Mark Herras looks forward to being a godparent of Jennylyn Mercado's child

May 20, 2008
"Although hindi pa kami nagkikita [ni Patrick], pero mukhang okay naman kami. Wala naman kaming problema," says Mark Herras (left) about his relationship with Patrick Garcia, the father of Jennylyn Mercado's (right) unborn child. Mark is already sure that he will be one of the godparents of Jennylyn's first baby.

Bagama't hindi pa nila napag-uusapan ni Jennylyn Mercado, sigurado na ang young actor na si Mark Herras sa pagiging ninong ng magiging anak ng ex-girlfriend niya. Nasa ika-anim na buwan ngayon ng pagbubuntis si Jennylyn at inaasahan na lalaki ang kanyang anak sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Sa panayam ni Rey Pumaloy ng Abante kay Mark, hindi raw kataka-taka na kunin siya at ilan pang ka-batch nila sa StarStruck na maging godparents ng baby ni Jennylyn dahil matalik na kaibigan nila ang young actress

Tinanong din ng shoiwbiz columnist si Mark, paano kung hindi pumayag si Patrick na maging ninong siya?

"Bakit, may magagawa ba siya kung si Jen ang may gusto?" sagot ni Mark. "At saka ano naman ang masama kung maging ninong ako?

"Matagal nang tapos ang relasyon namin ni Jen at magkaibigan naman kami ngayon. So, dapat hindi na bigyan ng kahulugan ' yon. Para naman 'yon sa baby."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Mark, "Bahala na lang si Jen doon. Kung ano ang sasabihin ni Jen, 'yon na lang ang susundin ko."

Hindi rin naman iniisip ni Mark na magiging isyu pa ito sa pagitan nila ni Patrick dahil nagkasama na rin sila sa trabaho, sa Fantastic Man. Bukod pa rito, ayaw na ring makialam ni Mark sa problema nina Jennylyn at Patrick.

"Hindi na rin namin pinag-uusapan 'yon ni Jen. Ang mahalaga ngayon ay masaya si Jen."

IT'S A BABY BOY. Natutuwa rin si Mark nang malaman niya na lalaki ang magiging anak nina Jennylyn at Patrick. Ito raw ang naging hula niya noong mga unang buwan ng pagbubuntis ni Jennylyn.

"Nung two months pa lang ang baby sa tiyan ni Jen, nakipagpustahan ako sa kanya. Sabi kasi ng iba, babae raw ang magiging baby niya dahil maganda nga raw at blooming si Jen.

"E, maganda naman talaga si Jen at ibang-iba ang aura niya. Pero kinontra ko 'yon at sinabi kong lalaki 'yon. E, lalaki nga, so tama ako," lahad ni Mark.

Continue reading below ↓

Sa panganganak ni Jennylyn, nangako si Mark na tutulungan niya ang dating kasintahan at ka-love team sa pagbabalik nito sa showbiz.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Although hindi pa kami nagkikita [ni Patrick], pero mukhang okay naman kami. Wala naman kaming problema," says Mark Herras (left) about his relationship with Patrick Garcia, the father of Jennylyn Mercado's (right) unborn child. Mark is already sure that he will be one of the godparents of Jennylyn's first baby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results