produced ng Star Cinema at Viva Films, but as we all know, hindi na nga matutuloy dahil tutol si Sharon Cuneta na i-remake ang kanyang pelikula.

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz says he learned only of the malicious text message when Star Magic called to check on him.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results